"Malay ko dun!"
"Crush ka siguro nun"
"Kuya naman eh! Magfocus ka nga sa kalsada!" Inis kong sabi. Sinalpak ko ang earphone sa tenga ko at nilakasan ang volume. Nakatingin ako sa kalsada at hindi na muli pinansin ang kapatid ko.
Kanina pa namin pinag-uusapan ang bangayan at kung paano nalaman ni Wonwoo lahat ng crush ko na kahit si kuya ay hindi kilala ang mga yun.
Nakarating kami sa bahay at nagmarcha akong umakyat sa kwarto ko. Is he a stalker? Pero ngayon lang kami nagkakilala! Nakakagulat naman na malaman niya kung sino ang mga naging crush ko. Na kahit ako nakalimutan ko na! At ang kapal pa ng mukha niyang sabihin na masgwapo siya doon, tsk! Ganun kataas ang confidence niya at nakakaasar!
May kumatok sa pinto at bumukas ito. Nakangiting pumasok ang kapatid ko na nakaroba lang ngayon. "Sama ka mamaya?"
"Baka makita ko lang yung unggoy mong kaibigan"
"Tsk. Crush ka siguro nun. Tapos crush mo rin siya-"
"What the heck kuya?! Yuck!"
"Sus. Kunwari pa itong kapatid ko" natatawa niyang sabi sabay tusok sa tagiliran ko.
Pinalo ko ang kamay niya dahilan para tumawa lalo siya. "Ano ba! Lumayas ka ng kwarto ko!"
"Mabait naman iyong si Wonwoo ah!"
"Bakit ba nirereto mo ako doon. Ang daming gwapo jan at ayaw kong kalbuhin ng mga fans niya-"
"Doon ka natatakot? So crush mo talaga siya?"
"LAYAS!" tumayo na ako sa kama at tinulak siya. Kahit kapre ka, kaya pa rin kitang palayasin sa kwarto ko! Bwisit! Tawa siya ng tawa kahit nasa labas na siya. Sige, tumawa ka lang. Lagot ka talaga sa akin.
Nang naka labas na si kuya ay humiga muli sa ama at tumingin sa ceiling. Hindi ko maintindihan ang mga nangyari. Sasama kaya ako? Pero inembitahan ako! Nakakahiya naman kung hindi sumulpot. So ano kung andoon siya mamaya? So childish kung dahil lang doon hindi ako pupunta. At sobrang boring dito sa bahay.
Nagpack ako ng ilang damit at inayos ko ang make up kit ko of course. Kailangan maganda at mukha kang fresh parati. Light make up lang. Yung para bang inenhance mo lang yung mukha mo ganern. My personal hygienes, check! Power bank and of course a book.
Lumabas ako ng kwarto ng naka maong shorts at medyo maluwang na black shirt and step in! Simple lang ako dapat. Jan lang naman kami sa bahay ng kaibigan ni kuya.
Nasa baba na si kuya. Kakapasok niya lang sa kotse ng dump tent namin ko at ang sa kaniya. Nagdala rin kami ng mga banig. Walang comforter, simpleng kumot lang dahil mainit daw at mga unan.
"Are you really joining us Keira?"
Tanong ni kuya ng pinagbuksan ako ng pinto sa harap. "Yes kuya. To prove that-"
"May pinagdadaanan ata ang batang iyon. Hayaan mo na lang. Don't act foolish ang childish again."
"Bakit parang siya ayng kinakampihan mo ngayon?!" Inis kong sabi habang nakabukas pa rin ang pinto para marinig niya dahil umikot na siya papunta sa driver's seat.
Hindi na ako pinansin ng kapre at nagmaneho na lamang siya. Magkatabing subdivision lang kami nila Joshua. Nakarating kami sa mataas na gate. Bumukas ito at pinasok ni kuya ang sasakyan. I saw few cars. Baka andito na sila.
How I wish na wala ang kaaway.
Binuhat ko ang backpack ko at aalis na sana ng biglang hablutin ni kuya ang bag ko dahilan para mapabalik ako sa pwesto ko kanina. "Magbuhat ka. Wala kang katulong ngayon. Buhatin mo ito" sabay about sa akin ng nakabag ko kang dump tent. "Balikan mo itong banig at kumot mo. Ako na nga ang nagprepare nito. Spoiled brat ka talaga."
BINABASA MO ANG
Snowfall
FanfictionSabi nila, kung sino ang katabi mo sa paghulog ng mga yebe, mahalaga siya sa buhay mo. Meron siyang mahalagang papeles sa buhay mo. Hindi natin alam kung masama ba o mabuti. Kaya ako, nag-iingat ako kung sino ang kasama ko kapag nagsimula na ang sno...