Ngunit hindi pala ako ang kaniyang tinatawag, ang lalaking iyon pala. Napayuko ako at minura ang sarili ko sa aking isipan. Bahagya akong sumilip sa kanilang dalawa na ngayon ay magkayakap at tila ba'y masaya. I'm happy for you Katrina.
Naglakad na ako palayo, palayo sa babaeng sinaktan ko.
"Reizo!"
"Reizo!"
"Reizo!"
Unti unti kong minulat ang aking mata at unang bumungad ang nag aalalang mukha ni Freed sa akin. Basang basa kaming dalawa ngayon habang habol ang hininga. Ah oo tama, tinangka ko nga palang magpakamatay. Ayoko na kasing maramdaman pa ang sakit, alam kong isa itong kadugaan pero pakiusap , ayaw ko na.
Naramdaman kong tinatapik tapik ni Freed ang pisngi ko upang manatiling gising ngunit ayaw ko ng imulat ang mata ko. Ayaw ko ng magising muli sa realidad na ito. Ayaw ko na.
"Reizo naman eh! Gago ka ba ha?!" Narinig kong sigaw niya, patawad Freed pero please sukuan mo na din ako. Naramdaman kong binuhat niya ako at para bang nanakbo ito, Freed wag, wag mo akong iligtas.
"D-Don't...please.."
Nagising ako sa loob ng isang di pamilyar na kwarto, marahil ay dinala ako ni Freed sa ospital. Napatingin ako sa bintana at madilim na pala sa labas. Siguro ay gabi na, bumalik sa akin ang pagtangka kong pagkitil sa sarili kong buhay. Ang pagtalon ko sa tulay, at ang pagbabaya ko sa sarili kong malunod. Hindi ko namalayang may mga luha na pala na umaagos sa aking mukha.
Napaupo ako sa kasama at inilagay ang mga aking mga kamay sa aking ulo. How did I ended up like this. Ah tama lahat ito ay bunga ng pagkakamali ko noong gabing iyon. Kung sana'y di na lamang ako uminom nung gabing iyon, edi sana hindi nagkanda leche leche ang buhay ko. Pero wala na ,nangyari na ang nangyari , dapat kong harapin ang mga kabayaran ng mga pinag gagagawa ko.
Nabaling ang atensyon ko noong may kumatok sa pintuan. Nahiga agad ako at umarteng tulog dahil ayaw ko munang makipag usap kahit kanino. Narinig ko namang binuksan ang pintuan at sa aking tantya ay dalawa ang pumasok. Narinig ko ang boses ni Freed ngunit masyado itong mahina kaya hindi ko naintindihan ang kaniyang sabi,makaraan lamang ang ilang minuto ay narinig ko na ulit ang pagsara ng pinto. Imumulat ko na sana ang aking mata ngunit may bigla na lamang nagsalita.
"Reizo...." awtomatikong nanigas ako sa aking kinahihigaan at tila nawalan ako ng enerhiya. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
"Sorry, kasalanan ko ang lahat ng ito"pagpapatuloy niya, mahihimigan mo ang kaniyang kalungkutan habang siya'y nagsasalita. Nais kong yakapin siya ngayon lalo na at gulong gulo na ako pero hindi na pwede.
"Alam kong ayaw mo akong makipag relasyon kay Luke pero ginawa ko padin ,para masaktan ka ,para maramdaman mo din yung sakit na ipinadama mo sakin." Bumigat naman ang hinihigaan ko, marahil ay umupo siya rito. Mas lalo ko pang pinikit ang mata ko upang hindi niya makita ang mga nangingilid kong mga luha na nagbabadya ng kumawala.
"Bakit tayo umabot sa ganito, bakit humantong ang lahat sa ganito Reizo" pagpapatuloy niya, nagiba na ang tono ng kaniyang pananalita ,paluha nadin siya ngunit para bang pinipigilan niya ito. Siguro ay napagod na siya kakaluha para sakin.
"Bigla mo na lamang tinapos ang kung ano man ang meron tayo, ni wala pa ngang once upon a time ,nag the end ka na agad. "Medyo natawa pa siya sa kaniyang sinabi ngunit mas lalo lamang bumigat ang pakiramdam ko. I'm such a dumbass for hurting this girl.
"Ngunit ano pa nga bang magagawa ko, wala na ,tinapos mo na. Anong magagawa ko kung ikaw na mismo ang nagtapos sa tayo?" Tila may hinanakit sa kaniyang boses at hindi ko siya masisi, sinaktan ko siya , ginago ko siya.
"Sige na, pagaling ka, aalis na ako ,mukha namang ayaw mo pang gumising kahit gising ka na naman talaga" sabi niya at hinimas ang buhok ko, tulad ng lagi niyang ginagawa. Umalis na din naman siya makaraan lang ang ilang segundo, at pagkalabas na pagkalabas niya'y bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigil na umagos.
I'm sorry Katrina,kasalanan ko lahat ng ito, all that had happened that night is all of my doings. That night when I promised that I will return to your side,na lilinawin ko na ang lahat sa atin. I really like you, to be honest. Pero wala na, I blown up my own chance.
Ilang araw nadin ang nakalipas simula ng madischarge ako sa ospital. Pinayuhan muna ako ng doktor na huwag munang pumasok, nag aalala nadin ang mga magulang ko sa akin kaya naman dito muna ako sa ami nanuluyan. Maski ang mga kaibigan ko'y dinadalaw ako dito paminsan minsan upang kamustahin ako ,ngunit kahit isang beses ay hindi niya ako dinalaw. Siguro nga ay tuluyan na siyang nakamove-on.
"Anak, may bisita ka" ani ng nanay ko, napabalikwas naman ako ng bangon at agad tinungo ang sala. Bumungad sa akin ang isang babae na dahilan ng lahat ng ito.
"Aiko? Anong ginagawa mo dito?" Mali, ako nga pala ang dahilan ng lahat ng ito, hindi ko siya dapat sisihin. May mga nangingilid na luha sa kaniyang mga mata at agad na yumakap sa akin.
"Reizo... sorry"panimula niya, nagulat naman ang aking ina sa ginawa ni Aiko, magkababata kami ni Aiko at nung mga bati din daw kami ay lagi kaming tinutukso na kami ang magkakatuluyan. Agad namang nakabawi ang aking ina at nginitian kaming dalawa.
"Dadalhan ko na lang kayo ng maiinom"ani nito at nagmamadaling tumungo sa kusina. Bumitaw naman agad si Aiko ng hindi ko siya yakapin pabalik. Tama na ang isang kasalanan na nagawa namin, ayaw ko ng madagdagan pa ito
"So bakit ka nga napadalaw?" Ani ko, sinubukan kong ikubli ang aking pagkadismaya na hindi si Katrina ang nasa harap ko ngayon. Ngunit nabigo ako. Mapait naman siyang napangiti at kalauna'y naupo na lang siya sa isa sa mga upuan.
"Nagbago ka na talaga Reizo" sabi niya sa mahinang boses. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya, ayaw na ayaw kong nakakarinig ng mga babaeng malulungkot. Lalo na at ako ang dahilan ng kalungkutan na iyon.
"Ginusto naman natin yun diba?" Pagpapatuloy niya. Para bang may kumurot sa puso ko ng mapansing naiiyak na siya.
"L-Lasing ako nun" ani ko at yumuko, napakagago ko. Hindi sapat na lasing ako, alam ko sa sarili ko kung ano ang ginagawa ko nung gabing yon. Alam kong may nangyari samin at ginusto namin yung dalawa. Ngunit kailangan kong magsinungaling. Upang hindi na siya umasa sa akin, upang hindi niya isipin na may kahulugan iyon. Ang gabing yun ay bunga ng pagkakamali ko, wala siyang kinalaman roon.
"Oh uminom na kayo, ihja ayos ka lang ba bakit parang naiiyak ka?" Ani ng nanay ko, may dala dala siya ngayong dalawang baso ng orange juice. Nagpunas naman ng mata si Aiko at agad na ngumiti.
"Wala po tita, ito kasing si Reizo eh ,inaaway ako" pagsisinungaling niya ,hanggang sa huli ay pinagtatakpan padin niya ang mga kalokohan na ginagawa ko. Napaling naman ang tingin sa akin ni nanay at agad niya akong hinampas.
"Ikaw talaga kahit kailan, may gusto ka lang kay Aiko eh" dagdag niya, napansin ko namang namula si Aiko at mapait na ngumiti, tumayo naman ako at agad pumasok sa kwarto ko. Narinig ko pang tinatawag ni ina ang pangalan ko ngunit hindi na ako sumagot. Gusto ko munang mapag-isa.
BINABASA MO ANG
Please Forget About Me
Short StoryI look at her one last time before I walk away trying to look that I am fine. That I'm hard as stone. That I'm emotionless.I heard her cries and I tried my best not to run towards her and hug her tight. I'm an asshole yes indeed but this is the righ...