Chapter 7: Another member
Mark POV
Hi guys. I'm Mark Lim. Same age lang kami lahat ng H5 at same grade level.
Andito ako sa mall ngayon para mamili ng bagong gamit kasi yung dati kong gamit ay ipapamigay ko na sa mga kapus-palad. At papunta na ako ngayon sa shop ng cellphone doon sa small ng biglang...
*Booggsshh*
"Ano ba! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh!"
"Sorry,miss. 'Di ko sinasadya." Pagpapaumanhin ko. Psh! Parehas lang kaming hindi nakatingin sa daanan.
"Oo na! Sa susunod kasi,'wag kanag maglalakad ng parang nakalipad ang utak!"
"Sige,pasensya na talaga."
Nung umalis na siya ay sinundan ko siya ng tingin. Kung titignan mo parang wala lang nangyari. Na parang hindi niya ako sinigawan ah. Ayos.
Ella POV
Ella Young is my name. 20 years old. Same grade level lang kami ni Arianne. Halatang tinatamad ako magpakilala noh? Bwisit kasi yung lalaking 'yon eh! Panira ng araw! Kung hindi nangyari 'yon baka ginanahan pa ako magpakilala. Tsk. Sayang. Gwapo pa naman kaso parang sira.
Jace POV
Andito ako ngayon sa bahay namin ng fiance ko. Nakaka-boring na nga eh. Teka. Nasaan na ba si Arianne? Mga babae talaga.
"Bulaga!"
"What the he--"
"Oh sorry na! 'Wag mo nang tapusin 'yang sasabihin mo,sawang sawa na ko diyan. Pwese bang ibang linyahan naman? Qoutang qouta na ako sa mga mura mo eh." Tinitigan ko lamang siya ng masama. At hinila ko na siya papasok sa loob. Nasa labas kasi kami ng bahay.
"Teka lang!"
"Fu--" 'Di na naman niya ko pinatapos.
"Alam mo,noon ko pa napapansin na kapag nagagalit ka o naiinis ka ay laging tumataas ang isa mong kilay. Sabihin mo nga,bakla ka ba?"
"Ano bang pinagsasabi mo?!"
"Nice,iba na yung linya niya." Narinig ko pang bulong niya. Baliw na talaga 'tong babaeng 'to. Kakaiba rin magsalita. Kung magsalita pa siya ay parang siga sa kanto. Tsk.
"Eh napansin ko lang naman eh. Bakit,totoo ba?"
"Gusto mo ba talagang patunayan ko sayo?!" Sabi ko sabay hawak sa bewang niya at hinigit palapit sa akin.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
A/N
Thank you for reading~♥~
-Myleen
