Author's Note: THANK YOU for reading. MAY I KNOW HUE? is a light novel published by MANILA POP and the book is available in PHR stores, as well as other bookstores like NBS, for 100pesos. At dahil light novel siya, meron itong drawing/illustration sa loob na gaya ng mga light novel sa Japan. Saka may jacket cover siya. Super cute. Nag-attach ako ng pictures para makita niyo. :)
***
NASOBRAHAN yata ako sa painkiller.
Aware pa naman si Hue na nasa dental clinic pa siya at nakaupo sa couch ng lounging area. Hinihintay niya ang best friend niyang si Pizza (just for the record, nickname lang iyon ng babae) na hindi pa tapos magpa-cleaning ng ngipin nito.
Mukhang napataas ang dosage ng painkiller niya dahil lutang din ang pakiramdam niya ngayon. Pero hindi naman siya nag-aalala para sa safety niya dahil matagal na niyang kaibigan ang mga staff do'n. Gaya ng receptionist na si Grace na alam niyang binabantayan siya kahit may kausap itong mga kliyente ngayon.
Speaking of those clients...
Kamukha nina Twinkle at Kaleido 'yong dalawa, o.
Nakayakap 'yong babae sa braso no'ng lalaki na para bang natatakot ang babae sa kung anumang procedure na gagawin dito. Narinig niyang tinawag nitong 'kuya' 'yong lalaki kaya naisip niya na baka magkapatid ang mga ito.
Kung hindi ako nagha-hallucinate, ha?
"Go, Twinkle," sabi ng lalaki sa kapatid nito. "Call me when you're done here. May bibilhin lang ako for my car." Ginulo nito ang buhok ng babae. "Don't be scared, little sister. Just trust the staff and your dentist. They will take care of you."
"Alright," sagot naman ni Twinkle, saka ito bumitiw sa kapatid nito at sumunod sa staff na nag-guide dito papasok sa isang kuwarto.
Palabas na sana ng clinic ang lalaki nang tawagin niya ito.
Actually, na-realize niya lang din na ginawa niya 'yon nang huminto na ito sa paglalakad at kunot-noong tumingin sa kanya.
"Kaleido Zamora," pag-uulit ni Hue sa pagtawag dito, saka siya ngumiti. "Hello."
Halatang nabigla si Kaleido pero lumapit pa rin naman ito sa kanya. "Hue?" paniniguro nito at napansin niyang pasimple nitong tiningnan ang damit niya. "You're Hue, aren't you?"
Napabungisngis siya dahil alam niya kung bakit na-ko-confuse ang lalaki ngayon. Naka-messy bun lang kasi ang buhok niya pero naka-full makeup naman siya. Nakasuot siya ng pink crop top, high-waisted denim shorts, at wedge boots.
Hindi siguro ito makapag-decide kung feminine o tomboyish ang style na 'yon. Iyon lang naman kasi ang pinagbabasehan nito para malaman kung si Color o Hue ba ang kaharap.
"I'm Hue," natatawang sabi niya, saka niya tinapik ang space sa tabi niya. "Upo ka dito."
Halatang nag-aalangan man pero umupo pa rin si Kaleido sa tabi niya habang tinitingnan siya na parang nag-aalala sa kanya. "Are you okay, Hue? You seem... out of it."
"I think I'm high," nakangising pag-amin naman niya. Napansin din niya na mabagal siyang magsalita at maging sarili niyang pananalita, hindi niya ga'nong maintindihan. She just felt so chill. "Sumobra yata 'yong dosage ng anesthesia na ginamit sa'kin kanina, eh. Pakiramdam ko, sobrang lutang ko ngayon."
"May kasama ka ba?"
Tumango siya. "I'm just waiting for a friend." Kumunot ang noo niya nang may ma-realize siya. "Regular din ba kayo ni Twinkle dito? Kasi ngayon ko lang kayo nakita sa clinic na 'to."
Umiling ito. "Nasa ibang bansa ang dentist ni Twinkle ngayon. Ni-recommend niya sa'min ang dentista dito sa clinic na 'to kaya dito kami nagpunta."
Bumungisngis na naman siya. "What a co-incidence. Siguro meant to be tayo kaya nagkita tayo dito ngayon." Dahil inaantok na siya, hindi na niya napigilang humiga sa balikat ng lalaki. She felt him stiffen in his seat but eventually relaxed. "Parang 'yong pagkikita uli natin ngayon, 'di ba? What a beautiful co-incidence, isn't it? Too bad that all you remember is the bad things that I did in the past."
"You?" nagtatakang tanong nito. "What did you do to me in the past?"
"I created an alter-ago that you could hate because I can't stand the thought of you hating me," pag-amin ni Hue, saka siya pumikit. Sa totoo lang, hindi na talaga niya alam ang mga sinasabi at ginagawa niya. Ni hindi nga siya sigurado kung totoo ang Kaleido na kausap niya ngayon dahil sa epekto ng painkillers sa sistema niya. "Hue and Color are the same person, Kaleido." Tinapik-tapik niya ang dibdib. "Ako lang din 'yon pareho."
---PREVIEW ENDS HERE---
THANK YOU for reading. MAY I KNOW HUE? is a light novel published by MANILA POP and the book is available in PHR stores, as well as other bookstores like NBS, for 100pesos. At dahil light novel siya, meron itong drawing/illustration sa loob na gaya ng mga light novel sa Japan. Saka may jacket cover siya. Super cute. Nag-attach ako ng pictures para makita niyo. :)
BINABASA MO ANG
May I Know Hue? (Preview)
Любовные романыDahil gustong baguhin ni Hue ang bad first impression sa kanya ng first love niyang si Kaleido, gumawa siya ng non-existent twin sister na tinawag niyang Color. Effective naman ang plano kasi naging close sila ng lalaki. 'Yon nga lang, hate pa rin n...