Chapter 7

4.3K 59 12
                                    


"SAAN ba tayo pupunta?" tanong ni Yumi kay Drew. Hapon na at natapos na nilang lahat ang gawain sa inn. Tila walang kapaguran ang binata dahil buong tiyaga nitong ginampanan ang lahat ng mga gawain niya. Pinangatawanan nga nito ang pagiging "slave" niya.


"Since, tapos ko na lahat ng trabaho, it's now my duty to entertain you."


"Ano?"


"Relax ka lang. Malapit na tayo." Tumigil sila sa kagubatan patungo sa Pulang Lawa.


Bumaba si Drew sa driver's seat at buong suyong inalalayan siyang makababa ng sasakyan nito.


"Anong gagawin natin dito?" tanong niya.


"We'll gonna have fun. Trust me. Tara na!"


Iginiya siya nito patungo sa lawa. Batbat pa rin siya ng pagtataka kung bakit siya dinala roon ng binata. Laking gulat niya ng sapitin ang isang bahagi ng lawa. May nakalatag roon na picnic mat. May picnic basket na punum-puno ng pagkain. Punum-puno rin ng kulay pulang rosas ang paligid. Nakatayo sa di-kalayuan ang camera ng binata na nakapatong sa tripod.


"Surprise!" wika nito sa kanya.


"Ano ito?"


"Di ba sabi ko sa iyo, today is Yumi's day?"


"Pero hindi ko naman birthday."


"Maski na. I just wanted to give you a special day.


Para naman malimutan mo kahit sandali lang ang lahat ng problema mo!"


Napatingin siya kay Drew. She felt like crying. Natuwa siya sa pag-aabala nitong ipakita ang pagdamay sa kanya.


"Upo tayo!" anito. Inalalayan siya nito sa pag-upo sa nakalatag na mat.


"Kinontrata ko sina Kara, Art, Tatay Temyong at Nanay Koring para sa araw na ito. Pumayag naman sila dahil sang-ayon sila na kailangan mo nga ng pahinga."


"Bakit mo ginagawa ito?" seryosong tanong niya kay Drew habang abala ito sa pag-aasikaso sa kanya.


Ikinuha siya ng pinggan nito at sinalinan ng isang serving ng spaghetti. "Because I want you to be happy!" seryoso ring tugon nito.


Nag-angat ito ng paningin. Nagtama ang kanilang mga mata. At that moment, Yumi knows that she is indeed happy. Sa gitna ng lahat ng problema niya, hindi niya akalaing magiging ganuon siya kasaya. Masaya siya dahil kasama niya ang binata. Masaya siya dahil alam niyang katuwang niya ito sa kalungkutan niya. Masaya siya dahil mahal na niya ang binata.


Hindi na niya kayang itanggi pa ang nadarama. Sa maikling panahong nakasama niya rito, iniba nito ang bawat araw niya. She thought she would never like him the first time she saw him. She was right. She just didn't like him. In fact, she loved him.

Beautiful Soul (Published under Precious Heart Romances, c. 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon