Chapter 6

18.3K 818 47
                                    




Jade's 

Nasa gilid lang ako nakatayo at nakasandal sa pader habang pinagmamasdan ko ang mga kasamahan kong nakikipagkwentuhan kay Paris tungkol doon sa tattoo nya sa likuran. Tumingin ako kay kaliwa na tumabi sakin at inabutan ako ng beer in can. Kinuha ko naman 'yon at binuksan.

"Fuck!" sabi ni Fin. Inimon ko ang beer habang nakatingin sa kanila.

"May mga ganon klaseng tao pa rin talaga. Makagawa lang ng masama para lang mapunta sa kanila ang minamahal nila." sabi ni Veron.

May dating kasintahan si Paris pero bago naging sila ng babaeng mahal nya, may isang lalaking patay na patay sa babae na naging nobyo ng babae. Dahil hindi tanggap ng lalaki na break na sila at ipinagpalit sa isang babae, which is si Paris ay nagawa nitong saktan si Paris. Pinaghahampas ng lalaki si Paris sa likod dahilan para magpatattoo si Paris para hindi makita ang bakas ng peklat na gawa ng lalaki sa kanya.

"Anong nangyari sa babae?" tanong ni Gia.

"I don't know. Bigla na lang syang naglaho." sagot ni Paris. Naging close na talaga nila Gia itong si Paris. Si kaliwa na lang hindi pa at pati ako.

"Parang yung isa diyan." sabi ni Fin.

"Wow ah? sino kaya rin yung iniwanan din bigla?" komento ni kaliwa na ikatawa nila Gia. Napailing ako nang makitang napasimangot si Fin. Inumpisahan nya eh.

"Are you single o not?" tanong ni Gia.

"Single." napatingin ako kay kaliwa na sikuhin nya ako. Nagtatakang tinignan ko sya.

"Single pa raw." bulong nya sa tainga ko.

"What the heck?" mariin na bulong ko sa kanya. Nakangisi lang syang umayos ng tayo.

Nawe-weirduhan na talaga ako sa taong ito.

"Sino?" tumingin ulit ako sa kanila.

"Dali na Paris, sino?" nakangiting tanong ni Nissan.

"You don't know her so it's doesn't matter." sabi ni Paris. Ano bang tinanong nila? si kaliwa kasi eh.

"Malay mo kilala namin." sabi ni Veron. Nailing si Paris pero hindi nagpapigil ang apat.

"Dali na Paris, kanino ka interesado?" tanong ulit ni Nissan. Ayun ang tanong nila? 

"Fine, her name is Kris."

Bigla kaming napabugha ni kaliwa ng beer ng iniinom namin. Sumakit pa ang ilong ko dahil umabot pa sa ilong. Maluha luha ako sa nangyari.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Gia pero walang sumagot samin ni kaliwa.

Ang sakit putcha!

"Kris ano?" tanong ni Fin na para bang walang paki samin ni kaliwa.

"Kris Alfonzo."

"What?!" sigaw nila pwera samin ni Nissan.

Hindi ako makapaniwala na interesado si Paris kay Kris.

Nakakunot ang noo ni Paris habang nakatingin sa mga kaibigan ko.

"Paano mo sya nakilala?" tanong ni Fin.

"New student sya sa school namin. Why? Do you know her?"

Sa pagkakatanda ko, nag-shift si Kris ng Business Ad. Kahit na may course non sa school namin, lumipat pa rin sya ng school. Hindi ko alam na sa school ni Mama sya lumipat.

"Oo, karibal ni kaliwa 'yon kay Nissan eh tsaka dati namin syang kaklase." sabi ni Fin. Napatingin sa gawi namin si Paris.

"Oh..." sabi na lang ni Paris at bumalik ang tingin sa apat.

Mi Amore Series#2: My Hot PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon