4th Chapter

272 14 2
                                    

NAKAUPO si Hue sa folding chair na baon niya habang nakatitig sa monumento ni Rizal.

Linggo ng araw na 'yon at dinala nilang mga ESL Teacher ang mga estudyante sa Luneta Park para sa weekend trip ng mga ito. Iyon ang unang stop nila kaya hinahayaan nilang mga teacher ang mga bata na maglibot sa park. Para masiguro ang safety ng bawat isa, ang "man-to-man" pairing nila sa klase ang naging buddy system nila.

"Teacher, you've been spacing out since this morning," komento ni Jihoon na nakaupo sa katabing folding chair habang nakatapat sa mukha niya ang hawak nitong mini cooling fan. "What's wrong? You look down."

"I'm just sad because of the visible building behind Rizal's statue," pagsisinungaling ni Hue. Hindi naman siya maiintindihan ni Jihoon kapag kinuwento niya rito ang kalokohang sinimulan niya at ang galit sa kanya ngayon ni Kaleido. O mas tama yatang sabihin na galit ng lalaki kay "Color San Juan." "It doesn't look picture-perfect anymore."

"Do you want me to buy you ice cream to cheer you up?" tanong ng lalaki. "My classmates are going crazy for the dirty ice cream here. I want to try it, too."

"You can't," mariing pigil naman niya rito, saka niya ito hinawakan sa kamay at hinila pabalik sa upuan nang sinubukan nitong tumayo. "Your roommate told me that you didn't eat breakfast before we left. You'll have stomachache if you eat ice cream."

Hindi nagkomento ang lalaki. Nakakapagtaka 'yon dahil lagi itong may retort sa mga sermon niya. Nang lingunin niya ito, mas lalo siyang nagtaka nang makita niyang nakatingin ito sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. At parang namumula ang mga pisngi ng bata.

"Jihoon, are you okay?" nag-aalang tanong niya. Tinatawag niya ito sa pangalan lang nito kapag wala sila sa classroom. They were on a trip anyway. "Your cheeks are red. It's probably because of heat." Binitawan niya ang braso nito para kunin niya rito ang mini cooling fan at tinapat iyon sa mukha nito. "There."

"You look different today, Teacher," komento ni Jihoon na pati ang mga tainga ay namumula na. "Plus, your style suddenly changed."

By 'style,' he probably meant her outfit. Instead of her usual shirt-jeans combo, she wore a thin white long-sleeved blouse and long pink skirt for today.

Sa dami ng long skirt na pinadala ng mama niya, nakakahinayang naman na itambak lang. Kailangan din naman niyang itago ang mga gasgas niya mula sa aksidente nila ni Twinkle kahapon. Manipis ang tela ng blouse niya kaya hindi siya naiinitan kahit mainit ang panahon.

"Do I look weird?" nag-aalalang tanong naman niya, saka niya sinapo ng mga kamay ang nag-iinit niyang mga pisngi. "First time ko kasing magkilay ng sarili ko lang. 'Tapos, nag-lipstick din ako instead of lip balm lang."

Kumunot ang noo ni Jihoon na halatang hindi naintindihan ang mga sinabi niya dahil nag-Filipino na siya. "I don't fully understand what you said but no, Teacher. You don't look weird." Namula na naman ang mukha nito. "In fact, you look extra beautiful today."

Napangiti siya dahil natuwa siya sa mga sinabi ng lalaki. Nakaka-boost ng confidence. "Thank you, Jihoon."

Halatang may sasabihin pa si Jihoon pero natigilan ito nang may tumawag dito.

"Jihoon-a!"

Nalingunan ni Hue si Twinkle at bigla naman siyang napatayo nang makita niyang kasama ng babae si Kaleido. Ilang hakbang lang ang layo ng magkapatid mula sa kanila.

Bakit sila nandito?!

Gusto sana niyang tumakbo palayo dahil naalala niya ang galit sa kanya ng lalaki. Pero natigilan siya nang bigyan siya ng tipid na ngiti ng baby boy niya.

May I Know Hue? (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon