Chapter 4
Sierra's POV
"Where do you live?"
"Malapit sa uptown, boss," sabi ko. Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong pero sinagot ko pa rin.
Sinulyapan niya ako. "Where?"
"Bakit, boss?"
"Why?" balik-tanong niya na parang hindi ko pwedeng tanungin kung bakit gusto niyang malaman.
"Sa tapat ng banko, may kanto roon papasok..." sabi ko. "Susundan lang 'yung daan hanggang sa may makita kang park. Mula sa park, 'yung ikatlong bahay sa kabila ang bahay namin, boss. Hindi kami nakatira sa village."
"Why don't you just tell me the address. You explained the complete direction as if you don't want me lost when I visit you home."
Umawang ang labi ko at kaagad na napahiya.
Hindi ko naman kasi alam kung bakit niya tinatanong. Sinagot ko lang nang maayos ang tanong niya pero may point din naman siya. Dapat, sinabi ko nalang ang eksaktong address.
"I just asked, Ms. Lopez."
"Oo nga po, hehe." Itinago ko ang mukha ko at napapikit sa matinding hiya.
"So?" he probed.
Napatingin ako sa kanya. "Nasa... resume ko, boss."
"I can't remember, Ms. Lopez."
Hindi ko alam kung bakit interesado siya pero para mawala na roon ang usapan, sinabi ko nalang kung saan ang address namin. Nagpatuloy ako sa trabaho ko. Pero kahit sobrang busy ko sa buong araw, hindi na nawala sa akin ang hiya sa maiksing pag-uusap namin ni Boss.
"Sinasabi ko talaga sa'yo, Sierra. Hindi mo kailangan ng sobra-sobrang katangahan," inuntog ko pa ang sarili ko sa mga papeles na nasa lamesa ko.
Walang kakaiba sa mga sumunod pang mga araw sa trabaho. Kung mayroon mang pagbabago, iyon ay ang pagtumal ng mga pag-oovertime ko.
Umilaw ang intercom at narinig ko kaagad ang boses ni Mr. Ravena.
"Where's the weekly brief report?"
Napaayos ako nang upo. "Nakuha ko na at nailagay ko na rin ang folder sa table niyo, boss."
"I can't find it. Pumasok ka rito at hanapin mo," masungit na sabi niya.
"Yes, boss."
Tumayo na agad ako pero inayos ko pa ang skirt ko bago lumakad. Kumatok muna ako bago pumasok pero hindi ko na hinintay pa ang signal ni Mr. Ravena mula sa loob.
"I heard you hired a new assistant..." boses ng hindi pamilyar na lalaki ang bumungad sa pandinig ko.
Kumunot ang noo ko. Ano bang meron at bakit parang masyadong big deal ang paghahire ni Mr. Ravena ng bagong assistant.
Napalingon sa gawi ko ang dalawang lalaki nang isinara ko ang pinto. Ngayon ko lang sila nakita rito kaya hindi ako sigurado kung kliyente ba sila o bisita.
"Oh!" itinuro ako nung isang lalaki kaya nailang ako.
"Good morning po," ngumiti ako sa kanila bilang pagbati bago ako dumiretso sa lamesa ni Mr. Ravena.
BINABASA MO ANG
One Corporate World (UNDER REVISION)
RomanceSierra's only hope now that their small business has failed is to land a job. Despite her lack of experience, she applied to many great companies, but only Ravena International was interested in hiring her. Relationships with Raiven Ravena that wer...