Chapter 3

3.7K 56 2
                                    

HINDI magkamayaw si Drew sa pagkuha ng mga larawan. Tuwang-tuwa siya napakagandang itsura ng lawa habang papalubog ang araw. Kaya pala ito tinawag na Pulang Lawa dahil nagkukulay pula ang buong katubigan nito kapag lumulubog na ang araw. Pambihira talaga ang tanawing iyon.


Assignment niya sa isang travel magazine ang kunan ng larawan ang lahat ng magagandang tanawin sa bayang iyon. Ang lawa na iyon ang isa sa ipinagmamalaki ng bayang iyon at siyang pakay ng mga turistang nagpupunta roon. Hindi raw kumpleto ang pagdalaw mo sa bayang iyon kung hindi mo man lang masisilayan ang Pulang Lawa lalo na kapag papalubog na ang araw.


Kaya naman naintriga siya. Pinuntahan niya agad ang lugar na iyon. Patungo pa lang siya sa Sitio Pulang Lawa, na siyang nakasasakop sa lawang iyon, aliw na aliw na siya sa mga tanawing tumambad sa kanya. Bukod sa assignment niya, may mga larawan din siyang kinuha na maaari niyang ipagbili sa iba pang mga pahayagan.


Nang maubos ang rolyo ng film, tumigil siya pasumandali sa pagkuha ng larawan at tinungo ang kinaroroonan ng camera bag niya. Humugot siya ng isang kahong film. Napatingin siya sa cell phone niya. Walang signal sa lugar ng lawa. Mabuti iyon. Para hindi na siya kulitin pa ng Daddy niya.


Isang dahilan din iyon kung bakit tinanggap niya agad ang assignment na iyon. He wanted to get away from his father. Kaya naman he took the first out-of-town project given to him. Patuloy kasi siyang ipinahahanap ng ama upang pamunuan daw niya ang bagong project ng kompanya nila. Wala talaga siyang interes na negosyo nila. Kaya panay ang pagtanggi niya sa ama. Bagay na ikinakagalit nito. Dapat daw ay magsimula na siyang kumuha ng tungkulin sa kompanya upang mahasa siya sa pamamalakad.


Then he saw a text message from Bianca, the model he was dating. They had been exclusively dating for a couple of months now. Hindi siya ang tipo ng lalaking mahilig sa commitment kaya naman he would settle for steady dates. Epekto na rin siguro ng pamamalagi niya sa New York. But he could feel na nagiging attached na sa kanya ang babae. And that smells danger. Kaya naman agad na nilinaw niya ang intensyon. Dating...that's all he could offer. Pero ang dating dito, pinagtataguan niya ito. Iyon ang nakalagay sa text message nito.


Napabuntung-hininga siya. Ang mga babae nga naman!


Napansin niyang biglang nag-iba ang kulay ng lawa. Hindi na ito pula. Tuluyan na palang nakalubog araw kaya nagbalik na sa dati ang kulay ng lawa. Nagsisimula na ring dumilim sa paligid. Hindi maiwasan ni Drew ang sidlan ng takot. Masukal at magubat ang daan patungo sa lawa. Hindi niya iyon kabisado. Sinabayan lamang niya ang ilang mga turistang dumayo rin doon kanina. Subalit sa sobrang kaabalahan niya sa pagkuha ng larawan, hindi niya namalayang naiwan na pala siyang mag-isa roon.


Binaklas niya ang itinayong tripod atsaka inilagay sa sisidlan nito. Isinara niya ang camera bag at binitbit iyon. Binagtas na niya ang daan palabas sa kalsadang pinag-iwanan niya ng kanyang sasakyan. Babalik na siya sa inn.


Sa kasamaang-palad, hindi na niya maalaala ang daanang binagtas niya papasok sa lawa. Parang nag-iba na ang itsura ng paligid dahil sa pagkagat ng dilim. Nagsimula na ring umalingawngaw ang mga kuliglig. Nagpatuloy siya sa paglakad. Nagpaliku-liko siya sa mga pagitan ng mga punung-kahoy. Bahala na.


Makakalabas din siya sa lugar na iyon. Binilisan niya ang mga hakbang. Hanggang sa lumabas siya sa isang maluwang na daanan. Laking gulat niya ng tumambad muli sa kanya ang pampang ng lawa. Nagpapaikut-ikot lamang pala siya.

Beautiful Soul (Published under Precious Heart Romances, c. 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon