(3) What Makes a Description Click-Worthy?

214 24 18
                                    

Tapos na tayo sa plot outline, napag-usapan na rin natin ang tungkol sa pamagat.

The next step is writing your story description.

Your story description is the very thing that your readers see right before they tap read. Kaya naman importante na tutukan natin ng pansin ito. This could either make or break you.

Here are some things to note when writing your description:

📌Be an attention grabber!
Kailangan takaw pansin!  Kailangan nakakahook. Give your readers something to be thrilled about. Make it worth the read.

📌Focus on the story.
Ito ang part kung saan bibigayan mo ng impormasyon ang mga mambabasa mo kung anong klaseng kwento ba talaga ang ginawa mo. Focus on it.

Sometimes I just cringe when I see a description written like this:

Hi po! ako po si bebieL4bzxs ng buhay mo!!!
This is my first story. huhuhu :'( please don't be harsh. Expect typos and grammatical errors! Don't be road!  👊👊👊

Owemgii!?  So eto na po!  Please read, vote, comment, and share!!!

O minsan naman ganito:

#872 out of 1000+ in pag-ibig 08/10/2018
#869 out of 1000+ in pag-ibig 08/16/2018
#851 out of 1000+ in pag-ibig 08/18/2018

#300 out of 624 in highschool 08/10/2018
#312 out of 624 in highschool 08/08/2018
#299out of 624 in highschool 08/15/2018

~end of description~

Honestly po, sa point of view ng isang reader, hindi po siya magandang tignan. Walang kahit anong connection sa kwento o sa background ang mga examples sa taas. Iwasan niyo ito. Let your description serve its purpose.

📌Keep it clean.
Ito ang unang patikim ng writing style mo bilang isang author. Kaya naman, write it in the most formal way possible. This is the first impression that you leave, the resume you pass, the teaser that you wrote. Keep it clean.

Siguraduhin na maayos ang mga pananda. Kunin na lahat ng emoji at mga *Blag! *, *BOOM*, *Kring*. I-double check mo amg grammar. Kapag pulido at maayos ang description mas malaki ang chance na babasahin at susuportahan ka.

📌Provide a clear set-up for the genre.
Importante ito sa description. Kung nagsusulat ka ng fantasy, iyon din ang ipakita mo sa blurb.

Kung nagsusulat ka ng action-romance gawin mong angkop ang description. Siguraduhin mo na hindi malilito and readers mo o hindi blanko ang utak nila bago basahin ang akda mo.

📌Keep it short and concise.
Huwag sanang gawing isang buong chapter ang description. Layunin nito na ipakilala ang kwento hindi ang ilahad ang buong kwento. Isa pa minsan sa sobrang haba niya nakakawalang gana na basahin. Sa description pa lang ubos na oras mo, ano pa kaya kung buong chapter na 'di ba?

Natutunan ko ito sa isang film making workshop last time. I think puwede siya gamitin din sa pagsusulat. So directors and scriptwriters pitch a whole idea of a film to their producers in couple of sentences. Seryoso. Minsan nga isang sentence lang. Less is more.

They believe that if you could fit a massive idea in few sentences but still be able to awaken curiosity, and raise questions from your audience then you know that you are working on something good.

Now, hindi naman isang film pitch ang description mo pero parang pareho ang principle. Hindi necessary na isang sentence lang rin ang description mo. Pero just stick to the basic. Give a few information or introduce us to the story but don't give it all at once. Keep it short.

📌Don't give out the whole plot.
Bigyan mo ng dahilan kung bakit kailangan basahin ang kwento mo. 'Wag mo agad sabihin kung ano ang mangyayari sa dulo. Kapag masyado na kasing marami ang nasabi mo may tendency na mape-predict ng readers mo ang lahat ng magaganap sa kwento. Ayaw natin 'yan.

📌You can introduce main characters.
Isa ito sa go-to ko kapag nagsusulat ako ng story description. Mas madali kasi buksan ang mood at story background kapag na introduce mo ang mga bida. Pero again, don't give out too much.

Example:

A girl with no past and a  blurry future,  'yan si Sunny.
Mula sa pagiging palaboy na bata ay sinanay siya bilang isang agent sa LSF. She is one of the best in her field. Kahit kelan ay hindi siya na distract sa mission. Pero ano ba ang mangyayari ngayong nagbalik na ang lalaking matagal na niyang hinahangaan ng palihim?

Izaac James Lorenzo.
Cold. Distant.Dominant.
He's ready to take his father's position as the head of Lorenzo Security Force. Handa na siyang kunin ang responsibilidad na matagal ng tinutulak sa kaniya ng Dad niya pero hindi niya na paghandaan na makita ulit ang batang kinupkop ng ama sampung taon na ang nakalipas. The worst part is she has grown to be a breathtaking woman and he has to work with her.

Can he manage to keep his hands off his adopted sister or will she be his ultimate reckoning?

(Sorry na nag-plug ako ng Breaking Boundaries.)

📌You can quote significant lines.
Maganda din ito para sa mga short and direct openings. Isa din ito sa mga pinaka-effective na strategy sa paggawa ng description. Just make sure na ang linyang pipiliin mo ay angkop pa rin sa overall plot mo.

Example:

"Love was never an option for either of us."
-Sunshine

"If you only knew all the boundaries I'm willing to break just to call you mine."
-Izaac

📌Don't oversell it.
I get it that we are all trying to convince people to read our work but please don't go above and beyond for the description. Keep it lowkey, keep it real.

Kung hindi niyo po alam kung paano mag-oversell parang ganito po siya:

Mahilig ka ba sa love story?

Sa fantasy?

Basahin mo na ang kwento na 'to!  Maganda 'to pangakoSamahan mo sila Juan, Molong, at Teban sa kanilang paglalakbay. Mapapatay nila ang malaking halimaw at may mga magagandang chicks na naghihintay sa kanila!

Basahin mo na!

Basahin mo na please!

You can give a vote if you think this update has been helpful.

Puwede rin po kayo mag-share o mag-tag ng mga friends niyo na sa tingin mo ay matutulungan ng guide book na 'to.

Kung may mga nais po kayo itanong, i-request, o i-share,  paki-comment na lang po dito.👇👇👇

Good luck everyone!  Keep writing!

~Love,
DYOSA

How, What, Why Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon