"Anak. Pumasok ka na sa loob. Tahan na. Tara na. Umalis na sya. " umiiyak na tonong sabi niya.
"Mama." para kong bata na umiiyak sa balikat ng isang ina. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Para kong iniwan ng mundo , kahit ako yung nangiwan sa lalaking naging mundo ko.
Its 6:00 in the evening...
Tahimik lang ako na nakaupo sa may passenger's seat ng kotse na sinasakyan ko at tinatanaw ang bawat madadaanan nito.Mamimiss ko ang lugar na ito. Mamimiss ko ang lahat ng ito. Pero ang pinakamamimiss ko sa lahat, yung lalaking nakilala ko sa lugar na to. At yung mga ala-ala na nabuo dito kasama siya.
"Sigurado ka na ba talaga anak sa desisyon mo? Ayaw mo ba talagang magpunta sa Amerika? Anak.. Kaya pa nilang dagdagan ang buhay mo.Kaya ka pa nilang paga----"
"Ma!! Wala na.. Limitado na ang buhay ko.. At sa loob ng tatlo, dalawa o baka nga isang linggo na lang ang taning ko ma.. Yun ang sabi ng doktor di ba??.. Wala ng pag-asa... At ayoko na ring umasa... "
"Naniniwala ako anak na may pag-asa pa. Madami ka pang pangarap di ba?Kaya please... Wag ka namang mawalan ng pag-asa. " muli kong niyakap si mama.