1st Chapter

1.8K 45 24
                                    

"GOOD job today, children," nakangiting sabi ni Hue sa Korean students niya. "I will see you all tomorrow for our weekend trip at Manila Cathedral."

"Yes, Teacher," sabay-sabay na sagot naman ng mga estudyante niya. "Thank you."

Hindi naalis ang tingin niya sa mga bata habang nagkukuwentuhan at naghaharutan na ang mga ito habang palabas ng classroom. Kahit hindi niya masyadong naiintindihan ang Korean language, natutuwa pa rin siya dahil halata sa facial expression ng bawat isa ang kasiyahan.

She was an English as a Second Language (or simply ESL) Teacher at a private university. Theatre Arts ang bachelor's degree niya pero hindi siya natatanggap sa mga teatro na pinag-audtion-an niya. Kaya naisip niyang kumuha muna ng teaching units para may "fallback" siya kung sakaling hindi para sa kanya ang teatro. Sakto nga dahil pagkatapos niyon, naghanap ng teachers ang university na pinasukan niya para sa "summer camp program" ng St. Patrick University. Para iyon sa Korean students na nag-aaral ng English language dito sa Pilipinas.

Natanggap naman siya pero sa Juniors lang siya na-assign kaya mahigit one month lang ang itatagal niya sa pagtuturo. Siya kasi ang candidate na may pinakamababang score no'ng exam at interview no'ng nag-a-apply siya kaya hindi niya nakuha 'yong permanent position sa faculty.

Pero siyempre, masaya pa rin siya na magkaro'n ng trabaho kahit temporary lang 'yon. Masuwerte siya na hindi kailangang marunong ng Hangul o Korean language ang mga ESL Teacher. Ang main objective kasi nila ay turuang maging natural at komportable sa pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat ng English language ang mga estudyante. In fact, sa fifty minutes na klase nila araw-araw, bawal gumamit ng ibang lengguwahe ang mga bata maliban sa Ingles.

Nakapamulsang tumayo sa harapan niya ang estudyante niyang si Jihoon Bae, saka siya kinausap na parang magkaibigan lang sila. "'Going home now, noona?"

Tumingin muna si Hue sa paligid at nang masiguro niyang nakalabas na ang lahat ng estudyante niya maliban kay Jihoon, saka niya marahang pinukpok ang hawak niyang folder sa ulo nito. "Don't call me 'noona,' Mr. Bae." Masyado nang maraming Kdrama siyang napanood para malaman na ginagamit ng mga lalaki ang 'noona' bilang pagtawag sa mga mas matandang babae. Puwedeng 'Ate' ang equivalent niyon sa mga Pinoy. Tama naman iyon dahil mas matanda siya rito pero hindi lang kasi appropriate sa loob ng classroom. "I'm your teacher."

Nagkibit-balikat lang ang lalaki. His blank face was as nonchalant as his flat voice when he spoke again. "The class ended a few minutes ago. If we're allowed to talk in Korean after class, why are you mad that I called you noona? Would you rather I call you by your first name?" Saglit itong natigilan na parang may naisip, saka ito medyo napangiti. "Well, that doesn't sound so bad. Right, Hue-ya?"

"Bae Jihoon, you're being disrespectful, aren't you?" nakataas ang kilay na sita niya rito kaya siguro biglang nawala ang ngiti nito. "You might be my 'son' in this class but you're crossing the line."

Napasimangot ang lalaki na halatang hindi natuwa sa mga sinabi niya.

Nakakatawa kasi kahit nakasimangot si Jihoon, ang cute pa rin nito. Sa totoo lang, ito ang pinakaguwapong estudyante sa klase niya at isa rin ito sa mga pinakamatanda. Sixteen years old na kasi ito at matangkad talaga ito para sa edad nito. Mukha itong Korean idol trainee dahil sa guwapong mukha at slender body built na kadalasang physical traits ng mga Kpop male idol.

Pero kahit maganda sa mata, iniiwasan naman ng mga kaklase nito ang supladong si Jihoon. Takot dito ang mga kaklase nito, lalo na 'yong mga pinakabata. Ah, oo. Magkakaiba ang edad ng mga estudyante niya. Eight to sixteen ang age range ng mga hawak niyang bata. Pero naka-divide ang mga estudyante depende sa level ng knowledge ng mga ito sa English language.

May I Know Hue? (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon