CHAPTER 8
Fire's POV
Habang naglilibot ako sa mansyon ay natanaw ko ang kulay ginto at napakalaking gate...
Nakita kong dumating ang sasakyan ni sungit dahil ang nakalagay lang naman sa plate no. nya ay OBEY seriously?.! kailangan talagang sundin lahat ng gusto nya?!.tss..
Napansin ko na may sasakyang sumusunod sa kanya nagulat ako dahil may lumabas na babae mula sa sasakyang kadarating lang....
Napakaganda niya kahit tinatanaw ko lamang siya sa malayo..hays..kainggit naman...Nakita ko rin ang pagbaba ni PRINCE TRAVIS..
Oo kilala ko na sya dahil tinanong ko sa ilang mga kasambahay ng mansyon kung ano ang pangalan ni sungit at sya rin pala ang tinutukoy ni manang na senyorito...
Napangiti ako sa pag iisip dahil bagay daw kami ni sungit ...hala bakit naman ako matutuwa hindi kaya kami bagay eew...!
Pero nang muli ko silang tingnan ay nanlaki ang mata ko dahil magkayakap sila at saktong-sakto pa ay bigla na lamang hinalikan ng babaeng iyon si Sungit...
Hindi ko alam pero parang sa maikling panahon ko pa lamang na nakilala si sungit ay napakabigat ng nararamdaman ko....Kayat agad naman akong umiwas ng tingin sa banda nila...
Pero naramdaman ko na lamang na nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang tumulo..Oo aminado ako na wala akong karapatang masaktan dahil sa simpleng halik nayon pero nasasaktan parin ako...
Habang papalayo ako sa gawi nila ay tuluyan nang nagbagsakan ang mga luha ko sa mata...Unti-unti akong nakaramdam ng hilo at pakiramdam ko ay matutumba na ako dahil hindi ko na makita ang aking daraanan...
Hindi ko maipaliwanag na dahil sa simpleng bagay nayun nasasaktan ako sa hindi malamang dahilan...
Mahal ko na yata si halimaw,si sungit,si kuya ang step-brother ko..
Jusko kasalanan ito!..
At unti-unti na akong nawalan ng malay...
Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
IM INLOVE WITH MY STEPBROTHER
RomanceTHIS STORY IS JUST BASED ON MY IMAGINATION PLEASE SUPPORT ME GUYS!THANK YOU!I LOVE YOU ALL...MUAHH!♡