HIS POV
Araw na ng kasal namin... Dala dala ko pa din yung bigat na hindi ko alam kung saan nanggaling...
Hinanap ko siya.. Pero nabigo ako.. Di ko siya nakita... Wala ni miski anino niya ang nagpakita sakin..
Nasa loob na ko ng simbahan... Ang araw na espesyal para sa dalawang tao na nagmamahalan.. Ikakasal na ko.. Pero bakit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko?.. Bakit parang kinokontra ako ng puso at isip ko sa desisyon kong ito?.. Di ko man lang namalayan na naglalakad na pala sa isle si Vina suot ang gown na pinili naming dalawa para isuot niya sa espesyal na araw na to... Pero teka.. Bakit siya umiiyak ng ganun?... Sobrang lungkot ng mga mata niya... Hanggang sa makalapit sya sakin.. Niyakap niya lang ako ng sobrang higpit.
At tila gumuho ang mundo ko sa mga sinabi niya...
"Puntahan mo sya.. Ito na ang huling araw niya.. Sa ***** hospital... May cancer sya.. at may taning ang buhay niya.. Ngayon ang nakatakdang araw na babawiin ang buhay niya... Puntahan mo si cai... Kailangan ka niya.. At mahal na mahal na mahal ka niya... "
Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay pagtakbo ko papunta sa kotse ko.. Pinaandar ko ito ng sobrang bilis patungo sa hospital na sinabi ni Vina... Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko...
" Please Cai.. “
“Lumaban ka.. Nandyan na ko.. “
“Wag mo kong iwan .. Wag kang sumuko...”
“ Cai... Magkikita pa tayo.. Magkikita tayo... “
“wag kang bumitaw... Please.. Hintayin mo ko.. MAGKIKITA TAYO!!! "
.
*BOOOOGGGHHSSSHH**
And all went black...
(Author's PoV)
Sa sobrang bilis ng pagmmaneho ni Gab, di niya namalayan na may isang truck na sasalubong sa kanya... Nawalan ito ng preno, at malakas ang impact ng pagbunggo sa sasakyan nito na dahilan ng
Pagsugod sa kanya sa ospital … At sa pagkakataong iyon, dun pa sya dinala sa katabing kwarto kung saan nagaagaw buhay ang isang babae na may malubhang karamdaman.. Si Cai...
Subalit sa pagkakataong iyon din ay sabay sila na binawian ng buhay..
TIME OF DEATH 11:11
Tinupad ni Gab ang pangako niya kay Cai.. Na magkikita pa sila at magkakasama subalit iyon ay sa lugar kung saan may habambuhay sa piling ng isang AMA na lumikha ng istorya ng pagmamahalan nilang dalawa.
.
The end.
.