Me

99 3 0
                                    


Mag aalas diez na ngunit hindi padin ako dinadapuan ng antok. It has been 3 months already since I've tried commiting suicide. 3 months na din simula noong huli ko siyang makita. Sometimes I still wonder, kamusta na kaya siya,sila, I hope he is treating her the way she deserves.

Inabot ko ang cellphone ko upang tignan ang oras. "21:57"bulong ko sa sarili ko. Napaling naman ang tingin ko kay Freed na ngayon ay himbing na himbing na sa pagtulog. Magpapasama sana ako sa kaniya sa labas eh, pero ayaw ko naman siyang istorbohin kaya umalis na lang ako.

Ang ganda ng stars ngayong gabi, ang dami, ang liwanag, ang ganda. Bigla akong naka amoy ng kape na awtomatiko namang nagpangiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ang hilig ko sa kape kahit na masama na ito para sakin. Dali dali akong pumasok sa isang convenient store at bumiki ng paborito kong kape. Naupo naman ako sa bakanteng upuan na naroroon at sumilip sa labas.

Mangilan-ngilan na lang ang mga tao ngayon sa labas. Iniabot ko ang cellphone ko na nasa labas at tinignan muli ang oras , 10:12 na pala, siguro mamaya na akong 10:30 uuwi at sana makatulog na ako nung mga oras na yun.

"Nagkakape ka parin?"

Muntikan ko ng mabuga ang iniinom kong kape dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na magkikita kami muli dito pa sa convenient store na ito. Bakit hindi ko man lamang naisip na baka magkita kami dito, napaka tanga ko naman.

"Ah eh oo, sige na alis na ako" tumayo naman agad at ako at yumuko, mas maganda na sigurong hindi kami magkita kahit kailan ,kaya dapat iwasan nalang namin ang isa't-isa. It is better this way.

"Hindi ka pa din ba makatulog" ani niya bago ako maka alis.  " Tara kape muna tayo" pagpapatuloy niya. Napabuntong hininga naman ako at nagtatalo kung maglalakad ba ulit ako papalayo sa kaniya o susubukan ko ng harapin ang kapalit ng pagkakamali ko.

"K-Katrina" ani ko sa mahinang boses. Hinarap ko naman siya , at nakangiti siya sakin ngayon ,gaya ng dati, nakangiti lang siya sakin habang iniintay kung ano ang isasagot ko. Hindi ko namalayang napatango na lang ako sa kaniya at napaupo muli sa kinauupuan ko.

"So ,kamusta ka na" ani niya sabay higop ng kape. Alam ko ayaw niya sa kape pero bakit nainom siya nun? Napansin ko ding napangiwi siya matapos niyang uminom,siguro ay mapait na naman ang napili niyang kape.

"Oh palit tayo" huli na ng marealize ko na pinagpalit ko ang kape namin, tulad ng lagi kong ginagawa kapag naisipan din niyang magkape. Napatingin naman siya sakin na may gulat sa mukha at tumawa na lang ako para maibsan ang tensyon.

"L-Lagi kasing mapait y-yung pinipili mo" ani ko sabay higop sa kape niya, ang tanga mo Reizo , kumalma ka nga.

"Hahaha, ganun ba" ani niya niya at tumingin sa labas. Naghari naman ang katahimikan sa aming dalawa, I knew this was a bad idea. Pasimple akong tumingin sa cellphone ko na humihiling na sana ay magtext sakin si Freed na may emergency sa dorm ngunit wala tanging ang 22:18 lang ang nakadisplay sa screen.

"Kamusta na nga pala kayo" pagbasag ko sa katahimikan, may parte sa akin na humihiling na sana , sana wala sila pero meron din namang parte na humihiling na sana matatag sila ,na sana pinahahalagahan siya nung lalaking iyon.

Hindi naman siya sumagot at sa halip ay kinalikot na lamang ang kaniyang cellphone. Siguro hindi niya ako narinig. Kaya kinalikot ko na lang din ang phone ko.

"Sana bumalik na lang ang lahat sa dati" sabi niya ,napatingin naman ako sa kaniya habang nakapikit siya ngayon, hawak hawak niya ang cellphone niya habang nakaflash duon ang oras , 22:22.  Dumilat din naman siya at tumingin sa akin.

"Naalala mo pa iyon?" Pagsisimula niya , napahigop naman ako sa kape ko dahil mukhang alam ko na kung saan na naman ito patungo. Akala ko okay na ako matapos ang ilang buwan na iyon ,pero hindi padin pala ,apektado padin pala ako.

"Ikaw ang nagturo sakin Reizo na humiling kay 22:22 , kase sabi mo masyado ng overload kay 23:11"pagpapatuloy niya ,nakatingin na ulit siya sa labas at tila nagiintay ng sasabihin ko.

"Hmm?"  Nag kunwari akong hindi siya  nadinig kaya naman napatingin siya sakin.

"Reizo, ano ba talagang nangyari?" Medyo napataas na ang boses niya at tila naiinis na ito. Hindi ko naman siya sinagot at tumayo na lang, sabi na eh mauuwi na naman sa ganito. May mga bagay na hindi na kasi dapat pagusapan.

"Gabi na uuwi na ako, umuwi ka na din" ani ko at agad agad umalis sa convenient store. Hanggang ngayon ay iniiwan ko padin siya, hanggang ngayon ay naglalakad padin ako palayo sa kaniya. Ng makalabas ako'y bigla bumigat ang pakiramdam ko, lahat ng oras na pinipilit kong kalimutan ang lahat para bang nauwi sa wala.

"Ganyan ka naman diba , ang hilig mong takbuban ang problema mo!" Nadinig kong sigaw niya, galit na ang tono niya na tila ba gusto niya akong pagsasampalin. Mabuti na lamang ay wala ng  tao ngayon sa labas kaya hindi masyadong nakakahiya.

"Umuwi ka na Katrina" sabi ko at patuloy naglakad palayo, muntikan naman akong matumba sa sahig dahil tinulak niya pala ako pahiga ngunit napigilan ko agad siya.

"Bakit ka ganiyan Reizo ,bakit ha! Bakit parang wala lang yun sayo lahat? Bakit parang okay ka lang. Bakit parang nakalimutan mo agad lahat yun ,bakit Reizo bakit!" Ani niya habang patuloy na pinaghahampas ako.  Hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari, iyak siya ng iyak habang pinaghahampas ako at para bang awtomatikong kumilos ang katawan ko at niyakap ko siya.  Patuloy padin siya sa paghampas sa akin kaya naman mas napahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya. Inilublub ko aking mukha sa kaniyang balikat at pinakawalan ang mga emosyon na kay tagal kong tinago.

"Sorry, babe sorry talaga" ani ko, dahan dahan naman siyang tumigil sa paghahampas at nakinig sa sasabihin ko.

"Naalala mo pa ba ,yung gabing pinapauwi mo ako , I swear uuwi na dapat talaga ako nun pero nayaya ako ng pinsan ko na uminom kaya hindi na ako nakatanggi, they took  my phone kasi tingin ako ng tingin kung nagmessage ka. " ani ko at unti unting kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya. Nandidiri ako sa sarili ko,paano ko siya nayayakap ng ganito kung nakipagsiping ako saiba.

Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya , hindi ko siya mabasa ngayon dahil patuloy ang pagagos ng luha niya kahit seryoso ang mukha niya.  "Sige ipagpatuloy mo" sabi niya, walang kaemosyon emosyon ang pagkakabanggit niya nuon ,nakatitig lang siya sakin at para bang ano mang oras ay masasampal niya ako bigla.

"Ipagpatuloy mo!" Sigaw niya , may hinanakit na sa boses niya at umiiyak padin siya. Napayuko naman ako pinabayaang tumulo ang mga luha sa aking mata. Paano ba kami humantong sa ganito.

"Ipagpatuloy mo ,Reizo ,please" ngayon mas malambot na ang tono niya, inaalog alog niya ako at paulit ulit na sinabi ang salitang please. Namayani ang tunog ng iyak naming dalawa dahil ayokong magsalita, ayokong malaman niya ang kagaguhang ginawa ko. Ngunit kailangan niyang malaman

"May nangyari samin ni Aiko"ani ko, at napaupo sa sahig. Para bang nanghina bigla ang katawan ko at napaiyak na lamang. Isang sampal naman ang natanggap ko mula kay Katrina na ngayon ay nakatitig sa akin ng diretso, naagos padin ang mga luha niya. At hindi ko man lang magawang pahidin ang mga luhang ako mismo ang dahilan.

Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa, umupo din siya at niyakap ako. Sinubukan kong itulak siyang palayo dahil nandidiri ako sa sarili ko, hindi ko siya deserve.

"Please, forget about me" paulit ulit kong banggit habang yakap yakap niya ako. Napansin ko namang kumalas na siya sa pagkakayakap at humarap sa kin. Sumila'y muli ang ngiti sa kaniyang labi at sinabing

"Forgive and forget, balik na lang tayo sa dati ,Reizo please" ani niya ,napatango naman ako at hindi na pinalagpas ang pagkakataon. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at inangkin ang dati ng sa akin.

"Sabi ko sayo totoo si 22:22 eh "ani ko pinahid ang kaniyang mga luha at niyakap siyang mahigpit.

Please Forget About MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon