Chapter 6
Sierra's POV
"Sierra?" Kumunot ang noo ko at napalingon sa kung saan. "Sierra!"
"Uy!" napangiti ako nang makilala ang dating kaklase ko noong high school. "Ikaw pala, Lucy."
Palabas na ako ng Rio's nang tinawag niya ako. Lumapit siya sa akin at nakipag-beso. Mas lumawak ang ngiti ko. Nakita ko kung paano niya sinulyapan ang suot kong ID.
"Diyan ka nagtatrabaho?" tanong niya sabay nguso sa katapat na building.
Tumango ako kahit alam kong nakumpirma niya naman na sa pagkakakita niya palang sa ID ko.
"Kahit weekend nagtatrabaho ka?"
Tumawa ako. "Minsan."
"Grabe, wala silang awa sa mga tao nila. Mahigpit daw sila diyan. Totoo ba? Nabalitaan ko, malupit din sila sa mga tao nila. I mean... no offense ha. Baka kasi ma-offend ka kasi syempre kompanya mo 'yan... diyan ka nagtatrabaho."
Hindi ako sumagot. Nakangiti lang ako pero hindi na 'yon gaya ng ngiti ko kanina. Wala naman siyang sinabing masama pero ang weird din palang makarinig ng hindi maganda tungkol sa kompanyang kinabibilangan mo.
Totoong mahigpit ang Ravena International sa mga empleyado nila pero ang paghihigpit na iyon ang dahilan kung bakit successful ito at madalas doble pa ang revenue. Totoong mahigpit sila, pero hindi naman ibig sabihin no'n na wala na silang awa sa mga tao nila.
"Nagtatrabaho ako bilang executive assistant ng CEO," sabi ko dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na ang pagtatrabaho ng weekend ay hindi pagmamalupit ng kompanya sa mga tao nila.
Some positions in great companies sometimes require you to work on weekends, work overtime, work early and late at night, or work on your supposed day-off and vacations.
Namilog ang bibig ni Lucy.
This is the reality in this world that most people, who are not part of it, do not really understand.
"Kaya madalas wala talagang weekend-weekend," natatawa akong umiling. "Pero bakit ko iisiping pinagmamalupitan nila ako kung lahat ng oras at araw ng pagtatrabaho ko ay bayad naman nang tama at maayos..."
Nakitawa siya sa'kin pero halos malasahan ko na ang pagiging awkward sa pagitan ng mga tawang iyon.
"Oo nga naman. Walang problema as long as bayad ang oras," sabi niya at itinuro ang daang tatahakin niya. "Ano... aalis na ako kasi may gagawin pa ako. Nice to see you!"
"Nice to see you..." sabi ko pero nakaalis na siya.
Bumalik ako sa top floor at isinandal ang sarili sa swivel chair ko. Inaantok ako kaya bumili ako ng kape sa baba para magising. Masarap pa namang matulog ng mga ganitong oras tuwing hapon. Uminat ako at inikot ang upuan ko habang hinihigupan ko ang kape ko.
Pagharap ko sa may hallway, napaubo ako nang nakita kong nakatayo na roon si Mr. Ravena at mukhang nakita pa kung paano akong uminat hanggang sa iniikot ko ang upuan ko.
"B-Boss!" halos maibuga ko na ang iniinom sa gulat.
Tumayo agad ako para harapin siya nang maayos. Baka isipin niya na nagrerelax lang ako rito habang wala siya, na pa-kape kape lang ako at hindi ginagawa ang trabaho ko. Kinalas niya mula sa pagkakahalukipkip ang mga braso at ibinulsa ang parehong kamay. Kauuwi niya lang ng Pilipinas at mukhang dito na siya dumiretso.
"Akala ko, Monday na po kayo papasok..."
"I have a lot of pending works. Follow me to my office. We have something to talk about," sabi niya at lumakad na paalis sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
One Corporate World (UNDER REVISION)
RomanceSierra's only hope now that their small business has failed is to land a job. Despite her lack of experience, she applied to many great companies, but only Ravena International was interested in hiring her. Relationships with Raiven Ravena that wer...