Alas otso na mahigit nang nagising ako. Wala akong pasok pero si kuya meron. Dumaretsyo ako sa banyo para makaligo.
...
Nakahiga ako sa sofa at nag-iisip ng pwedeng gawin. Sobrang boring ng Saturday. Tinali ko ang buhok ko na ponytail para hindi dumikit sa leeg para kasing ang lagkit.
Ala una na. Tapos na akong kumain at manood ng dalawang penikula pero boring na boring pa rin ako! Bumukas ang pinto dahilan para mapangiti ako. Kuya is here! Tumayo ako para yakapin si kuya pero halos manlumo ako dahil sa nakita.
"What are you doing here?" Inis kong tanong.
"Sinusunda ka!"
"Bakit ka sumisigaw?!" Inis kong tanong sa kaniya. Umiling lamang siya at hinatak ako palabas ng bahay. "Saan mo ako dadalhin Wonwoo?"
"Wag kang maingay" malalim na boses niyang sabi.
Pinasok niya ako sa loob ng kotse niya sa BACKSEAT! Bakit? Sino ba ang katabi niya sa harap? Wala naman ah! Pinaandar niya ang sasakyan at umalis kami agad.
"Hoy! Hindi mo manlang ako pinagpalit ng damit!" Inis kong sabi at napalingon sa jersey short ni kuya na pangbasketball na color black at white na T-shirt ni kuya na may nakasulat sa likod na 00 Kim. M. Sa harap naman ay may nakaprint na logo ng grupo nila. (Nakita ko nung nagsearch ako)
Nakita kong tumingin siya sa akin ang rear mirror. Mahuhuli ako ni kuya na ginagamit ang damit niya! Pero saan ba kami pupunta?
"Saan mo ako dadalhin?"
"Crush mo ba si Jeonghan?"
Ano?! Saan naman niya nakuha yan? At galing no where ang tanong niya! "Wag mo nga iwasan ang tanong ko! Saan mo ako dadalhin?"
"Itatanan na kita"
"WHAT?!"
"Joke!" Sabi niya at nakita ko sa salamin ang pagngiti niya. Halos mapanganga ako sa joke niya. Hindi nakakatuwa! "Papunta tayo sa bahay nila S. Coups. Andun ang kuya mo. Ngayon, crush mo ba si Jeonghan?"
WHAT THE HECK? ANONG NAKAIN NITO AT GANYAN ANG TAKBO NG UTAK NIYA?
"Siya ba yung mahaba ang buhok doon sa music video niyo na Mansae?" Tanong ko sa kaniya. Bigla siyang nagbreak dahilan para masubsob ako sa harap! Langya talaga! "Dahan-dahan naman sa pagbreak! Langya ka!" Inis na sabi ko at inayos ang upo.
"Ngayon pinapanood mo na ang mga music video namin?!"
"What is your problem?"
"So crush mo siya?"
"Sino?"
"Si Jeonghan nga!"
"Bakit mo naman nasabi?"
"Coz I feel it"
"Ewan ko sayo! Para kang timang! Kahapon kala mo kung sino kang makapagpahiya tapos ngayon kakausapin mo naman ako akala mo close tayo. Excuse me, hindi tayo close kaya wala kang pake kung sino ang crush ko!" Inis kong sabi. Sumandal ako sa upuan at nagcross arms sabay tingin sa labas.
Hindi ko siya maintindihan! Tama nga ang kaibigan niya, meron siya ngayon!Hindi ko siya tinignan at nanahimik naman na rin siya. Ngayon ramdam ko na naman ang apoy sa aming dalawa. Aish..
...
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Andito na ba kami? Bumaba na siya sa sasakyan. Hindi manlang ako pinagbuksan! Hindi siya gentleman! Binuksan ko ang pinto at lumabas. Halos uminit ang dugo ko nang makitang pumasok na siya sa malaking pinto! Iniwan talaga ako dito? Unbelievable!
BINABASA MO ANG
Snowfall
FanfictionSabi nila, kung sino ang katabi mo sa paghulog ng mga yebe, mahalaga siya sa buhay mo. Meron siyang mahalagang papeles sa buhay mo. Hindi natin alam kung masama ba o mabuti. Kaya ako, nag-iingat ako kung sino ang kasama ko kapag nagsimula na ang sno...