Hello again! Our topic for this chapter is all about titles.Ok so objective natin ngayon ang malaman ang sagot sa mga sumusunod na katanungan:
1) Bakit nga ba importante ang catchy title?
2) Paano ka makakagawa ng perpektong title para sa kwento mo?
3) Ano ang mga dapat tandaan kapag pipili ng bagong title?
Sa mundo ng wattpad ngayon alam natinh lahat na hindi na mabilang mga pamagat kagaya nito:
The Billionaire's Wife/Ex/Girlfriend/Sex Slave
The Bad Boy's...
High School Story/ Magical Academy/Vampire University
Gangster Prince/ Princess/ King/ Queen
Mr. Bad Boy meets Ms. Badass
I'm not saying na mali ito. Actually dumami nga sila kasi pumatok siya sa masa. Kaso kapag pare-pareho na ang mga pamagat maliit ang chance mo na maging memorable. You will be drowned in an endless pool of cliché titles and picky readers will most likely disregard your work.
So balik tayo sa question number 1.
📌 Bakit nga ba importante ang catchy title?
Having simple titles doesn't mean it's a bad book but one thing is certain. Having catchy and eye grabbing title will attract readers.
A catchy title will make your work memorable. It will make you memorable. Kapag takaw pansin ang pamagat mo mas malaki ang chance mo na magkaroon ng readers. Mas malaki ang chance na tumaas ang ranking mo. Mas madali ka makilala ng tao dahil syempre, bukod tangi ka.
Pero hindi ibig sabihin nito ay mag-iisip ka na lang ng kahit anong malalim na salita at gawing pamagat. It doesn't work that way. This brings us to question number 2.
📌 Paano ka makakagawa ng perpektong title para sa kwento mo?
Keyword natin perpekto. In other words, swak, sakto, pinaka-angkop.
Grabe mahirap no?
Note this. Your title should embody the whole book. It should pitch the whole idea or it should grab the readers to know the whole idea behind those few words but remember it is only a preview, not a summary.
Ang lalim masyado. Pero simple lang naman talaga ang point ko. Ang pamagat ay dapat sumasalamin sa nilalaman ng kwento mo.
Here are a few steps to help you come up with the perfect book title for your story:
•Know your genre. Laging gawing angkop ang pamagat sa genre ng kwento. Example ang mga aklat ni George RR Martin sa ASOIAF Series na ang pamagat ay Game Of Thrones, Clash of Kings, Storm of Swords, Feast for Crows, Dance of Dragons, Winds of Winter.
Siguro napapatanong kayo bakit iyon ang napili niyang pamagat? Pero unang tingin mo pa lang alam mo na agad na High Fantasy ang buong series. It instantly gives you the vibe and the feel of the genre. Imagine kung ang Game of Thrones ay gawin nating Battle for Position. Well almost same concept and idea pero this time hindi mo na gaanong makapa ang Fantasy.
Another example is Demonic Resistance: The War of Two Worlds. Kung ito ba ang pamagat ng isang teen fiction story ano ang mararamdaman mo?
Parang masho-shock ka 'di ba? Always make sure that your title is within the bounds of your genre. Once you alienate the genre, you also alienate the readers.
•Be significant. Find words that hold meaning for your whole book. It doesn't have to be so deep but readers should always be able to recognize it. Take for example Jane Austen's masterpiece Pride and Prejudice.
If any of you here read the book you will know that these two simple words is actually the essence of the book. Ito ay tungkol sa pag-aalinlangan nila Elizabeth at Mr. Darcy na aminin ang pagmamahal nila sa isa't- isa dahil sa well, Pride and Prejudice.
Sometimes significance comes from a character driven perspective. Examples of this are the movies, Anna Karenina and Marie Antoinette. They hold meaning because the both stories revolve on two of the most controversial women of their time.
•Make a list. Try to think of all the endless possibilities for your title. List them down. Kung walang pumapasok sa isipan mo just free write. Write whatever word or phrase come out of your mind. Have a word bank of all the related words for your plot.
Kapag nagawa mo na ang word bank mo mas madali na mamili or mag-combine ng mga salita para gawing pamagat. This process is very medieval, very raw, very manual but trust me this actually works!
•Choose wisely. Ngayon na tapos ka na sa listahan ng possible titles mo, oras na para pumili. 'Wag muna kayo magmura. Oo nga at sayang lahat ng nasa listahan at mahirap pa rin piliin ang pinaka swak sa kanila. Ano nga ba ang batayan natin sa pagpili?
Dito na natin isisingit si question number 3.
📌 Ano ang mga dapat tandaan kapag pipili ng bagong title?
So ito naman ang iilan sa mga tips na pwedeng makatulong sa inyo:
•Search it up. Tignan mo kung may kapareho kang pamagat. Marami na ba masyado? O masyadong mataas na sa ranking ang kapareho mo? Kung oo payong kaibigan lang, hanap ka ng ibang pamagat.
•Use precise nouns and active verbs. Ano ba ibig sabihin nito? Make it punchy. Iwasan mo ang mga general nouns. Example, Love Under the Trees could be better by making it Desire Under The Elms.
Halimbawa naman sa active voice ay ang pamagat ng isa kong kwento na Breaking Boundaries. Mas buhay siya pakinggan kesa naman sa The Boundaries were Broken.
•Don't sabotage your plot. So siguro may na encounter kayong title na gaya nito:
Falling for John
Maria, My Destiny
In the End I Will Choose CynthiaMy point here is that keep it mysterious. Kapag halimbawa Falling for John ang title mo. Ang description mo ay, "Sino kaya ang pipilin ng puso ko? Si John ba o si Petter?" Tapos balik tayo sa title.
Falling for John.
I hope you get my point. Titles like the ones given above, takes away the mystery and suspense of the story. Stay away from it.
•Play with words meanings. Isa sa pinaka-epektibo na pamagat ang may iba pang kahulugan. Your readers will scrutinize your title atleast twice. Una ay nang una nilang mabasa ang pamagat, pangalawa ay nang unti-unti na nilang binabasa ang laman ng aklat. Babalikan nila ang title mo at imagine ang wow factor kapag madiskubre nila ang double meaning.
Example: Cipher Crisis
Cipher
- is a way of encrypting a message to keep it secret.
-also refers to someone who has no power, no weight, no influence, not important.Bale tungkol siya sa isang secret agent hacker na nagsa-struggle sa depression. Cipher dahil mahilig siya mag-decode ng mga information na hindi niya dapat malaman. Cipher dahil hanggang ngayon ay walang kwenta ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya ay wala siyang karapatan magmahal.
(Pending story ko to na plug ng wala sa oras)
So bale iyon nga. Play with your words.
📌Conclusion
Wala naman talagang ultimate rule sa paggawa ng pamagat. Minsan may mga pamagat talaga na nakaka-akit, minsan may sakto lang, minsan meron lang talaga na pinagdarasal mo na sana hindi mo na lang nakita.
Just keep in mind that your perfect title is a healthy mix of creativity and marketability. Dapat dama ang genre at kaya niya pangatawanan ang buong ideya ng kwento.
I hope that this chapter was helpful. Let me know in the comments.
Good luck everyone! Keep on writing!
~Love,
DYOSA
BINABASA MO ANG
How, What, Why
Non-Fiction#64 in Nonfiction 09/07/2018 (by genre) #1 in writingtips 08/29/2018 (by tags) How, What, Why: A Guide for Online Writers Iilang mga tips, guide, at info para sa mga undiscovered writers na naglalayon pa na mas mapagbuti ang sining sa pagsusulat...