"Agatha..." bumalik ako sa realidad ng tapikin ni madam R ang kamay ko.
"P-po?" gulat kong sambit
"Ang lalim ng iniisip mo. Kanina pa kita tinatawag, hindi ka naman nakikinig."
Bakas sa mukha ni madam ang pag-aalala.
"Sorry po madam, may iniisip lang po ako."
"It's okay. Anyway. Nakarating saakin ang balita na nandito na daw ang anak kong si Astro, he is my only child and it's been a week since I saw him."
Astro? Diba nabanggit 'yon noong mga manyak kagabi?
Manyak.
Naalala ko naman tuloy ulit.
Wala na ang first kiss ko. Walang wala na.
Ang tanga mo talaga Agatha! Kahit kailan ang malas malas mo!
"Hm, baka po. Hindi ko po kasi alam. Pero may nakausap po ako kagabi hindi ngalang po ako sigurado kung si sir Astro po ba 'yon."
Natigilan bigla si madam, kitang-kita ko ang paglingon ni madam saakin at ang marahang paglandas ng mga mata niya sa akin. Mula sa mukha ko papunta sa paa ko.
Nabigla naman ako. Mayamaya pa ay umiling lang siya.
"Anyway your just 18." aniya kahit hindi naman saakin nakatingin.
"You can go now Agatha," ngumiti lang ako at tumango "oh wait, here." tumigil ako at muling nilingon si madam. Inabot ko ang kayumanggi na sobre at nagpasalamat.
Pagkalabas ko sa opisina ni madam R ay binuksan ko kaagad ang sobre. Isang bagong-bago na isang libong piso, wala pang gusot kaya alam kong bagong withdraw pa lang 'yon ni madam.
"Agatha." natuod na naman ako ng marinig ko ang pangalan kong binanggit ng boses na 'yon.
Kahit kagabi palang kami nagkita at nakapag-usap alam na alam ko kung kanino ito.
Ang nagnakaw sa first kiss ko.
Inangat ko ang tingin ko kaya't nagsalubong ang mga mata namin. Gayon din ang pagsalubong ng katawan namin.
Kumindat siya na ikinabigla ko.
"I'll see you again, sweetheart, your lips taste great." saad nito bago ako tuluyang malampasan.
Halos manghina ako dahil sa sinabi niya. Sino ba talaga siya?
O baka naman siya si sir Astro na anak ni madam R?
"Agatha. The driver is waiting for you outside, please walk a little faster."
Shit. Nakalimutan kong may klase pa nga pala ako.
Pagtapak ko sa lupang kinatitirikan ng bahay ng mga Roque, tila nanginig ang aking mga paa.
Biglang bumalik sa aking isipan ang ginawa ng lalaking sa tingin ko ay si sir Astro.
"Salamat po manong." tumango lang si manong Alfredo, siya ang familu driver nila madam R, nakakahiya nga at pinasundo pa talaga ako ni madam sa kanya.
Matapos kong magbihis ay dumeretso na ako sa baba, tutulungan ko muna sina Lily.
"Son, she's our scholar."
BINABASA MO ANG
Giving Up My Virginity: To My Boss(COMPLETED)
Fiksi UmumDoes focus on two. --Please po kung AYAW mong MABITIN at MAKULANGAN, HUWAG MO NALANG BASAHIN! Warning! R-18 GUMV series no. 2 This story is a sexy story. Please lang po, R-18 na nga diba? Malalandi po ang characters ng story ko so alam na. You ca...