6

1 0 0
                                    

In-off ko na ang phone ko dahil sa irita. Yung mga kaibigan ko nagtatanong kung kaano-ano ko daw si JEON WONWOO na nakapagreply kay Jayson ng ganun.

Nakinig ako sa usapan nila na maglalaro daw kami. Binigyan kami isa't-isa ni S.coups ng papel at ballpen.

"Anong gagawin namin dito hyung?" Takang tanong ni Jeonghan habang winawagay-way ang bondpaper.

"Malamang magsusulat" natatawang sabi ni Seungkwan na para bang ang dali-dali ng tanong. Oo nga naman.

"Hatiin niyo yung bondpaper sa dalawa" sabi ni S.coups. Nag-agawan pa sila sa gunting. Yung iba naman ay dinalaan lang at nahati na sa dalawa.

Nang natapos na naman mahati sa dalawa ay nakinig ulit kami sa institution ng leader. "Sa unang bondpaper, isusulat niyo ang dare na gusto niyong ipagawa. Pero wag yung sobra-sobra. Ilagay niyo sa baba ang name niyo"

Nagstart na silang magsulat. Nakikita ko pa sa kanila ang nakakalokang ngiti habang nagsusulat. Geez.. Parang nakakatakot ang nga dare nila. Ano kaya ang pwedeng ilagay na dare?

Finold na namin sa apat na palenghtwise ang papel. Kinolekta ni Hoshi ang papel at nilagay na niya sa baso.

"Ako na mauna" unang bumunot si S.Coups. Binuksan niya ang papel at halos napatawa sa binasa. "Isulat sa ere gamit ang pwet habang nakataas ang dalawang kamay at nakanguso. From Joshua"

Tawa ng tawa sila Joshua habang inaantay ang gagawin ng leader. Tumayo si S.coups at ginawa ang pinapagawa.

"S"

"C"

"O"

"U"

"P"

"S"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa namin dahil bigla siyang nagpost ng DARNA! Pagkatapos niyang gawin. Umupo siya sa dati niyang upuan na hiyang-hiya.

"Magready ka na mamaya Josh" pagbanta ng leader dahilan para matawa lalo si Joshua.

Tumayo si Woozi dahil siya ang kasunod ni S.coups. Bumunot siya at masamang lumingon kay Seungkwan. "Do a different poses of aegyo. Atleast three. Seungkwan"

Ayaw niyang magpacute. Yun ang isa sa mga nalaman kong ayaw niya. Dahilan para magtawanan sila kuya sa tabi ko.

Natapos na si Woozi sa dare ni Seungkwan. Halos takpan niya ang mukha sa hiya.I found it cute. Si Woozi talaga ang cute hindi ako. Sadyang sira lang talaga yung pangit na iyon. Tumayo naman si The8. "Sayawin ang Gashina Dance. Woozi"

"Ah. Simple lang" sabi ni Hoshi at pinatugtog ang Gashina.

Hanggang chorus lang ang ginawa ni The8 at sumunod naman na si Vernon. "Umakting na para bang si Prince na hahalikan ang natutulog na si Snow White. Jun"

"Dahil Jun ikaw ang nagsulat, ikaw si Snow White. Hahahahaha!" Sabi ni Jeonghan.

Napatawa kami dahil sa mukhang napilitan ni Jun. Humiga si Jun sa damuhan. Habang nakapikit siya ay nagpipigil siya ng tawa. Dumating naman si Vernon na tumatakbo. Nang nakita niya si Jun ay este snow white na natutulog ay lumuhod ito. Seryoso si Vernon sa pag-aarte dahilan para mastumindig ang balahibo ko.

"Wait. Kulang! Woozi! Punta ka doon. Diba ikaw yung dwarf?" Singit ni kuya dahilan para matawa kami lahat.

Tumakbo si Woozi papunta kay kuya at binatukan. Pati ba naman si Woozi na naahimik, guguluhin! Pero maliit nga naman kasi talaga si Woozi. Hahahaha! Pero cute kaya siya!

"Continue" natatawang sabi ni Dk.

Nagpipigil sa katatawa si Jun at Vernon. Nang seryoso ng nilalapit ang labi niya kay Jun ay halos lahat kami ay nagtilian na. Konting-konti na lang nang sumigaw si S.coups. "Cut! Tama na!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SnowfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon