Matapos isuot ang uniporme ay bumaba agad si Sechie para sumama sa mga hanay ng mga katulong na animo may meeting sa salas.
Pumuwesto siya sa pinaka huling hanay dahil narin nahuli siya. Di naman siguro siya pagagalitan ng mayordoma.
Nilingon siya nito at agad din namang nagbawi ng tingin."Kayong lahat, alam niyo na siguro ang dahilan kong bakit ko kayo lahat ipinatawag dito."
Patiunang wika ng matandang mayordoma,
"Ngayong araw na ito ang balik ng ating mahal na senyorito Duke, gaya ng dati dapat malinis ang bawat sulok ng mansyon, makintab ang sahig, dapat walang alikabok na makikita sa kahit saang sulok ng bahay, at higit sa lahat walang mag aangat ng mukha kapag nagsasalita ang senyorito.
Pag hindi tinatanong, manahimik. At kong sakali mang magtanong siya sa kahit na sino sa inyo, pakatatandaan niyo ang dalawang bagay na sasabihin ko, palaging dapat nakayuko ang ulo at wag na wag magsisinungaling sakanya. Nagkakaka intindihan ba tayo? Dahil kong mahal niyo ang trabaho niyo, at gusto niyo pang manatili ng matagal sa mansyon na ito, mas makabubuting iwasan siyang magalit, pakakakatandaan lahat ng binilin ko! Maliwanag ba?"Seryosong wika ng matanda, mahinahon itong nakatingin sa lahat, at lahat ng kasambahay at boy ay sabay sabay na napatango na animo parang nakaharap sa isangmakapangyarihang tao.
Tinapunan siya ng matalim na tingin ng matanda, dahilan para magbaba siya ng ulo.
"Sumunod kayung lahat sakin,"
At isa isa namang nagsisunuran ang lahat sa matanda, pati narin siya.
Habang sinusundan ang mga ito ay may biglang parang curiousity ang nabuo sa isip niya,
Bakit ganon? Bakit parang nakakatakot naman ata ang senyoritong tinutukoy ng mayordoma. Bakit di ako mapalagay? Ahh! Bahala na! Kaya yan Sechie! Laban!
Inisa isa ng mayordoma ang lahat ng mga gawain, hinati hati din nito lahat ng kasambahay sa anim ang bawat grupo,
Bawat palapag ng mansyon ay may anim na tagalinis na katulong. Bahala na sila kong papano hahati hatiin ang trabaho sa palapag kong san sila naatasang maglinis. Oh diba taray!
At sa ikatlong palapag siya ng mansyon naka assign, kasama pa ang lima niyang kasamahan na katulad niya ay naatasan ring maglinis sa palapag na iyon ng mansyon.
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Impossible
FanfictionKatulong, Maid, Kasambahay, Kasama sa Bahay, at Yaya. Yan ang papel na gagampanan ni Sechie sa buhay ng isang arogante at mapagmalaking 'No Face' niyang amo. Kaya 'No Face' ang tawag dito, ay dahil wala pang nakakakita sa itsura ng antipatiko niyang...