Ako ay Wika (Declamation)

773 7 0
                                    

Ako ay Wika
By: Momo

Halika anak ko't abotin ang kamay ko

Ako ang wika na unti unting nililimot mo

Wika ng dayuha'y likas sa iyong puso kung kaya't ako ngayon ay wasak at dismayado

Halika anak wag akong limotin

Pagka't sariling wika ay syang nagbubuklod sa atin

Ako ay wika, dapat na mahalin

Wikang dayuha'y iyo lamang tuklasin

at wag naman ipagpalit ang wikang kinalakhan natin

"Saranghae" "Te Amo" "Je T'iame" paiba ibang lingguwahe

Mga katagang iilan lamang sa atin ang nakakaintindi

Tayo'y pinoy at hindi dayu

kung kaya't ipagmalaki nyo ang sariling kayo

"Sana sa Korea nalang ako ipinanganak"
"Taga saan ka?" "Korea"

Oh kay sakit!

Ako ngayong di na mainda ang sakit pagkat iyo na ring hinihiling ang iwan ang bayan'g sinilangan

Oh kay sakit!

Puso ko'y nabibiak pagkat ako na wika ay likas nang kinalilimotan

Oh kay sakit! Puso'y nasasaktan pagkat kabataan sa ngayo'y inaaral na ay mga dayuhan

Nilimot na ang kataga ni Rizal na

" Ang sino mang di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda "

Katagang ito'y labis nang kinalimotan

Wikang inglis at iba pa ay lubos na pinag aralan

Pinag aralan, matawag lamang na matalino

Matalino ka pa ba't sariling wika mo'y nililimot

Matalino ka pa nga't sariling wika'y di maabot

Wika'y mahalin
Ako ay wika

Wika'y ipagmalaki natin
Ako ay wika

Ako'y di dapat limotin
Pagkat ako ang nagbubuklod sa atin

Poems and Declamation PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon