1

3 1 0
                                    

Tahimik akong naglalakad sa hallway ng school. Mahigpit ang yakap ko sa dalawang libro ko at masamang nakatingin sa dinadaanan ko. Grabe si kuya! Sinabi nila mommy na babantayin niya ako dito! Na hindi ako iiwan lalo nang bago ako dito sa Pilipinas! Ni wala nga akong alam na puntahan maliban sa bahay!

I don't get it, maayos naman ako sa L.A pero bakit kailangan nila akong itapon dito? Si kuya ay matagal na dito. Actually, madalas siyang magbakasyon dito samantalang ako, ngayon pa lang! I can understand Tagalog naman. My parents teach us when they have time.

"Ugh! Bakit ba ako iniwan ng kapreng iyon?!" Iritado kong sinabi.

*flashback*

"What the?! Kuyaaaa! Why you didn't wake me?!" Sigaw ko mula sa kwarto.

Nagising ako halos seven na mahigit! At seven thirty ang pasok ko! Hindi magkakasya ang time! Sa pagligo pa lang, kulang na! Plus mag-aayos pa ako ng mukha!

"Kuya?!" Bakit hindi siya sumasagot? Bumangon ako sa kama at padabog na pumunta sa kwarto niya. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang maayos na ang kwarto niya at wala nang anino niya! Where is he?

Bumaba ako at hinanap si Manang Helda para tanungin si kuya. I found her sweeping in our living room. "Manang Helda, asan si Kuya?"

Nakita ko sa mga mata niya ang pagtataka at nagletter O pa ang bibig niya. "Andito ka pa?! Kanina pa pumasok ang kuya mo"

"What?!"

"Kumain ka na. Dalian mo. Ika-apat na araw mo pa lang sa school baka matawag ka agad sa office dahil late ka. Jusku ano ba yan si Mingyu!"

Tumakbo na ako sa kwarto at naligo! Pagkapatak pa lang ng tubig agad ko nang kinuha ang shampoo. "freak!" Napasobra ang paglagay ko ng shampoo sa kamay ko! Nilagay ko na lahat at ang resulta ay sobrang daming bula! Tinignan ko lahat ng mga sabon ko sa lalagyanan. "Magshower gel na lang ako." Ayun, nagshower gel na lamang ako at binilisan.

Paglabas ay nagbrush na ako, blower, pagsuot ng uniform, konting make up at of course perfume!

Chineck ko ang relo ko at halos itakbo ko na agad hanggang palabas ng bahay! "Kuya Kiko sa school po. Pakidalian dahil malelate na ako" pumasok ako agad sa kotse at agad naman pinaandar ang black fortuner namin.

Good thing dahil five minutes lang ang biyahe. Pagkapasok ko sa gate ay saktong pagbell. Phew! That's too close! Lagot ka sa akin mamaya kapre ka!

*flashback ends*

"I can't believe na nagkasya ang lahat within thirty minutes!" Sabi ko sa sarili.

Pagkapasok ko sa loob ng room ay pinagtitignan ako ng mga classmates ko. I even here gossips! Madalas ako ang pinaguusapan nila. Hindi ko ba alam kung good thing iyon pero feel ko kasi hindi maganda ang mga kwento nila. Nararamdaman ko pang plastik lang sila sa akin. Hindi ko alam bakit ganun ang nararamdaman ko. Wala pa ang teacher namin dahil halos magulo pa ang room at maingay pa. Umupo ako sa upuan ko sa tabi ng bintana at nakalumbaba. I hate kuya! I hate kuya!

"Kaya nga"

"Seventeen pero thirteen lang sila. Haha weird"

"Kasi nga, thirteen members pero nahati sila sa three units which is Vocal, Hip hop and Performance Unit and they are one group. So thirteen plus three plus one equals Seventeen! Diba galing?"

"Kaya nga! At ang gwapo nila!"

"Sayang nasa kabilang building sila"

"Mamayang break time, dadaan tayo doon"

SnowfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon