2

1 1 0
                                    

"KEIRA OPEN THE DOOR!"

Bwisit na bwisit na ako sa ingay na ginagawa ni kuya sa pintuan. Sigaw siya ng sigaw at hampas ng hampas sa pintuan ng kwarto ko. Pwede naman sana niyang kunin ang susi kay Manang Helda.

*BAAM!*

Halos tumalon ang puso ko sa lakas ng hampas ni kuya sa pinto. Sisirain niya ba ang pintuan?!

"KEIRA BUKSAN MO ITO! KAKAUSAPIN PA KITA!"

Lumapit ako sa pinto at malakas na hinampas ang pintuan. Iritang-irita na ako kaya sana wag ka nang mang-irita! "STOP IT KUYA! NAKAKAISTORBO KA SA GINAGAWA KO!"

"ABA BUMABAWI KA NA NGAYON-"

"OPEN THE DAMN DOOR KEIRA!"

*BAAM*

Nagulat ako sa malakas na hamapas nang kapreng iyon. Huminga ako ng malalim at inayos ang pajamas at long sleeve na shirt ko. Inayos ko ang buhok ko bago buksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang galit na galit niyang mukha.

Tinulak niya ang pintuan dahilan para mabuksan ito maigi at pumasok sa kwarto ko. "Sino yung lalaking naghatid sayo dito?"

"It's none of your business."

"Oh really? Kahit hindi mo tinatapos ang klase mo-"

"Ano ba! Pwede ba! Wala ka naman pakialam diba! Noong unang araw ko pa lang naman dito halatang napipilitan ka lang na samahan ako! Kaya kanina hindi mo na napigilan iniwan at pinahiya mo na ako! Kuya pwede mo naman kasing sabihin kanila mommy na ayaw mo ako dito na ayaw mo ako kasama!"

Ako na ang nagwalk out sa kwarto ko. Padabog pero dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan. Only manang Helda know what really happened. Pagkahatid sa akin ni Darren ay umalis rin siya agad.

"Kapreng masungit! Kapreng masungit! Kapreng masungit!" Paulit-ulit na sigaw hanggang sa makarating ako sa sala. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang may dalawang lalaki na nakaupo sa sofa namin at takot na takot ng makita ako. "Who are you?" Tanong ko sa dalawa na halatang nagulat sa tanong ko.

Nagkatinginan pa sila na tila ba nag-uusap gamit ang mga mata nila. Tumayo pa silang dalawa at inayos ang T-shirt nila. Ngayon ko lang napansin na mukhang may lakad sila.

"We are your brother's classmates. I am Vernon"

"I am Seungkwan."

Nagkatinginan pa sila then tumango sa isa't-isa. Sabay silang nag-abot ng kamay sa akin na nakikipagshake hands. Tinggap ko ang shake hands ng dalawa at iniwan sila.

Tumungo ako sa kusina para kumain ng hapunan. Imagine hindi ako nag-almusal tapos nung tanghali konti lang nakain ko dahil wala akong gana. Ngayon lang ako kakain! Wait, gabi na. May lakad si kuya kasama ang classmates niya? Gabi na!  Nakaupo ako sa pwesto ko nang ihain sa akin ng mga katulong namin ang mga pagkain.

"Manang, saan daw po ang lakad nila kuya?" Tanong ko kay Manang Helda na nagsasalin ng juice sa baso ko.

"Ay sa bahay ng kaibigan niya. Doon lang naman yan pumupunta kahit noon pa lang."

"Even at this hour? Gumagala pa siya?" Tanong ko kay manang.

"Bakit? Akala mo ba ikaw lang ang makakagala? Diba nga nagpaparty ka sa mga bar with your friends also. Masgabi pa iyon" malamig niyang sabi at nilagpasan ang lamesa. Tumungo siya sa kabilang parte ng bahay papunta sa garahe.

I rolled my eyes. Tinusok ko nang may halong gigil ang pork steak sa plato ko. Nakita ni Manang Helda ang gigil ko dahilan para tapikin niya ang balikat ko at sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya. "Hays.. Kayong dalawa magkapatid talaga. Hanggang ngayon, aso't pusa pa rin kayo."

SnowfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon