Chapter 13: Berry
Bert POV
Hi! Bert Ho is my name. 3rd year college. 20 years of existence in this world full of beautiful ladies.
Nandito ako ngayon sa park,syempre namamasyal. Napakatahimik ng park ngayon at ako lang ata ang nandito. Aalis na sana ako para maghanap ng kakainan ng may marinig akong tinig sa 'di kalayuan.
"Shit. Magnanakaw." The hell? Sa halip na tulungan ko 'yong babaeng hinahabol ngayon ang magnanakaw ay nanood na lamang ako.
Tumalon siya ng mataas dahilan upang mapunta siya agad sa harap ng magnanakaw at sinipa niya ito sa mukha dahilan upang mapahiga ito.Inapakan niya ito sa may bandang leeg upang hindi makapalag. Naglakad ako papalapit sa kanila.
Seriously? Anong klaseng babae 'to?
I am expecting her to scream,'help! magnanakaw!' and not 'shit. magnanakaw.'. Parang hindi man lang siya nag panic.
"Tama na po! Hindi na po mauulit!" Said the snatcher. Nandito ako,hindi kalayuan sa kanila kaya rinig na rinig ko ang pag-uusap ng dalawa.
"Bakit kailangan mo pang magnakaw?" Tanong ng babae na agad kinuha ang bag at hinawakan ang snatcher sa kwelyo upang itayo ito.
"Kasi may sakit po ang asawa ko. Kailangan po niya ng gamot." Agad na natahimik ang babae at binuksan ang bag niya.
"Here. Take this. Pumunta ka sa pharmacy,uwian mo ng gamot at pagkain ang asawa mo. 'Wag mo na rin uulitin 'to." Nagpasalamat ang lalaki matapos itang abutan ng limang libo.
"Hey,miss."
"What?"
"You did a good job. Pero bakit mo pa pinakawalan 'yon?" Sinabayan ko siya ngayon sa paglalakad niya.
"Ah eh. Nakakaawa kasi. May dahilan siya kung bakit niya nagawa 'yon. Tao lang din siya,natutukso t'wing nasa mahirap na kalagayan." Tumango na lamang ako sa sinabi niya. After what happened,she seemed so calm.
"How about you? Nasaktan ka ba?"
"H-hindi naman."
Another moment of silence.
"By the way,Im Bert Ho." Humarap ako sa kanya at imunuwestra ang kamay ko upang makipagshake hands.
"Mary Shin."
"What a beautiful name. Bagay sayo." I said habang nakikipagkamay.
"Thank you." Said she. Giving me her sweetest smile.
"Do you want to eat? I want to treat you for giving me such an action scene to watch." Natatawa kong sabi habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
"Niyayaya mo talaga akong kumain?"
"Yes. You want?"
"Ofcourse. Tatanggi pa ba ako?"
"C-can we be friends?" Nahihiya ko pang tanong. I'm not a womanizer. But I do appreciate beauty. I don't know, but I really want Mary to be my friend.
"Oo naman. Let's go? Lilibre mo pa ako." Saad niya at nauna sa paglalakad habang ako ito. Mukhang tangang nakangiti habang sinusundan siya.
Mary POV
Annyeong! Mary Shin is my name. Same age lang kami ni lead. Obvoiusly,member din ako ng 3G.
Nandito ako ngayon sa restaurant,dito kasi ako dinala nitong cute na kasama ko. Sumama na rin ako kasi eversince hindi pa ako nakaranas na yayain ng lalaki. You know,maraming takot kasi ang tapang daw ng aura ko.
"Ah,Berto--"
"It's Bert. 'Ho' is my surname."
"Hmm. Bert,bakit mo pala ako niyaya?"
"Sinabi ko na kanina. Bukod pa d'on mag-isa lang din naman ako. Sa labas lang sana ako kakain kaya lang may nakita akong magandang diwata kanina kaya dito kita dinala." Diwata? Hindi naman siya siguro babaero 'no?
"H-hindi ka ba napapaisip sa akin?"
"Sa ganda mong 'yan sa tingin ko magdamag ka mamaya sa utak ko."
"No. I mean,hindi ka ba natatakot?" Kumunot ang noo niya. Maybe,because of my question or dahil hindi tumalab mga banat niya sa akin.
"Why would I?"
"O-oo nga 'no? Bakit nga naman? Hindi naman ako multo." Nginitian ko na lamang siya dahilan para lumabas ang dimple niya dahil sa ganda rin ng kaniyang ngiti.
"Let's eat? Lalamig na ang pagkain."
"Thank you."
Buong maghapon ay namasyal lang kami ni Bert. Lahat libre niya. Sabi ko nga ako naman pero ayaw niya. Next time siguro ako naman mag-aaya para makabawi ako.
"Ahm,Bert. I'm sorry. I need to go. Baka nag-aalala na ang mom ko."
"Hatid na kita."
"Huwag na. May dala rin akong sasakyan."
"M-Mary,can I have your cellphone number?" Nakangiti kong kinuha ang cellphone niya at t-in-ype doon ang number ko.
"Bye. Next time ulit."
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
A/N
Thank you for reading~♥~
-Myleen
![](https://img.wattpad.com/cover/155905192-288-k119102.jpg)