Chapter 19: Swim
"S-sabi ko nga,ako n-nakayakap sayo." She really look nervous and embarassed at the same time.
"Chinachansingan mo lang ako,palusot ka pa." Still teasing her.
"Kapal mo!"She shouted angrily and walks outside.
Oh,shit.
I already pissed her off,I'm planning to swim with her. But how? Now that she's angry.
Arianne POV
Grabeee! Nakaka inis talaga yung lalaki na 'yon, s'ya na nga 'tong tinulungan kagabi, tapos s'ya pa 'tong may ganang mang inis, sipain ko s'ya d'on sa kama n'ya 'e. Hobby niya na talaga siguro 'yon 'no?
Makahilamos na nga lang,
Papunta na sana ako sa cr nang biglang may tumawag sa'kin at walang iba kundi ang antipatiko at kumag kong hilaw na fiance,
"Arianne,w-wait." Nauutal n'yang tawag sakin.
"Katatapos mo lang mang-inis,pahinga ka naman." Mataray na sabi ko sa kanya.
"I'm sorry, I didn't expect that you'll be mad like that. I will not do that again," Sabi n'ya with matching puppy eyes pa. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Palibhasa cute siya.
"Hay naku,ano ba kasing kailangan?" Kalmadong tanong ko naman sa kanya.
" Arianne can you come with me?"
"At saan naman tayo pupunta aber?" May pagkaasungit na tanong ko sa kan'ya
"We'll just swim outside. Feel the sunlight,inhaling fresh air,relaxing,if...that's okay with you. " May pag aalangang sabi n'ya. Ako naman 'tong si gaga 'e pumayag agad, 'e kasi hindi naman ako nagswimming mag-isa kahit matagal tagal na rin kaming nandito. At dahil sa tuwa ay nayakap ko siya.
Nagsuot lamang ako ng pink swimsuit at lumabas na. Doon ko nakita si Jace na nakaupo sa buhanginan at pinapanood ang maliliit na alon ng dagat. Kinalabit ko siya sa likod,at inilahad ang kamay ko para tulungan siyang tumayo.
"You should be thankful that no one else's here." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit naman?" Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa kan'ya ng makatayo na siya ng bigla niya ulit kunin ito at naunang maglakad kaya napasabay na lamang ako.
"No one can see you wearing that except me,okay?" Hindi ko na siya pinansin at hinila na siya't sinabay ko sa pagtakbo. Sabay naman namin sinuong ang maliliit na alon ng dagat. Noong araw na 'yon ang masayang araw na kasama ko siya. Hindi kami nag-away at naglaro lamang sa tubig dagat ng parang mga bata.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
A/N
Yey! 14k na! Thank you sa inyong lahat,sa inyong suporta. Maraming salamat!
Thank you for reading~♥~
-Myleen
