Chapter 2

4.9K 64 1
                                    

ABALA si Yumi sa pagko-compute ng mga pinamili nila nang araw na iyon. Nasa harap din niya ang iba pang resibo at bills ng mga bayarin nila sa hotel. Kailangan mabayaran ang ilaw at tubig upang hindi sila maputulan.


Si Kara ang kadalasang pinagagawa niya ng pagko-compute. Pero abala si Kara sa paglilinis ng mga silid. Salitan kasi sila sa paglilinis at pagtao sa front desk. Sa araw na iyon, ang kaibigan ang nakatoka sa room service.


Palibhasa ay bakasyon na, okupado lahat ang anim na silid ng inn. Mabuting balita iyon para sa negosyo niya para naman kumita siya kahit paano. Napapitlag siya ng mag-ring ang telepono. Iyon ang linyang nakaugnay sa mga silid nila sa inn. Room 6 ang rumehistro sa caller ID.


"Yes. Hello? Room service!" sagot niya sa tumatawag.


"Kailangan ko pa ng extra pillows," wika ng bagong dating nilang bisita.


"Yes, Sir. Ipapaakyat ko na lang. Would that be all, Sir?"


"Yumi?" tanong ng binata sa kabilang linya.


"Yes, Sir?" tugon niya.


"Wala lang. Sabi na nga ba tama ako. Ang ganda pala ng boses mo. Parang—," komento nito.


"Mr. Drew, do you need anything else?" naiirita niyang tanong. Hindi niya maipaliwanag pero kumukulo talaga ang dugo niya sa binata.


"I said, I prefer to be called Drew."


"O siya! Drew na kung Drew. Kung wala ka nang ibang kailangan, ibaba mo na ang telepono dahil baka may mga tumatawag na may iba pang kailangan," aniya. Hindi na niya hinintay na makasagot pa ito. Ibinaba na niya ang telepono.


"Sino iyon? Bakit nakaismid na naman ang mukha mo? Lalayuan tayo ng mga bisita kapag ganyan ka!" wika sa kanya ni Kara na hindi niya namalayang bumaba na sa lobby.


"Iyong magaling mong bisita sa Room 6! Humihingi ng dagdag na unan. Tambakan mo nga ng unan nang hindi na makahinga!" inis na tugon niya sa kaibigan.


"Easy! Bisita natin iyon no! Siyanga pala, any sign of the honeymooners?"


"Tulog pa rin. Tumawag ako sa kwarto nila kanina. Wala pa ring sumasagot. Pero sabi kanina ni Kuya Art, bumaba na raw iyong lalaki para magkape. Tapos umakyat uli.


"Don't tell me umisang round uli sila?"


"Yuck! Hoy, Karidad! Wag mong pakialaman ang mga bagay na hindi mo dapat pinakikialaman!"


"O siya...siya, Manang Yumi!"


"Smile!" Biglang nag-flash ang camera na hawak ng bago nilang bisita.


"Uy! Nakapikit yata ako dun!" wika naman ni Kara nang makuha na ng binata ang larawan nila.


Beautiful Soul (Published under Precious Heart Romances, c. 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon