3

1 1 0
                                    

Four o'clock na. On the way na si Kuya Kiko para sunduin ako. Sinabi ko sa kaniya na wag siyang maingay para hindi malaman ni kuya. Nasa tapat ako ng mall nang matanaw ko si kuya Kiko. Pumasok ako agad ng sasakyan at huminga ng malalim.

"Don't tell it to kuya. "

"Yes mam"

"Anyway, where is he?"

"May practice mam"

"Practice?" Taka kong tanong.

Nilingon ko ang school nang malagpasan namin ito. Nagsisilabasan na ang mga estudyante.

"Oh mam, ito pala si sir" sabi ni kuya kiko. Napatingin ko sa harap and I saw kuya's car at bumitada pa ito sa amin!

Akala ko ba may practice? Or baka may ibang ginagawa ito? "Kuya Kiko, sundan natin si kuya pero palihim"

"Ano po?"

"Just follow me"

Sinunod niya ang utos ko. Bumuntot kami kay kuya. Halos may isang sasakyan pagitan namin. NagU-Turn kami agad buti ay hindi niya napansin iyon. Mukhang nagmamadali dahil medyo paspas siya kami naman ay sakto lang. Halos isang oras na kami nagbabiyahe dahil nastuck pa kami sa traffic. Good thing ay hindi naman nahirapan sumingit si Kuya Kiko. Tumigil lang kami sa tapat ng isang lumang building. Kinabahan ako agad sa awra na meron dito. Nakita kong may limang nakaparadang sasakyan at isa doon ang kay kuya.

Bumaba ako ng sasakyan. "Mam, saan ka po pupunta?" Tanong ni kuya Kiko sa akin.

"Antayin mo lang ako dito."

Pumasok na ako sa loob ng building. Hindu naman siya lumang luma pero nakakatakot siya. Anong ginagawa ni kuya dito? Umakyat ako hanggang sa makatungtong ako sa ikaapat na palapag dahil may narinig na akong ingay.

"Hahahaha! Suntukin mo dapat!"

Ano iyon? Dahan-dahan akong naglalakad para mahanap kung saan nanggagaling ang ingay.

"Hoy baka nakakalimutan niyong ako ang leader niyo! Baka kayo ang dapat na masuntok?"

What the heck?! Anong leader? Suntok? Is this a gang? Wait! Kuya is a part of a gang? A fraternity?Oh my! Or maybe I am just freaking out.

Dahan-dahan pa ako naglakad palapit sa pader para makatago at makita sila. I saw my kuya sitting on a chair and some of the boys are shirtless! Pawis na pawis sila at mukhang pagod na pagod! Kakatabos lang ba ng pambubugbog? Or maybe mga addict sila? Sino ba naman ang matinong tatambay dito?

"Ano guys? Let's torture him?" Napatingin ako sa nagsalita. From the deep voice I know na si Wonwoo na iyon! At hindi nga ako nagkamali! Kasali siya dito?

Oh my! I need to get kuya out of this!

"Hahahahaha! Tara!"

Nang narinig ko iyon ay hindi ko na napigilang lumabas sa tinataguan ko. "KUYA!"

Tumakbo ako papalapit sa kaniya at naagaw ko naman ang atensyon ng lahat. Gulat na gulat si kuya base sa itsura niya ngayon. "Ano ito kuya? Bakit kasali ka sa grupo na ito? Ano ito? Fraternity? Gang? Or baka naman tumitira ka na rin? Kuya ano ito?!"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Let's go home" sabi ko sabay hatak sa kaniya pero masyado siyang malakas para ako ang mahatak niya.

"Ikaw na ang umuwi. Akala ko ba pauwi ka na-"

"KUYA! ANO ITO? ADDICT KA NA BA? SUMALI KA SA ISANG GANG?" sabay turo ko sa mga lalaking kasama niya.

Sumalubong sa akin ang masamang tingin ni Wonwoo. I saw how he clenched his jaw at kung paano siya umiwas ng tingin.

"Ano bang sinasabi mo?"

SnowfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon