Chapter 3: Needed protection
"Guys,I have a fiance."
O____O
"Wooh~ Ibig sabihin may ma'am na rin tayo? Maganda ba boss?" Excited namang sabi ni Mark. Tsk. Lagot 'to kay boss kapag pati fiance n'ya pinatos.
"Shut up. Of course,she is." Pairap namang sagot ni boss kay Mark.
"'E boss,pa'no 'yan,kailangan din natin s'yang protektahan dahil pag nagkataon baka gamitin s'ya laban sa inyo." Suhestensyon ko naman.
"Yes,we need. That's why your here." Sagot naman ni boss.
"'E ano bang balak n'yo boss?" Tanong ni Bert.
"Kailangan n'yong bantayan si Arianne Kim lalo na pag marami akong ginagawa. Okay?" Seryosong sabi ni boss.
"Yes,boss!" Sabay sabay naman naming sabi.
"Okay,that's all." Sabi n'ya at lumabas na. Yun na yon? Sana naman nag Group message na lang si boss.
Arianne POV
Nandito ako ngayon sa isang restaurant na pagmamay-ari ng family ko. Syempre mag isang kumakain,busy ang mga friends ko eh. Patuloy lang ako sa pagkain ng biglang may narinig ako na parang nagkakagulo kaya pinuntahan ko at.. meron nga. Limang lalaki na sinasaktan ang isang waiter, kaya naman naki alam na ako.
"Hoy! Bakit kayo nanggugulo dito?! Lima laban sa isa? Diba parang ang duwag n'yo naman yata?"
"Uy! May magandang binibini na nagpapakabayani." Sabi nung panget number 1.
"Oo nga 'no, alam mo miss,'wag ka nang makialam dito,mamaya na tayo pupunta sa hotel." Sabi ni panget number 2 at ngumisi.
"Aba! Bastos ka ah!" Sigaw ko sabay suntok sa sikmura n'ya at nagsilapitan naman yung apat kaya pinatumba ko na rin. Kung 'di ba naman kasi sila tanga,gangster ata 'tong kinakalaban nila. Bwisit! Mga istorbo sa pagkain ko,makauwi na nga lang. I'm sure makakarating kina mom and dad 'to. But it's okay,they'll understand it.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
A/N
Thank you for reading~♥~
-Myleen
BINABASA MO ANG
Campus Nerd Is My Lost Fiance
Roman pour AdolescentsBasahin niyo lang po kung gusto niyo:)