Bakit kung kalian Pasko?
.
By:BS_Momo
.
Pasko na naman aking ama
Panahon kung kalian kita huling nayakap pa
Panahon kung kalian nangako ka
Na ako'y di na iiwan at luluha pa
.
Ngunit bakit aking ama
Bumaliktad lahat ng pangakong binitawan?
Bakit pati ikaw ina,
Kailangan malayo sa araw ng pasko?
.
At bakit kung kalian pasko,
Ay naalala ko kayo?
Bakit kung kalian pasko,
Pinapalungkot ako ng mga alaala nyo?
.
Bakit kung kalian pasko,
Ay tsaka ko pa naaalala lahat ng nasa nakaraan na?
Bakit kung kalian pasko,
Pinaparamdam nyo sakin na kulang ako?
.
Bakit kung kalian pasko,
Ay tsaka ako nakakaramdam ng inggit?
Inggit sa kapwa bata ko,
Na kapiling mga magulang nito.
.
Bakit kung kalian papalapit na ang pasko,
Ay tsaka pa ako luluha dahil sa inyo?
Kay tagal na man ay di parin makalimot
Nabaling buto sa pagkakasawi ay tila di na mahihilot.
.
Bakit kung kalian pa pasko,
Ay wala kayo?
Bakit kung kalian pasko,
Nangungulila ako?
BINABASA MO ANG
Poems and Declamation Pieces
PoesíaThese poems and declamation pieces will be written in either tagalog or english. These are originally made so take out with full credits. Remember: PLAGIARISM IS A CRIME. Hope you all like it. Enjoy!