"Ano ang ipinaalam mo kay madam?" nandito kami ngayon ni Astro ko sa mall, hindi 'to mall ng pamilya nila hindi naman kami ganoon ka tanga para mag-date sa isang lugar na alam naming mapapahamak kami.
"I just said I need you in my road trip." tumaas ang kilay ko dahil sa dahilang 'yon.
"Naniwala naman?"
"Uh-huh. Of course, darling. Mom won't suspect me."
"Let's go?" hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at sabay kaming naglakad patungo sa walang hanggang pag-ibig. Haha. Joke lang.
Una pumunta kami sa isang mamahaling Koren Restaurant. Matapos doon inaya niya akong mag-window shopping na gustong gusto ko naman.
Naalala ko tuloy si mama at Azi, nakakalungkot.
Habang hawak hawak ni Astro ang kamay ko tinitigan ko siya, busy siya sa pagtingin tingin sa mga latest perfume brands.
Habang nakatingin ako sa seryoso niyang mukha naalala ko si mama, hindi niya alam ang relasyon namin ni Astro, hindi niya rin alam na imbes pag-aaral ang inaatupag ko mas inuna ko pang makipagdate sa boyfriend ko.
Nagpunta lang naman ako sa pamilya Astro para makakuha ng scholarship, para makapagtapos ako, para matulungan ko si mama at Azi. Pero heto ako ngayon. Selfish na ba ako kapag inuna ko ang sarili kong kaligayahan?
"Hey Darling. Ano na naman 'yang iniisip mo?" umiling lamang ako at saka hinilig ang ulo sa braso niya.
"Do you want to eat? What else do you want? Gusto mo na bang umuwi? If yes, then we'll go to cinema so we can watch na. Tell me what do you want Darl."
"Hmm. Siguro mag-cine nalang tayo tapos uwi na tayo o siguro ako nalang muna. Alam mo na nag-aalala ako na baka nahahalata na ni Madam R at Don R ang relasyon natin. So I suggest, oh ha! English 'tonight Darling! Haha. So eto na nga, I suggest na umuwi na lang ako mag-isa, para maisip ni Madam na wala ka namang pakielam saakin."
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"You know how much I love you right? And you know how special you are to me.""Oo naman Darl, huwag kang mag-alala. Gagawin lang naman natin 'to para sa ating dalawa. Isa pa, naniniwala ako sayo. Mahal na mahal na mahal kita. I trust in you." hindi na yata napigilan ni Astro KO. Hinalikan niya ako sa loob ng mall na maraming tao, pero huwag kayo! Sa noo lang no.
"I hope you understand me." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Kahit ano pa 'yan Astro ko, iintindihin ko. Pangako mong ako lang."
"I promise my darling."
"Oh, Agatha. Where is your Sir Astro? Ba't hindi mo siya kasabay na umuwi?" salubong saakin ni Madam R, hinanap ko muna si Don R mabuti naman at hindi ko siya nakikita.
"Pinauna niya po ako madam. Nag-commute lang po ako papunta dito." tumango-tango siya.
"Where did you go?" bumilis ang tibok ng puso ko, eto na ba? May alam na ba si Madam?
"Uh... Kasi po--"
"He said to me that he needs you in his road trip, saan kayo nanggaling?"
"Sa mall po madam, kasi po namili po siya ng pagkain para daw po sa barkada niya." mula sa seryosong mukha ni madam, umaliwalas ito kaya nakahinga ako ng maayos.
"Agatha, did you saw Haley?" tanong saakin ni madam, nandito ako sa sala at nag pupunas ng mga alikabok.
"Hindi po madam, pero nakita ko po siya kanina, kanina pa po 'yon, kasama niya si Don, mukhang inuutusan ni Don."
"Okay. Did you see your Don?" umiling ako. Baka naman nandoon siya sa opisina niya, kapag nandito siya sa bahay nila naglalagi lang naman 'yon parati sa opisina niya. Sobrang busy ng daddy namin no darling ko hihi.
"Okay, please help manang Zuzi at the kitchen, manananghalian kami ng Don ninyo dito."
Nagmadali siyang umalis, ni hindi na nga ako nakasagot sakanya.
"Manang! "
"Haruy, Jusko! Ginugulat mo naman ako, Agatha."
Tumawa ako ng kaunti dahil sa reaksyon ni manang.
"Oh ano na naman, anong ginagawa mo dito?"
"Sabi kasi ni Madam tulungan daw kita dito, dito daw sila manananghalian."
Nagsimula na kaming magluto.
--
"Oh Haley, pakikuha nga ng mainit na tubig doon sa kusina, I want some hot coffee this afternoon, ang sarap sigurong ibuhos noon sa malalanding babae no?" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni madam, hindi ko rin maiwasang mangamba, baka may alam na talaga si madam saamin ni Astro at ako ang tinutikoy niyang malandi."Y-yes po madam."
Matapos kumuha ni Haley ng mainit na tubig, iaabot na sana niya kay madam ng matabig ito ni madam, nahulog ito at natapon ang iba sa kamay ni Haley.
"Ouch!"
Napasinghap at napahawak ako sa braso ni madam, bakit parang pinag-iinitan ni madam si Haley?
Napaigtad ako ng hampasin ni Don ang lamesa at matulis na tumingin kay madam.
"Let's talk in my office Roquita."
"We really must. You might want my out burst?"
"Shut up. Let's just talk!"
Hinila ni Don si Madam, hindi naman nakapalag si Madam at nagpahila nalamang. Habang nagulat naman ako at nataranta na si Manang ng marinig namin ang hikbi ni Haley.
"Naku, pagpasensiyahan mo na ang amo natin Haley, hindi naman nun sinasadya na matapunan ka."
"It's okay lang Manang."
"Tahan na," kumunot ang noo ko ng makita ang ekspresyon ni Haley, hindi naman siya nasasaktan eh, mas nakikita ko sa mukha niya na natatakot siya. Nanginginig ang kamay niya at panay ang sinok niya.
"Ang ginaw naman ng kamay mo, iha. O siya dadalhin kita sa kusina. Agatha, pwede mo bang linisin 'tong bubog?" naguguluhan man ay sumagot nalamang ako.
"ako na po ang bahala dito."
Dinala na ni Manang si Haley sa kusina, sinimulan ko naring ligpitin ang mga bubog.
Bakit kaya iba ang pakiramdam ko kay Haley, Madam at Don? Hay ewan, baka na-stress lang ako sa mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
Giving Up My Virginity: To My Boss(COMPLETED)
General FictionDoes focus on two. --Please po kung AYAW mong MABITIN at MAKULANGAN, HUWAG MO NALANG BASAHIN! Warning! R-18 GUMV series no. 2 This story is a sexy story. Please lang po, R-18 na nga diba? Malalandi po ang characters ng story ko so alam na. You ca...