Chapter 3
Sierra's POV
"Yes? Do you have anything to say?" tanong niya bigla.
Nagulat ako pero kaagad na umiling at nag-iwas ng tingin. Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatingin sa kanya.
For a few days of working for him, I noticed that he barely smiles. And that CEOs have a lonely job.
"You can go home now, Ms. Lopez."
Half day lang ang trabaho ko kapag sabado pero dahil isinama pa ako ni Boss, inabot pa ako hanggang alas dos ng hapon sa opisina. Maaga na akong pumasok kanina tapos late pang uuwi ngayon. Pero sa ilang araw, hindi na bago sa'kin ang ganito.
"You'll get extra pay for working overtime today, and for all the extra works the whole week. Thank you, Ms. Lopez. See you on Monday..." dagdag niya.
Tumango ako at mas lumawak pa ang ngiti. "Salamat, boss. See you on Monday."
Dumaan ako ng mall bago umuwi para bumili ng ilang damit pang-opisina. Apat lang ang blouse ko at hindi naman pwedeng iyon lang ang mga gagamitin ko.
Nakatulog agad ako sa pagod pag-uwi ko. Nagising ako ng mga alas nuebe na ng gabi at hindi na nakatulog pa ulit. Mabuti nalang at day off ko kinabukasan kaya ayos lang kahit mapuyat ako.
Nasa bahay lang ako buong araw ng linggo. Ayokong gumala o lumabas dahil gusto ko sanang magpahinga lang pero naalala ko ang mga pinamili ko kahapon na kailangan ko palang labhan. Kaya iyon ang ginawa ko. Idinamay ko na rin ang ilang mga maruri kong damit.
"Ms. Lopez!"
Napatayo kaagad ako sa pwesto ko para lapitan si Mr. Ravena. Lunes na lunes at umagang-umaga pero ang init na kaagad ng ulo niya.
"Yes, boss?"
"Bakit may mga taong incompetent at...." mariin siyang napapikit. "Nuknukan sa katangahan?"
"Ewan ko, boss," nginitian ko siya. "Siguro hindi lang sila kasing-talino niyo. May mga tao lang talaga na medyo mahina ang ulo, pero hindi naman ibig sabihin no'n na nuknukan na sila ng katangahan."
"Wrong. That's just the same thing, Ms. Lopez."
Umawang ang labi ko at pinagmasdan siyang maglakad papasok sa opisina niya. Halos mapapikit pa ako sa lakas ng pagkakasara niya ng pinto.
Hindi na naman maganda ang mood niya. At nagpatuloy pa 'yon hanggang sa sumunod na mga araw. Noong akala kong unti-unti ko nang natatansya kung paano siya pakikitunguhan nang maayos sa kabila ng madalas niyang pagsusungit, saka pa nagkaroon ng problema sa kompanya.
Mas lalong naging bugnutin si Mr. Ravena dahil sa pumalpak na Myanmar deal. Mas mabilis siyang magalit at mas naging mainit sa mata niya ang mga nagagawang pagkakamali ng kahit sino.
Narinig kong may nabasag na kung ano sa loob ng opisina. Napatayo kaagad ako. Nakita kong tumayo rin sa pwesto niya si Kryst at pumasok kaya mabilis akong napatakbo pasunod.
"I said, you... are... fired."
Nakatayo si Mr. Ravena sa harap ng nakayukong lalaking empleyado, at si Kryst na dinaluhan ito.
BINABASA MO ANG
One Corporate World (UNDER REVISION)
RomanceSierra's only hope now that their small business has failed is to land a job. Despite her lack of experience, she applied to many great companies, but only Ravena International was interested in hiring her. Relationships with Raiven Ravena that wer...