(8) Why does the setting matter?

115 14 13
                                    

Ever since grade school, we know that the setting is a vital part of every story. Kapag may seat work kayo sa English hindi ba minsan kailangan mo ilagay ang title, characters, setting, summary at moral lesson.

Laging nariyan ang tagpuan ng bawat kwento. You can't have your characters moving around in an empty void or have a flat and unappealing backdrop.

Setting of the story is not just about the when's and where's.

Whenever you craft a world of your own, the setting is just as powerful as the characters and the conflict. It is responsible for embracing the readers and making them feel like they are witnessing the events first hand. Kagaya ng kanta ni Ariel sa Little Mermaid, we wish we would be part of that world.

Fiction can either mirror reality or let you escape from it. Napansin niyo ba na kapag nagbabasa kayo ng napakagandang libro hindi mo mabitawan kasi parang bahagi ka na rin ng mundo nila. Parang ikaw na ang bida. Isa sa mga dahilan diyan ay epektibong pagkakasulat ng tagpuan.

Ang magandang setting para sa 'kin ay parang naglalaro ka ng RPG na may napakalupit na graphics. They are very immersive, distinctive and realistic. Ganyan ang magandang setting.

Aba eh aminin na natin lahat tayo hirap na hirap sa ganito.

Kagaya ng paulit-ulit na paalala sa mga writing tips, critique shop at writing contest ay, "Show, don't tell."

Tama naman talaga ito. In order to achieve imagery is to decribe a frame vividly.

Just remember that when you write your setting, make sure that you establish the where and the when. Next is to appeal to the senses. What does it look like? What can you hear? Is the temperature too hot or too cold? Last, relate it to the character, or the mood.

Ok example, kailangan mong ipakita ang bahay ng bida mo. Ano ba ang katangian niya? Ano ang hilig niya? How much does he or she earns?

You can answer these questions indirectly. Hindi natin kailangan sabihin na si Susan ay babae, mayaman, mahilig sa mga libro at figurines, at may slight obsessive compulsive issues.

How? Simple. Just incorporate it with the setting.

Unang beses kong pumasok sa penthouse suite ni Susan. Nilibot ko ang paningin ko naparang batang nasa Disneyland. Malawak iyon. Masyadong malawak para sa isang tao lang. Nakatakaw ng pansin ang nakakalulang floor to ceiling shelving na punong-puno ng iba't ibang libro. Halos wala na ngang bakanteng shelf.

Pagpasok mo sa pinto ay sasalubong sayo ang shoe rack at coat hanger na may post-it notes na nakasulat na, "Leave your shoes and coats here, barbarians."  Palihim naman akong napangiti.

Her living room was neat with the furnitures all in primary colors. Halos kumikinang din ang coffee table at ang mga shelves na may iba't ibang sculpted figurines. Humiga ako ng malalim at walang kahit na anong alikabok sa hangin. A wift of lysol actually invaded my senses.

Ayan so bale halatado na siguro kung anong klaseng tao si Susan base sa lugar na tinitirahan niya hindi ba? It has more depth than just stating things blunty. Napapa-isip mo muna ang mga readers mo.

Another example ay isang active crime scene.

Terrible example:

So ayun nga gabi na nang dumating ako sa crime scene. Kasi may patay na tao sa loob ng sasakyan na halos ilang araw na ro'n. Marami rin kaming mga imbestigador dito na ginagawa ang trabaho namin.

Improved example:

Hinipan ko ang mga palad ko dahil kanina pa ako nilalamig. Sa sobrang pagmamadali ko kasi ay hindi ko na nagawang hablutin man lang ang jacket ko bago umalis ng apartment. Ginising ako ng madaling araw dahil may isa na namang natagpuang biktima sa kaso ng serial killer na hinahawakan ko. May iilang sumaludo agad sa 'kin pagkarating ko pa lang.

Yumuko ako at tinabig ang mga nakapalibot na police ribbons sa sasakyan ng biktima. Pagdating ko ay iilang opisyal na rin ang paroo't parito para gawin ang kanikanilang trabaho. Nagmamadali ang mga taga-forensic sa pagkuha ng mga litrato at pagkalap ng mga ibedensya. Ang isang investigating officer naman ay kinakausap ang witness na siyang unang nakakita sa bangkay. Habang papalapit ako sa mismong sasakyan ay tinakpan ko ang ilong ko dahil sa masangsang na amoy. Ito ang amoy ng kamatayan. At basi sa tapang nito ay halos ilang araw nang patay ang biktima bago ito matagpuan.

May iilang mga sibilyan na nagtipon sa isang gilid na pinipilit makichismis kung sino at paano namatay ang biktima.

Grabe sinipag ako magsulat ng prompt eh.

A good setting always helps to establish the mood, support character traits and development, invokes emotional response, and help shape the society in your story.

Let us take as a study material the break out series of Hunger Games.

So alam natin ang mundo nila ay hindi kagaya ng mundo natin. Pero may pagkakapareho pa rin. Panem is divided into different districts. Kagaya ng tunay na mundo ay ang bawat distrito na ito ay may iba-ibang bihis, kabuhayan, pati na rin ang ugali ng mga tao.

Sa district 12 na kinalakihan ni Katniss ay napabilang sa mga mahihirap na distrito. Ang kahirapan na ito rin ang humubog sa kanya para mas magsikap at maghanap ng mga paraan para may ipakain sa pamilya. She developed a skill on hunting because they can't afford most things and the wages are so low. Makikita rin ang contrast ng karakter niya sa mga taga district 1 at taga-capitol. Iba iba ang lugar at panahon na humubog sa kanila. Just the fact that these different districts are so distinct and iconic means that the setting was well established.

Ganyan siya ka makapangyarihan frens. Mas gugustuhin nating lahat na magbasa ng kwento na parang hinahatak ka talaga papasok sa bagong mundo kesa sa mga kwento na sinulat ng ganito:

*sa canteen*

****after many years at hindi talaga ako magbobother maglagay kung ilan. Basta sabi ko nga many years***

//10 mins later// sa club 😉

*D3m0N WorlD*

/flashback 1hr ago/

Again kahit natutukso man kayo o tinatamad, huwag po sanang gawin ito kapag nagsusulat ng setting. Parang awa niyo na po.

Maraming, maraming, marami pa tayong pwedeng pag-usapan tungkol sa pagsusulat ng epektibong tagpuan. The topic itself is vast and heavy. Hindi rin ito yung tipo na uupo ka lang at biglang, boom perfect!

Siguro may iba talaga na may talent sa ganyan. Pero in general, writing effective setting is a skill that always needs to be polished.

Try to read different materials and scrutinize the style and the tone. Observe the worlds crafted by different spectrums of authors. Huwag natin ilimit ang mga sarili natin kapag gusto nating matuto.

Ang dami ko na namang daldal. Pasensya na kung medyo makalat at vague ang chapter na ito. Unlike most chapters na naka-outline at nakaplano bago ko isulat, ang chapter na 'to impromptu muna. Kaya sinubukan ko lang mag-share as much as I can.

I really hope this helps. If there are some unclear parts or parts that you want me to focus on, let me know in the comments. Kasi susubukan ko sila sa mga susunod na updates.

Love,
DYOSA




How, What, Why Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon