Hello darlings! It's been a while since the last update. Medyo nawala ang momentum ko dahil sa tingin ko ay wala naman talagang nagbabasa ng book na 'to kung meron man mga close friends ko lang din.
Earlier today I saw a thread that really awakened me. Charotera. Sabi raw ay bakit ka maghihintay ng magko-comment o magbo-vote sa book mo kung layunin mo naman talagang makatulong. Kailangan daw regardless sa feedback hindi dapat maningil o iasa sa mga votes at comments ang mga bagay na gusto mo ishare.
Some people are genuinely trying to learn and if you have the chance to help, you should always do it wholeheartedly.
Grabe 'di ba. Mga sudden epiphany na 'to sa Watty ko pa nakuha. Kaya naman na motivate ako na ipagpatuloy ang aking naumpisahan.
Bale iyon nga ang tatalakayin natin ay 10 Commandments for Every Creative Writer.
Little background about this, I actually learned this in a film making workshop a few months ago. The lecture was actually very raw and unscripted. Kung ano talaga ang genuine na gustong i-share ng mentor namin iyon talaga ang tinatalakay. Walang fancy production needed.
I was actually wanting to share it for a while now kaso hindi ko mahanap ang mga old notes ko. Then narealize ko na hindi pala talaga ako nag-take down notes. Mabuti na lang maganda ang memory retention ko.
So bale ito siya guys. Hihimayin natin ang sampung kautusan na ito.
●●●●
1) Thou shall write original concepts.
Oh pinakauna talaga maliwanag na maliwanag. Ang pagsusulat po ay hindi take home exam na iniwan ng biology teacher niyo. Hindi po katanggap-tanggap ang pangongopya.
Always make it to a point that when you craft something make sure it is yours. Pour you blood and sweat in your craft. This is what makes being a creative writer meaningful.
Sa mundo ng wattpad na mayroong sobra 40 million users, aba mahirap nga talaga makapag-isip ng bukod tangi na kwento. Kaya malamang ang iba ay idadahilan nila na, "na-inspire po ako ni ate b3iHb3ihMhu1436969."
Walang masamang ma inspire hindi na po ito bago. Kahit saang sining ay kailangan ng inspirasyon. Lalo na kapag artist ka. Kailangan mo ng study material. Pero magka-iba po ang na-inspire kesa sa nangopya.
2) Thou shall always respect other writers.
Kasing uso ng plagiarism ang crab mentality. Kagaya ng inaasahan hindi rin po katanggap-tanggap na hahatakin mo papaba ang kapwa no manunulat. Uso 'yan ang palitan ng post tungkol sa trash stories. Naku naku hindi po magandang ugali iyan.
Wala pong kwentong basura ah. Tandaan niyo 'to. Every story is a work in progress. Every writer is a work in progress.
May iba na nag-uumpisa pa lang o may iba na slow burner, may iba na medyo tumaas na ang rangko o dumami na ang experience, may iba na pinanganak na may natural gift (huhu sana ol). Pero walang sino man ang may karapatan na i-disrespect ang sino man.
Disrespect only comes from a position of insecurity and self doubt. Kaya as much as possible let us not be toxic. Let us help one another in harmony.
3) Thou shall always strive for excellence!
If you love your craft, your goal is not just to complete. Your goal is not to be famous. Your goal is solely to excel and help other people excel.
Once you've finished your story do not settle. If someone corrects you, do not be ignorant. Take all these and use them to make a better version of your work and most of all to make a better version of yourself.
BINABASA MO ANG
How, What, Why
Non-Fiction#64 in Nonfiction 09/07/2018 (by genre) #1 in writingtips 08/29/2018 (by tags) How, What, Why: A Guide for Online Writers Iilang mga tips, guide, at info para sa mga undiscovered writers na naglalayon pa na mas mapagbuti ang sining sa pagsusulat...