Chapter 19

22.5K 353 24
                                    

"Mama sorry." hindi ko napigilan pa ang mga luhang tuluyan ng tumulo saaking mga mata. Sobrang nahihiya ako dahil sa nangyari saakin. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasamang anak.

Pero kahit ganito ang nangyari saakin nararamdaman ko parin ang pagmamahal ni mama. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos ang mga buhok ko.

"Kahit ano pa 'yan anak, tatanggapin ko."  mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabing 'yon ni mama. Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng ginawa ko tanggap parin ako ni mama.

~•~

Mahigit dalawang oras na si mama na nakabantay saakin. Nakatulog na nga siya sa pagbabantay saakin. Mabuti nalang at sa isang private room ako inilagay ni madam R.

Tinanong ko ni mama kung sino ang ama ng kambal ko. Hindi ko siya masagot kasi nahihiya ako. Hindi ko masabi na isang Roque ang ama ng dinadala ko. Hindi naman nagpumilit pa si mama, nirespeto niya ang gusto ko at nagfocus nalang sa pag-aalaga saakin.

Sa ika-limang araw ng pamamalagi ko dito sa hospital, makakalabas na ako sa wakas.

Lumabas muna si mama para bumili ng pananghalian namin. Maya maya pa biglang may kumatok. Sinagot ko na lamang ng 'pasok'.

"Agatha..." nanlamig ako dahil sa malamig na boses na sumalubong saakin.

"M-madam R..." pagbati ko sakanya, hindi ko inaasahan ang biglaang pagdating niya at ngayon pa na paalis na ako.

"I heard na uuwi ka na sa mama mo, sa lugar ninyo." napayuko ako dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko na kasi ipagpapatuloy ang pag-aaral, iyon din naman ang gusto ni mama.

"Opo," hindi ko alam kung alam ba ni madam na buntis ako, hindi ko rin alam kung ano ang plano niya, naalala ko tuloy si Lily. Pinalayas siya ni madam noong malaman niyang buntis ito.

Nabigla ako ng ilagay ni madam ang isang brown na sobre sa kama ko.

"Take that money to start your new life. I am giving you the choice, you'll take the money at hindi ka na magpapakita pa saamin. Ako na bahala sa bills mo dito sa hospital, magpakalayo-layo ka lang. Huwag na huwag ka nang magpapakita saakin, saamin. Lalong lalo na kay Astro." nabahala ako dahil saaking narinig. Alam ba ni madam ang namagitan saamin ni Astro?

"I will make your life miserable if you'll disobey me. Kilala mo ako Agatha, mabait akong tao pero masama akong magalit."

"My family will never accept that child on your womb. Kaya kung ako pa sa'yo kunin mo ang pera upang makapagsimula na." nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang sobre, gustong-gusto kong ipamukha sakanya na hindi ako isang babe na mababayaran lang.

Sobrang masakit saakin na marinig 'yon mula sakanya. Kadugo niya ang mga anak ko. Paano niya nasasabi 'to sa harapan nila?

"Before anything else, here's the check, calculated na iyan panggastos mo kapag nanganak ka. Wala ka ng habol saamin ha. Pinagaan na namin ang problema mo if  titipirin at gagastahin mo lang sa importanteng bagay ang pera na 'yan siguradong malaki pa ang sobra niyan. I think nagkalinawan na tayo. I shall go and you too."

Naiwan akong tahimik at nakayuko. Gustong-gusto kong tanggihan ang pera niya gusto kong isampal sakanya pero kailangan 'to ng babies ko, hindi ako mayaman kagaya nila, hindi ko basta-bastang mabubuhay ang mga bata. Kailangan ko ang pera nila. Masakit man sa ego ko kakayanin ko, para rin naman 'to sa mga anak ko. Lulunukin ko nalang muna ang pride ko. Pero pinapangako ko, hinding-hindi ko ipapakilala sakanya o sakanila ang mga anak ko. Hinding-hindi sila magkakatagpo.









"ANAK, oh bakit ka umiiyak, at saka ano 'yan?" umiiyak na humarap ako kay mama.

"Ma, tinaggap ko ang pera nila. Naisip ko na kailangan 'to ng mga baby ko." niyakap ako ni mama at pinatahan.

"Huwag kang mag-alala anak, makakaahon ka rin," at hinalikan niya ang noo ko.


~•~

Iiwan ko na ang lugar kong saan kayo nabuo, mga anak.

Naluluha man pero nakayanan kong huwag ng umiyak. Hindi na nagpakita pa si Madam R at Don R saakin. Si manang Zuzi nalang at nagpaalam saakin.

"Huwag kang mag-alala anak babalitaan kita kapag nakauwi na si Astro." ngumiti pa si manang matapos sabihin ito. Umiling ako at hinawakan ang braso ni manang.

"Huwag na po, hindi ko po siya mapipilit kung ayaw niya. At isa pa po, nakapagdesisyon na ako, mali man po ito pero gusto ko po talagang huwag ipakilala ang mga bata sa pamilya Roque. Sobrang nasaktan po ako." hindi rin naman nila gustong. Makilala ang mga anak ko. Sa pananalita pa lang ni Madam. Sobrang alam ko na na ayaw niya saamin. Sige, sa Janice nalang na 'yon siya.

"Nirerespeto ko ang disesyun mo anak."

"Salamat manang, mamimiss ko po kayo." hinalikan at niyakap ko si manang, aalis na kami. Aalis na ako sa lugar kung saan pansamantala akong nagmahal.

Pero isa lang ang sisiguraduhin ko. Nalugkmok man ako dito, aahon ako kasama ang mga anak ko sa bagong lugar na pupuntahan namin.

Maghuhukay ako sa puso't isipan ko ng napakalalim at ibabaon ko si Astro at ang mga alaala namin.


"Anak, hali ka na." napalingon ako kay mama, oo nagkamali ako pero alam kong napatawad na ako ni mama. Napakaswerte ko sakanya.

~•~

Sinubukan kong kalimutan ka pero nahihirapan ako. Dahil sa tuwing pagpakit ng mga mata ko, nakikita ko ang mukha mo.

Halos ilang araw pa lang ako dito. Sobrang bait at maalaga ni mama at Azi saakin. Nakilala ko narin ang girlfriend ni Azi na anak pala ng amo ni mama. Mabait naman ito, sexy, maganda. Masaya ako para sakanila. Sobrang nagpapasalamat din ako kasi kahit may mali akong nagawa tinaggap nila ako.

Sa ngayon nahihiya pa akong lumabas, medyo malaki at kapansin-pansin na kasi ang tiyan ko. Kambal pa naman ang babies ko. Masaya naman ako kahit may kulang. Hindi na ako magsisinungaling na napagaan ng pera ni madam o ng papa nila ang buhay ko. Nakakabili ako ng mga vitamins at gatas na kailangan ko talaga.

Wala pa akong trabaho ngayon, pero naisip kong magtinda ng mga pangmeryenda kagaya ng kakanin, bananaque at saka barbeque.

Iniwan man ako ni Astro palalakihin ko ang mga anak namin ng mabuti. Hindi ko tinatanggal ang karapatan sakanya, pero sisiguraduhin kong hinding-hindi sila magtatagpo. Bahala ng ang tadhana ang humusga.













--
This is to inform you guys that next part will be a short one and the last part. But don't worry may karugtong pa 'to I decided kasi na ipaghiwalay nalang siya kasi I want new environment. Thank you so much avid readers. Mahal na mahal ko kayo. I am so thankful.
Also, I am so sorry kasi matagal akong mag-update. Anyways, sana sa next part magkaroon kayo ng clue about Astro's point of view. I want to hear your 'baka'

about Astro's reason.

Giving Up My Virginity: To My Boss(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon