Nakakalula, ang laki at ang luwang ng mansiyon. Lahat ng mga gamit ay mamahalin, malinis at napaka kintab ng sahig. Napapalibutan ng maraming silid ang 4 na palapag na mansiyon.
Inilibot siya ng mayordoma sa buong paligid, itinuro ang dapat niyang gawin at matutunan. At mga silid na di niya pwedeng pasukin. Mula sa salas hanggang kusina.
Nanlalaki ang kanyang mga mata ng makita ang hapag kainan na animo sasakyang Ferrari sa haba.
Pagkatapos siyang ilibot ay ipinakilala siya ng mayordoma sa lahat.
Buong wili naman siyang tinanggap ng mga kasamahan niyang mga kasambahay rin sa mansyon na iyon.Pagkatapos magpakilala ay dinala na siya sakanyang magiging silid,
Midyo may kalakihan ang kwarto, may dalawa pa siyang ibang makakasama sa kwartong iyon na kasya lang talaga ang pang tatlohang tao.
May maliit na lamesa at cabinet, malinis din ang CR.Pagkatapos ilibot ang buong paningin sa kwarto ay agad naman niyang inayos ang kanyang mga gamit.
Una niyang inayos ang kanyang kaunting damit na dinala. Tapos isinunod niya ang kanyang mga libro at yung iba na para sa mukha.
Nakita din niya ang dalawang unipormeng nakasabit sa cabinet niya. Uniform na exclusive lang para sa mga kasambahay dito sa mansyon.
Hinimas niya ito at napabuntong hininga, ito ang kauna unahan niyang trabaho matapos grumaduate ng Highschool."Kaya mo yan Sechie, Fighting!!"
Pagche cheer niya sakanyang sarili. Naalala tuloy niya ang namayapa niyang ina.
Muli siyang napabuntong hininga ng maalala niyang wala narin pala siyang pamilya. Mahirap pero pilit niyang kinakaya para sa pangarap ng kanyang mama para sakanya."Kayud lang Sechie, makakatapos karin ng college. Pasasaan bat masusuklian din tong pagod at sakripisyo natin, diba?"
Humakbang siya sa may bintana at iwinaksi ang kurtina, tumingala siya sa taas at huminga ng malalim. Tatlong beses niya iyong ginawa Pagkatapos at tiningnan ang buong paligid sa labas ng mansyon. Mas lalo siyang nalula dahil sa laki at lawak ng lupa at mga halamang nakapaligid sa mansyon. Animo parang isang malaking maze na itsurang hardin. Sa kabilang sulok ay napako ang kanyang tingin sa isang bulto ng katawan malapit sa may Fountain, nakatayo lang ito habang nakatalikod sakanya.
'Weird ah, ano kayang ginagawa ng mamang yang diyan?'Bigla itong lumingon at napatingin sakanya, di niya masyadong makita ang itsura nito. Lalo na't naka mask ito, may suot din itong cap. Una siyang nagbawi ng tingin dahil may biglang tumawag sakanya.
"Oo, susunod nako. Magbibihis lang muna ako."
Pagkatapos sabihin iyun ay muli niyang nilingon ang lalake, kaso wala na ito dun. Siguro umalis na, at san naman kaya nagpunta ang mamang yun?
Agad niyang kinuha ang uniporme at nagbihis.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Impossible
FanfictionKatulong, Maid, Kasambahay, Kasama sa Bahay, at Yaya. Yan ang papel na gagampanan ni Sechie sa buhay ng isang arogante at mapagmalaking 'No Face' niyang amo. Kaya 'No Face' ang tawag dito, ay dahil wala pang nakakakita sa itsura ng antipatiko niyang...