Chapter 5

9.3K 215 3
                                    

Chapter 5

Sierra's POV

Nakasandal siya sa hood ng kotse niya at seryosong tinatapik ng daliri ang kanyang wrist watch. Ilang segundo siyang nanatiling gano'n bago niya iniangat ang tingin sa akin.

Kinakabahan akong tumingin sa paligid. Bakit siya nandito? Baka ma-chismis pa ako nito.

"You're thirty-two minutes and twenty-eight seconds late," hindi niya sinagot ang tanong ko. "I don't like tardy assistants, Ms. Lopez. Being late is just very unethical. It's not a good habit—making other people wait while you are running late."

Umawang ang labi ko at umiling. "Bakit kayo nandito, boss?"

Kanina pa ba siya rito? Sana nagsabi siya para napapasok ko siya at napaupo sa loob. Sobrang init pa man din dito sa labas. Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kanya.

"Sierra!" Ang papalapit na boses ni Mama ang narinig ko.

Nanlaki ang mata ko at kaagad na nataranta. Nilingon ko ang bahay namin at ibinalik iyon kay Boss na nakapamulsa lang sa harapan ko habang natataranta ako.

"Nandiyan ka pa ba? Naiwan mo ang pagkain mo!"

Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at itinulak siya para pumasok at magtago sa loob. Mababa lang ang gate namin at sa sobrang tangkad niya, makikita siya agad ni Mama. Napaatras siya at bahagyang tumama ang likod sa kotse dahil hindi niya inasahang itutulak ko siya. Pero hindi siya pumasok tulad ng gusto kong mangyari.

Buti nalang at hindi siya nauntog. Umasim ang mukha ko at hindi alam kung saan siya hahawakan.

"Nandito pa ako, Ma!" sigaw ko. "Huwag ka na pong lumabas. Kukunin ko nalang diyan!"

Hindi siya nakapagsalita sa sobrang gulat. Umawang lang ang bibig niya at masama na ang tingin sa'kin.

"Sorry..." umiling ako at sinenyasan siyang manatili roon bago ako tumakbo pabalik sa loob ng bahay.

"Buti hindi ka pa nakaalis," sabi ni Mama pagpasok ko. "Bakit parang namumutla ka yata?"

Nag-iwas ako ng tingin. "H-Hindi lang ako nakapag make-up sa pagmamadali, Ma. Salamat po, aalis na po ako!"

"Sige. Mag-iingat ka."

"Opo," sabi ko habang inilalagay na sa bag ko ang pagkain ko.

Kagat-kagat ko ang labi ko nang makalabas ako at naisara ang gate namin. Halos takpan ko na ng mga palad ko ang mukha ko.

"I'm so sorry, boss. H-Hindi ko po sinasadya. Nataranta lang ako at hindi ko 'to kayang ipaliwanag kay Mama kung sakaling nakita ka niya. Hindi niya alam na boss kita. Natakot ako na baka iba ang isipin niya at..."

"Let's go," masungit na sabi niya at sumakay na sa kotse.

Mariin akong napapikit at pinasalamatan ang lahat ng santo dahil hindi niya ako pinagalitan.

"Double time, Ms. Lopez. I have a lot of meetings today."

Napapitlag ako at nagmadali na ring sumakay sa passenger seat. Nakagat ko ang labi ko habang isinusuot ang seatbelt. Mas matatanggap ko pa ang pagsusungit niya kesa ang galit niya.

"Mamaya na ang flight mo para sa business trip mo abroad, boss," paalala ko.

"Yeah..."

Tahimik kami pareho sa biyahe pero maya-maya lang, napakapit na ako sa seatbelt ko dahil ramdam ko ang bilis ng pagmamaneho niya.

One Corporate World (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon