"GOOD morning, Miss Hue. I hope you had a good sleep. How's my sister? Ah, this is Kaleido Zamora."
"Hindi panaginip 'yong nangyari kagabi," nakangiting sabi ni Hue sa sarili habang nakahiga sa kama at nakaangat sa harapan niya ang hawak na phone. Pagkatapos, niyakap niya ang phone niya at pumikit siya. "Thank you, Lord. You're the best."
Ang totoo niyan, high school pa lang siya ay crush na niya si Kaleido. Nag-aral siya ng mabuti para masundan ito sa university na pinasukan nila noong freshman siya at sophomore naman ito. Kaso, kung kailan naman napansin na nito ang existence niya, saka naman ito lumipat ng university kaya natapos agad ang "love story" nila bago pa man din 'yon magsimula.
But to be honest, she only had a few encounters with Kaleido back in college. Mabibilang nga lang sa daliri kung ilang beses siya nitong napansin at nakausap. Malawak ang imagination niya pero hindi naman siya delulu para isiping espesyal din sa lalaki ang "memories" nila. Siguro nga, naaalala siya nito. Pero dahil lang 'yon sa talino at matalas na memorya nito. Halata naman sa reaksyon nito kagabi na 'yong mga kapalpakan lang ni "Color San Juan" ang naaalala nito.
I'm sorry, Hue San Juan, seryosong pagkausap niya sa sarili. I know you worked hard to be comfortable and happy with your own skin. Pero bumalik lang si Kaleido, nakalimutan mo na agad 'yong natutunan mong self-worth at self-care. Pahingi lang ng konting oras, Hue. Hayaan muna nating mag-exist si "Color San Juan." Gusto ko lang ma-experience na matingnan ni Kaleido ng walang disgust.
Alam niyang pinapatagal lang niya ang agony niya. Kasi kapag umamin na siya at sinabi niya kay Kaleido na wala naman talaga siyang kakambal, magagalit lang uli ito sa kanya.
Pero kung mauulit 'yong moment namin kagabi, magiging sulit din siguro 'to. Wala namang chance na magustuhan din niya ko kaya mag-te-take advantage na lang ako sa pagiging nice niya sa'kin ngayon. I'm willing to pay the price later.
"Seonsaeng-nim, good morning!"
Nagmulat si Hue ng mga mata at hindi pa man din siya nakakapag-react, nakadapa na si Twinkle sa tabi niya at winawagayway sa harap niya ang hawak nitong phone. "Ang aga-aga pa, ang hyper mo na, Twinkle." Nanggigigil na pinisil niya ang baba nito na ikinatawa lang nito. Wala siyang kapatid pero kung magkakaro'n siya ng isa, gusto niya ay kasing bright nitong si Twinkle. "Good morning."
Ngumiti lang si Twinkle sa pagbati niya. "Nabasa ko na 'yong sinulat mong unfinished novel na inspired ng love mo for my brother dito sa online writing app na 'to. Seonsaeng-nim, nakakatawa at nakakakilig siya! Ang talented mo naman. Teacher ka na, writer pa."
Tinawanan niya lang 'yon. "'Yan lang ang una at huling novel na sinulat ko kaya hindi ko matatawag na writer ang sarili. Wala pa ngang ending 'yan, eh."
Kasagsagan ng kasikatan ng isang online writing app no'ng naisipan niyang magsulat ng love story na siya at si Kaleido ang bida. Naimpluwensiyahan siya ng mga kaibigan niya noon na nahilig sa pagbabasa ng online romance stories. Dahil funny naman daw siyang magkuwento, in-encourage siya ng mga ito na magsulat ng novel na inspired sa mga kagagahang ginawa niya para mapansin siya noon ng first love niya.
Inabot din 'yon ng thirty-nine chapters. Hindi lalagpas ng two thousand words ang isang chapter kaya siguro natapos agad basahin ni Twinkle. No'ng madaling-araw kasi– pagkatapos niyang banggitin dito ang sinulat niya novel noon– ay nawala na ang antok nito. Mahilig daw kasi itong magbasa ng mga romance novel sa kahit anong platform.
"And the names are cute," pagpapatuloy ni Twinkle. "You named yoursel 'Yuu' while you named my Kuya Kaleido 'Kei.' Pati ang title, sobrang witty. 'May I Know Yuu?'" Natawa ito na parang kinikilig. "Very fitting ang story title kasi nagpanggap si Yuu na may kakambal para pagtakpan 'yong kahihiyan na nagawa niya noon sa harap ni Kei."
BINABASA MO ANG
May I Know Hue? (Preview)
RomansaDahil gustong baguhin ni Hue ang bad first impression sa kanya ng first love niyang si Kaleido, gumawa siya ng non-existent twin sister na tinawag niyang Color. Effective naman ang plano kasi naging close sila ng lalaki. 'Yon nga lang, hate pa rin n...