Weird

560 15 3
                                    

Loisa's POV

"Hi bebe gurl! Musta date niyo ni Ronnie? " tanong ni Kuya.

Huh?? Date??

"Kuya.. D naman date yun.. Atsyaka.. Akala ko ba bawal pang magboyfriend? Labo mo rin eh no? " sabi ko.

"Ito naman si bebe gurl.. Galit ka nanyan??Eh kung si Ronnie lang naman ang magiging bf mo, eh ok na yun sa akin kasi alam kong hindi ka sasaktan nun. " sabi niya at ngumiti ng nakamaloko..

Ang weird niya naman..

"Naku kuya... Tigilan mo ako dyan.. Hindi naman ako mahal nun no! " sagot ko.. Malabo naman ata yun diba??

"Ahh.. So kung mahal ka niya, pwede?? Ikaw bebegurl ah! " masayang sabi ni Kuya..

"Oo, ay este hindi.. Kuya naman eh!!!tskk.. Alis kana nga dito sa kwarto ko! Alis! " sabi ko..

Ngumiti siya at umalis..

Anu ba to!!!

Ting!
Tumunog ang phone ko at kinuha ko ito..

Ay nagtext si Jameson..

From:Jameson
Hello!! Musta lakad mo?? I miss you already! Btw, sinu pala kasama mo kanina?

Ayun yung text niya..

Nagreply naman ako.

To:Jameson
Hi! Ok lang naman.. Haha.. Corny mo! Si Ronnie..

Humiga ako sa kama..

"Bes!!!!" ang ingay sinu bayun?? Pagkamulat ko.. Si Maris pala..

Di ko namalayan nakatulog pala ako..

"Kung makasigaw ka naman parang may sunog eh no?? " sabi ko.

"Haha..sorry na! Kamusta ang lakad niyo kahapon?? " sabi niya.

"Sinu? Ni Ronnie? " sabi ko.

"Hindi bes! Natin!!.. Siyempre naman bes sinu ba kasama mo kahapon?? Diba siya??!! Malamang siya!! " sigaw niya..

"Lam mo!  Ang ingay mo! Atat mo masyado eh! " sabi ko..

"Anu na kasi?? " sabi niya..

"Ok lang naman.. " sagot ko.

"Anung sinabi niya?? " sabi niya.

"Wla.. Nagtanung lang siya kung manligaw daw siya sa akin, papayag ba ako? Ang sabi ko naman.. Malabo naman mangyare yun at kung mangyare mn, bat naman ako hindi papayag? " sagot ko..

"Kyaahhhh!!! " sigaw niya.

"Bes!!! Anuba!!! "suway ko.. Ang ingay talaga to kahit kaylan..

"Ihhh.. Kinikilig ako!! " sabi niya..

"Oh?? Akala ko dapat study  first?? Dba may rule tayo na 7b's?? Books before boys because boys brings babies! Ikaw panga nagsabi nun eh! " sagot ko..

"Ihh.. Kung si Ronnie naman ang magiging bf mo, ok nayun!! " sabi niya..

Ang weird nila ah??

"Tskk. Ewan ko sayo!! " sagot ko..

"So? Anu na?? Pabayaan mo na kasi ang gatas nayun!! Nakita ko sila kahapon nung ex niya ba yun?? Sa Felice Restaurant.. Ang sweet nila.. Para ngang magjowa ih.. Ito ebidensya oh! " sabi niya.. Huh??

Pinakita niya ang pic sa phone niya sa akin..

Magkasama sila ni Ria? Oo.. Si Ria ang ex niya dati.. Kilala namin siya kasi noon, sinasama niya yan sa mga lakd nila ni kuya kaya minsan if nasa bahay sila, nakikita namin siya..

Ang bait nun... At d namin alam kung bakit sila nag break..

"Sabi niya may fam lunch sila?" tanong ko.

"naku!! Liar pala ang gatas nayun eh!! Iwan mo na yan!! " sabi niya..

Siguro.. Tama siya... Pero bat ganun?? Bat parang hindi ako nasasaktan?? Bat parang ok lang na may kasama siyang iba?? Wla ba akong feelings sa kanya??

~~~
Hi guys!! Sorry for late update.. Busy kasi sa school.. Heheh.. Sana patuloy lang po kayung magsuporta!! Ilove you guys.. Thanks!!!

My Secret Admirer(Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon