Chapter 10

5.7K 102 6
                                    

"DREW, saan ba tayo pupunta?" untag ni Yumi kay Drew habang nasa gitna sila ng traffic. Nasa passenger's seat siya ng Ford F150 nito.


Araw iyon ng linggo at kakagaling lang nila sa simbahan kung saan dinaluhan nila ang misa para sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng ama nito.


Marami na ang nagbago kay Yumi. Nang maremata ng bangko ang inn nila, ipinasya niyang maghanap ng trabaho sa Manila. Ipinasok naman siya ni Drew sa marketing department ng kompanya nito. Parang ganun din ang trabaho niya sa travelling agency na pinanggalingan niya. Nanghihikayat din siya ng kliyente para magpa-book sa mga hotels, recreational facilities, amusement park at resorts na pag-aari ng Buenavista Developers, Inc.


Sa Manila na rin siya naninirahan. Ikinuha siya ni Drew ng isang apartment na malapit sa opisina nila. Pilit pa nga nitong sinasagot ang bayad subalit tinanggihan niya. Tutal naman, may kinikita siya kaya dapat lang na siya ang magbayad ng titirhan.


Sa una nahirapan siyang mag-adjust ulit sa buhay Manila. Sa dalawang taong pananatili niya noon sa probinsya nila, nasanay na siya sa simple at mabagal na takbo ng pamumuhay kumpara sa magulong mundo ng Manila. Bihira na rin ang pahinga niya. Naging abala siya sa trabaho. Nais kasi niyang patunayan sa opisina na hindi porke kasintahan niya si Drew kaya lang siya nakapasok sa kompanya. Agad naman niyang inani ang respeto ng mga kasamahan dahil sa galing at sipag na ipinamalas niya.


Kasintahan ni Drew. Hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti sa tuwing ipapakilala siya ng binata bilang kasintahan nito. Masarap pakinggan. Para bang musikang kumikiliti sa tainga niya. Nilingon niya si Drew sa driver's seat. There he was with his irresistable smile again. 


"Basta. Surprise nga. Relax ka lang diyan and enjoy the trip!" pilyong tugon nito sa tanong niya.


He was upto something again. She could feel it. Dahil simula nang maging maayos ang lahat sa pagitan nila, lagi na lamang siya nitong sinosorpresa. Hindi naman sa nagrereklamo siya. Natutuwa pa nga siya. Dahil sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanila, hayun at magkasama silang nakangiti.


She was glad to see Drew smile. Ibig sabihin, tanggap na nito ang pagkawala ng ama. She knows how tough it is na mawalan ng mahal sa buhay. Dahil kahit siya, inabot ng mahabang panahon bago tuluyang nakangiti ng ganoon.


Isinandal niya ang likod sa leather seat ng sasakyan ng binata. Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang umidlip. Tutal naman walang balak itong sabihin sa kanya kung saan sila pupunta, mabuti pa ang matulog muna siya. Pagod ang katawan niya dala ng isang linggong pagtatrabaho. Anytime she could spend sleeping, she would gladly utilize.





NANG magmulat ng mata si Yumi mga isang oras ang nakalipas, nagulat pa siya nang makita ang dinaraanan nila.


"Drew?" tanong niya sa kasintahan.


"Yes, Honey?" patay-maling sagot nito.


"Pupunta tayo sa Sitio Pulang Lawa?"

Beautiful Soul (Published under Precious Heart Romances, c. 2006)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon