Chapter 9
Sierra's POV
"Oh, you're with someone?" napatayo si Mrs. Ravena nang makita akong pumasok kasunod ni Boss.
Niyakap at bineso niya si Mr. Ravena at pagkatapos ay malaki ang ngiti na dumiretso sa akin.
"Good evening, Mrs. Ravena."
"Good evening, hija. Have a seat, have a seat!" Hinila niya na ako papunta sa lamesa. "Raiven, come on."
Wala na akong nagawa kundi magpatianod. Nilingon ko si Boss na sumunod naman agad sa amin. Bumuntong-hininga ako sa matinding awkwardness at kaba na nararamdaman.
"Good evening po," bati ko sa mga naroon pa sa mahabang dining table.
Sa pinakadulong bahagi ng mesa ay nakaupo si Chairman Ravena. Siya ang daddy ni Boss. Sa bandang kanan ng mesa ang upuan ni Mrs. Ravena at nasa kaliwa ang sa tingin ko ay, mga kapatid ni Boss. May dalawang magagandang babae sa tabi nila pero hindi ko sigurado kung kapatid din ba ni Boss dahil iyong dalawang lalaki lang naman ang kahawig niya.
"Everyone, this is Sierra," si Boss.
"Hi, Sierra." Tumayo iyong isang lalaki at inilahad ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko iyon. "My name is Raizen and this is Haile, my fiancee."
Binitawan ko ang kamay niya at sinulyapan ko ang tinukoy niyang fiancee. Nginitian ko si Haile na tipid lang ding ngumiti pabalik.
"And this is Kuya Raiver and his wife, Bettina."
Itinuro ni Raizen ang panganay na kapatid na tumango lang sa akin. Masungit. Parang si Mr. Ravena at ang daddy nila na wala man lang reaksyon ngayon sa nangyayari. But unlike Raiver, his wife stood up to shake my hand.
"Bettina. Nice to meet you."
"Nice to meet you, too."
"Have a seat, hija," si Mrs. Ravena.
Tumango ako at inihanda ko na ang dalawang kamay ko para hilahin ang mukhang mabigat na upuan nila. Kaya lang bago ko pa man iyon mahawakan ay naunahan na ako ni Boss.
Nilingon ko siya. Pero seryoso lang siya at walang ibang reaksyon.
"Thank you," maliit ang boses na sabi ko.
Naupo ako sa tabi ni Mrs. Ravena. Gusto kong ngumuso pero pinigilan ko iyon. Sa tatlong lalaking anak ni Mrs. Ravena, masasabi kong maswerte siya at may isang palangiti at approachable na nagmana sa kanya.
Naupo na rin si Boss sa tabi ko. Nagpatuloy silang kumain pero hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nahihiya akong kumuha ng pagkain ko lalo't hindi pa naman kumukuha si Boss ng sa kanya.
Tumikhim ang Chairman. Marahan akong bumaling at napansing ako lang at si Mrs. Ravena ang lumingon.
"What is your relationship with her, Raiven?" tanong niya kay Mr. Ravena na nagsimula nang kumuha ng pagkain niya.
Pinanood ko siyang maglagay ng kanin sa plato niya at pagkatapos ay sa plato ko. Sa gulat ko, aligaga kong sinalubong ang kamay niya para ako na ang tuluyang maglagay sa plato ko ng kinuha niyang kanin. Hindi niya dapat ako pinagsisilbihan, pero dahil parang nakalimutan ko na kung paano kikilos dahil sa kaba ay siya na ang naglalagay para sa'kin.
"What's your name again?" biglang tanong ni Chairman kaya nawala sa kanin ang atensyon ko.
"S-Sierra po, sir."
"Are you his girlfriend?"
Nalaglag ang panga ko. Mukha siyang strikto. Na parang kapag sinabi kong 'oo' ay gagawin niya ang lahat para mapaghiwalay kami ng anak niya.
BINABASA MO ANG
One Corporate World (UNDER REVISION)
RomantikSierra's only hope now that their small business has failed is to land a job. Despite her lack of experience, she applied to many great companies, but only Ravena International was interested in hiring her. Relationships with Raiven Ravena that wer...