"YOU JUST told me that you're an only child so how come you have an identical twin sister now? Huh, Miss San Juan?" sita sa kanya ni Twinkle habang pinupunasan ng face towel ang basa nitong mukha dahil katatapos lang nitong maghilamos. "I'm not that drunk to forget what we just talked about before my brother came."
"Yeah, I lied to your brother," nanghihinang pag-amin naman ni Hue kaya nga nakasandal siya ngayon sa pinto ng banyo. Hindi naman niya gustong magsinungaling uli kay Kaleido pero nag-panic siya nang makita ang disgusto sa mukha ng lalaki kanina. "Maiintindihan ko kung sasabihin mo sa kanya ang totoo. Hindi ko kasi kayang aminin sa harap niya na wala naman talaga akong kakambal. Kaya kung gusto mong magsusumbong ka kay Kaleido, go ahead."
Suwerte pa rin siguro siya kasi kanina, pagkatapos niyang sabihin na may kakambal siya ay biglang nasuka si Twinkle. Kaya inaya niya itong bumalik sa apartment niya para makapaglinis ng sarili. Nagpaiwan naman si Kaleido at sinabing tutulong daw itong maglinis sa kalat ng kapatid kahit hindi naman kailangan dahil tumawag na ng cleaning staff si Mia.
He looks snobbish but he's actually a nice person.
"Is my Kuya Kaleido the first love you were talking about earlier, unnie?" maingat na tanong ni Twinkle mayamaya. "Siya ba 'yong niligawan mo noon?"
Malungkot na tumango si Hue. "He's my first love and first heartbreak. Gumawa lang naman ako ng alter-ego kasi ayokong malaman niya na ako 'yong babaeng naghabol at naging peste sa buhay niya noon. Hindi ko naman intention na pag-trip-an siya."
Dumaan ang simpatya sa mukha ng babae, saka nito sinampay sa balikat ang face towel para hawakan ang mga kamay niya. "Unnie, I see myself in you. Hindi ko sasabihin kay Kuya Kaleido ang alam ko at hihintayin kong maging ready ka na sabihin sa kanya ang totoo."
"Thank you, Twinkle," relieved na sabi naman niya. Pero mabilis ding tumaas ang kilay niya nang mapansin niya ang playful smile ng babae. "Alright. Ano ang kapalit ng katahimikan mo?"
"Help me get close to Jihoon Bae," excited na pakiusap nito sa kanya. "Please, unnie. Sa'yo lang kasi nice si Jihoon kaya baka makinig siya sa'yo kapag nireto mo ko sa kanya. Naiintindihan mo naman ang sitwasyon ko ngayon, 'di ba?"
"I will help you but you should listen to me, Twinkle," mariing sabi naman niya. "Let's start by not invading Jihoon's personal space, okay? Ginawa ko na 'yon sa kuya mo noon at obviously, hindi maganda ang naging resulta no'n."
Dumaan ang pang-unawa sa mukha ng babae, saka ito tumango. "I got it, seonsaeng-nim."
"Now I'm a teacher?" natatawang tanong niya dahil alam niyang 'teacher' ang ibig sabihin ng 'seonsaeng-nim.' Iyon ang tawag sa kanya ng mga estudyante niya kapag tapos na ang klase at puwede na uling mag-Hangul ang mga ito. "Okay, that's acceptable."
"Seonsaeng-nim, puwede bang dito ako matulog for tonight? Friday naman ngayon, eh. Walang pasok bukas."
"Bakit naman dito ka mag-i-stay?"
"Kasi gusto kong malaman kung pa'no mo niligawan ang kuya ko," sagot nito. "Saka ayokong masermunan ni Kuya pag-uwi, eh."
"Baka mag-worry ang parents niyo kapag hindi ka umuwi ngayon."
Iwinasiwas nito ang kamay. "Don't worry. Our parents are on a trip right now so it's only me and my kuya in the mansion." Hinila na siya nito palabas ng banyo. Halatang nawala na ang kalasingan nito dahil sa excitement. "Tulungan mo kong magpaalam kay Kuya. Mag-pe-pretend ako na inaantok na kaya dito na lang ako matutulog. 'Tapos, ikaw nang bahala, seonsaeng-nim."
Napabuga na lang siya ng hangin habang iiling-iling. "Sige na nga."
Sakto naman na paglabas nila ng banyo ay tumunog ang doorbell.
BINABASA MO ANG
May I Know Hue? (Preview)
RomanceDahil gustong baguhin ni Hue ang bad first impression sa kanya ng first love niyang si Kaleido, gumawa siya ng non-existent twin sister na tinawag niyang Color. Effective naman ang plano kasi naging close sila ng lalaki. 'Yon nga lang, hate pa rin n...