Chapter 9

3.4K 51 2
                                    

"WHAT was that?" galit na daluhong ni Drew kay Atty. Orqueza sa opisina nito.


"Don't you think ako ang dapat magtanong sa iyo niyan? What was that? I never thought you're dating Miss Villareal!" nakangising tugon naman sa kanya ng abogado.


"That is none of your business, Atty. Orqueza. Ang gusto kong malaman bakit narito si Miss Villareal?"


"She called me up for an appointment. May mahalaga raw siyang proposal sa akin. Maybe she's now planning to sell her little piece of land."


"Hindi ba sinabi ko sa iyo sa on hold ang project?"


"I know. Relax. The company already lost interest in wooing her to sell her land. Rerematahin na rin naman iyon ng bangko so why bother? We could buy it from the bank, anyway. I just wanted to play her. Para makabawi naman sa lahat ng paghihirap ng kompanyang itong kumbinsihin siya."


"How cruel can you be? You tricked her. Para sabihin ko sa iyo, hindi kailangan ng kompanya namin ang mga katulad mong walang utak. Using the company's name to pick on someone? How immature can you be, Atty. Orqueza. Pack your things. You're fired!"


"Now, come on, Andrew. You can't do that to me. After all I've done for the company..."


"I just did, Atty. Orqueza. And as far as the company is concerned, you've done enough."


"I'm going to sue you, Andrew! You're going down!"


"Can't wait for you to do that! See you in court, Atty. Orqueza! Para dun na malaman ng lahat how you have been stealing behind my father's back!"


"Pinagbibintangan mo ba ako?"


"Hindi na kailangang pagbintangan pa ang nahuli na!"


Galit na galit na talaga si Drew. Sa sandaling pagsusuri niya ng mga bagay sa kompanya nadiskubre niya ang malaking halagang nawawala sa kanila. He did his own investigation and it led him to Atty. Orqueza.


Hindi pa lang niya ito kinokompronta. Maingat din siyang nakikisama rito upang hindi itong magdudang nag-iimbestiga siya. But what he did to Yumi is way out of line. At kahit pang sabihing nasaktan din niya ang dalaga, hindi naman siya papayag na may iba pang makasasakit dito.





"HINDI na natin ibebenta kay Don Antonio ang inn," matigas na deklara ni Yumi kay Kara nang gabing makabalik siya sa inn.


"Bakit naman?" nagtatakang tanong sa kanya nito.


"Nagbago na ang isip ko. Hindi yata tama na matapos kong ipaglaban ang lupa, lalapit ako at makikiusap na bilhin na nila ito."


"Bigla naman yata ang pagbabago ng isip mo. Ano bang nangyari sa lakad mo?"


Beautiful Soul (Published under Precious Heart Romances, c. 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon