Chapter 8

21.7K 357 12
                                    

"Madam, please... Huwag naman pong ganito. Maawa po kaayo saakin. Makakapagtrabaho naman po ako ng maayos eh."


"No Lily. My husband will surely got angry if you'll continue working here."


"Pero madam, wala na po akong ibang trabaho, kailangan ko po ito."



"Please Lily, pack up and leave. I want you to leave this house."






Dalawang linggong buntis si Lily, laking gulat namin ni manang ng malaman namin 'yon at ng malaman ni madam ang kalagayan ni Lily kaagad siyang pinaalis sa bahay. Wala naman kaming magawa ni manang, umiiyak lamang si Lily at nagmamakaawa kay madam ngunit buo na talaga ang desisyon ni madam.


Hindi ko rin naman maunawaan si madam, dahil daw sa asawa niya kaya niya tatanggalan ng trabaho si Lily. Naaawa naman ako kay Lily, wala siyang trabaho at buntis pa siya, pinag-aaral niya pa ang dalawa niyang kapatid na parehong highschool.

"Manang... Tulungan niyo po ako." umiiyak na paghingi niya ng tulong kay manang, tumingin rin siya saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Agatha... Pakiusapan mo si Sir Astro, please. Nagmamakaawa ako." umiling lang ako habang naaawang nakatingin sakanya.


"Mag-iisang buwan ko ng hindi nakakausap ng maayos si Sir, Lily. Pasensiya ka na." bumitaw siya saakin at napahilamos sa mukha.


"Ang tanga-tanga ko kasi, kung hindi ako nagpabaya ng gabing 'yon, wala sana akong problema ngayon, hindi sana ako mawawalan ng trabaho ngayon, kasalanan ko 'to." nakatingin lamang kami ni manag kay Lily.


"Paano ko bubuhayin ang batang 'to manang? Walang wala ako, paano ako magpapadala kay mama para sa pag-aaral ng mga kapatid ko? Saan ako pupunta ngayon? Manang... Agatha..."

Hindi ko inaasahan na ganito pala si Lily kung umiyak, punong-puno na ng luha ang kanyang mga mata.


"Lily anak, hindi mo ba pwedeng puntahan ang ama ng pinagdadalang-tao mo?" natigilan siya dahil sa sinabi ni manang, sumisinok-sinok parin siya.


"Hindi po manang," umiiling niyang saad, "hindi niya po kikilalanin ang anak ko, alam kung hindi niya ito pananagutan." muli na namang bumalahaw ang iyak ni Lily.

Iyak lang siya ng iyak habang inaalo ni manang at pinapakalma.


"What happened?" napatigil ako sa paghinga ng mga five seconds lang naman dahil sa pagdating niya.


"What happened manang? Lily?"

Halos mag-iisang buwan na rin kaming walang maayos na pag-uusap ni Sir Astro at aaminin kong namimiss ko na talaga siya sa bawat sandaling nakikita ko siya ngunit hindi nakakausap, sumasakit ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit at mas lalong hindi ko gustong malaman.

"Sir Astro... Pinapatanggal na po ni Madam R si Lily. Buntis po kasi 'to."


"What?!--Lily, do he knows that your pregnant?" napantig ang tenga ko dahil sa tanong ni Sir, alam niya ba kung sino ang nakabuntis kay Lily?


Umiling lamang si Lily at saka umiyak na naman.

"Fuck. They're here Lily, I'm sorry."

Nag-iingay naman ang mga kaibigan ni Sir matapos niyang sabihin 'yon.

"Thumbs up!" sabay tawanan ng lahat. Nasa limang lalaki ang dumating kabilang na doon ang tanging lalaki na blanko ang mukha.



"S-sir huwag niyo pong sabihin, nagmamakaawa po ako."


"Yow, ba't umiiyak 'yan Astro boy?"


"Nagpapaiyak na ng katulong si Astro, sama mo bro!"


"I think he needs to know Lily. I'm sorry," hinging paumanhin ni Astro.

Humarap siya sa banda namin, blanko ang mga mata ng saakin na siya nakatingin, umiwas agad ako ng tingin at naglakad kasunod ni manang na patungo na kay Lily.

"You need to know that you got Lily pregnant, Greg."
Nag-slow-mo ang paligid at natigilan lahat pati na ako, humihikbi si Lily na nasa sahig parin at nakasalampak.


"And mom is firing her, I can't stop mom so please take care of her. She badly needs a job for her family. You impregnate her you should take good care of her and your baby."

Napalingon ang lahat ng kaibigan ni Sir Astro sa iisang lalaki na walang expression ang mukha.


"Greg pre, mauna na muna kami sa itaas." tinapik ng apat ang balikat ni Greg at ganoon rin kay Sir Astro.


Nagsipunta na sila sa kwarto ni Sir Astro, tinapik ko naman si manang Zuzi at binulungan na pumunta nalang muna kami sa kusina.

"Lily anak, sumama ka kay Greg." bilin ni manang, bago pa man ako makaalis hinawakan ni Sir Astro ang aking braso, hindi ako nakapalag kaya't naiwan ako ni manang.


"Meron akong iuutos sa'yo." napalunok ako dahil sa malamig niyang boses na nanunuot saaking kalamnan.

Rinig na rinig ko ang malakas na pintig ng puso ko. Naririnig mo kaya 'to Sir?























Dinala ako ni Sir Astro sa kwarto niya, naroon rin ang apat na kaibigan ni Sir na nag-uusap-usap.

"Woah! Ibang klase ka talaga Astro boy, gandang ganda talaga nitong kaibigan mo." napalingon ako sa flat screen TV na ngayon ay may naka-play na TV, 'yong babae na naman na kasama ni Sir Astro.

Hindi ko alam pero nanlamig ako at nanubig ang aking mga mata, pasimple kong hinila ang aking kamay na umagaw sa pansin ni Sir Astro, nakita ko kung paano lumambot ang expression ni Sir.


"Tang*na mo talagang gago ka. Idelete mo na 'yan Jaime."

Hindi ako nakapalag ng hilain ako palabas ni Sir at dalhin sa sarili kong kwarto.












"Agatha... Let me explain," binawi ko ang aking mga kamay at pinunasan ang aking mga luha.



"Hindi niyo PO kailangang mag-explain, amo ko po kayo, katulong niyo po ako, pwede na po kayong umalis kung gusto niyo." inilahad ko ang aking kamay patungo sa pinto.


Ngunit sobrang tanga akong tignan dahil sa mga tumutulong luha mula saaking mga mata.


Akmang magsasalita na sana si Sir Astro ng tumunog ang telepono niya.

Matapos ang ilang minuto lumapit ulit siya saakin.

"Babalik ako Agatha, this is a emergency I need to go there. Please, let's talk. I promise, babalik ako at mag-uusap tayo." napapikit ako dahil sa paghalik niya sa noo ko at pagpunas ng daliri niya sa mga luha sa pisngi ko.


"We'll talk later okay? Wait for me, darling. I promise, I will come back. Huwag kang lalabas ng kwarto mo, nandiyan sa kabila ang mga tukmol. Wait for me okay?" wala akong nagawa kundi ang tumango.

Namiss ko nga talaga siya. Nakakinis! Gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at halikan ng matagal. Ugh!











--A N O T H E R U P D A T E !
Hi :")

Giving Up My Virginity: To My Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon