Chapter 15: Chicken

785 16 4
                                    

Chapter 15: Chicken

Jace POV

I am here at the kitchen. Cooking food for my fiance. Hindi pa kasi siya masyadong nakakagalaw. Kung nakakagalaw na 'yon edi sana luto niya kakainin ko ngayon.

Umakyat ako ng kwarto para tawagin siya pero pagbukas ko ng pinto,tumambad sa akin ang kama na maayos na nakaligpit.

Where is she?

Nilibot ko na ang buong bahay pero wala pa rin akong makita ni anino niya. Damn. Arianne. Lalabas na sana ako ng bahay ng tumunog ang cp ko.

"Hello?" I remained myself calm.Itinago ko ang kabang nararamdaman ko sa ngayon.

[Hello,Jace Yuan. Kamusta? It's been a long time. Still remember me?] Pamilyar sa akin ang boses niya pero hindi ko matandaan kung sino.

"Probably,you're one of those as*hole that I almost brought to hell."

[Si Jumbo 'to. Tama na ng kuda Jace. Nasa akin ang alas mo.]

"What is this shit again,huh?" Halata na sa boses ko ang galit. Huwag naman sana. Sana wala sa kanila ang kanina ko pa hinahanap.

[Alam mo bang hawak ko ngayon ang napakaganda,napakaputi,at napakasexy mong fiance?] Damn.

"Don't fool me,idiot. Ba't ako maniniwala sa'yo." I chuckled. Pero kinakabahan pa rin ako. Paano kung totoo?

[Ah,ayaw mo talaga maniwala. Eto,hoy babae magsalita ka.--- Jace! 'Wag kang maniwala sa kanya. Kaya kong sarili ko! Siraulo ka kapag pumunta ka dito!]

"Siguraduhin mong hindi mawawalan kahit isang hibla ng buhok 'yan,Jumboy. Pagsisisihan mo."

[Chill ka lang. Pumunta ka dito sa lumang bodega kung gusto mo pang makita itong fiance mo. Bilisan mo,Jace. Baka hindi ko mapigilan ang temptasyon.]

"Fine. 15 minutes."

[Ikaw lang. Tandaan mo 'yan.]

"Alright."

Pagkatapos kong ibaba 'yong phone ko ay agad akong lumabas ng bahay at agad pinatakbo ang kotse ko.

Pagpasok ko ng bodega,nadatnan ko ang grupo ni Jumboy,pero wala doon si Arianne.

"Damn you,Jumboy! Where's my fiance?"

"It's Jumbo."

"Whatever."

"Relax ka lang. Ilalabas din namin siya." Sinenyasan niya ang isa sa mga tauhan na agad namang inilabas si Arianne. Shit. Her wound is bleeding.

"Siraulo ka talaga,Jace. Papatayin ka nila. Bwisit ka! Papahirapan mo pa ako. Imbis na sarili ko lang iintindihin ko!" Malakas na sigaw ni Arianne.

"I'm sorry,Arianne. Nadamay ka pa."

"Kung gusto mo siyang makuha kailangan mo kaming talunin lahat. "

"You sure?"

"Oo. "

"Lahat? Including you?"

"Wala ka pa rin pinagbago,Jace. Mayabang ka pa din. "

"Whatever."

"Jace,nahihibang ka na ba? Andami nila. Mag-isa ka lang." Nag-aalalang tanong ni Arianne habang nakatingin sa mga mata ko.

Lumipas ang mahigit 15 minutes ng matapos ang laban at si Jumboy na lang ang natitira. Chicken lang sila pabagsakin. Kulang sa training.

"What else,Jumboy? You're next."

"S-sandali,o' 'e --- eto na fiance mo. Binitawan ko na. S-suko na ako. "

"Aray,potek!" Agad kong nilapitan si Arianne ng itulak siya ni Jumboy atsaka tumakbo.

"Papatayin mo ba ako sa titig mo,Arianne?" Nakangisi kong saad habang inaalalayan siya sa pagtayo.

"M-may grupo kang kinasasangkutan 'no?"

"Yes. I am the leader."

"L-leader ka rin?"

"Yes. Why?"

"W-wala." Hinawakan ko yung pisngi niya ng tuluyan ko siyang maitayo. Tiningnan ko siya deretso sa mata.

"Don't worry. As long as I'm alive,you're safe. Everytime you need me,I'm here for you. For you,Arianne." Napangiti ako ng makita kong namula ang magkabila niyang pisngi.

"A-aray,yung sugat ko."

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

A/N

Thank you for reading~♥~

-Myleen

Campus Nerd Is My Lost FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon