Chapter 29

19.1K 914 322
                                    




Jade's POV

"Jade, hindi ka pa kumakain?" lumingon ako sa humawak sa balikat ko. Si Ate Mau.

"Hindi pa ako gutom kanina pero ngayon gutom na." nakangiting sagot ko. Tumingin ako sa oras, ala una na.

Tumayo na ako at kinuha ang wallet ko. Nagpaalam ako kay Ate Mau na kakain na muna. Lumabas na ako ng office habang nag-iisip kung ano kakainin dahil ayun na naman ang malaking problema ko. Gusto kong kumain ng masarap.

Napatigil ako sa paglalakad nung may humawak sa braso ko. Lumingon ako sa likuran at nakita ang ayoko pa sanang makita. Inalis ko ang earphone ko sa tainga nung makitang nagsasalita sya.

"Sorry, Trixie." paumanhin ko.

"It's okay. Lunch?" nakangiting tanong nya. "Sumabay ka na samin ni Paris." sabay lingon nya kay Paris na nasa likuran nya. Tumingin ako kay Paris pero mabilis ko rin inalis.

"Ah yeah pero may kasabay na ako." napakamot ako ng ulo.

"Sino naman?" nakangiti pa rin na tanong nya pero halatang curious sya.

"Me." may pumulupot sa bewan ko na ikinagitlang ko. Nilingon ko ang salarin at napakunot ang noo ko dahil si Chelsea ang taong 'yon.

"Ikaw?" mabilis akong lumingon kay Trixie dahil may nahimigan ako sa boses nya.

"Uh-huh. Right, Jade?" nilingon naman ako ni Chelsea.

Hindi ko alam kung ano trip nya pero para makaiwas sa dalawang 'to. "Yeah." nakangiting sagot ko habang nakatingin kay Trixie. Ayokong tignan yung isa.

"Mukhang napapadalas ang labas ninyo ah. Saan naman kayo kakain? Actually, kakain rin kami ni Paris, bakit hindi na lang kayo sumabay?" sabi ni Trixie. Nakangiti sya pero parang napipilitan na lang sya.

"No but thanks for invite. Sa condo ko kami kakain." gusto ko sanang mag-react pero baka mahalata nilang gumagawa lang kami ng excuse.

"Kayong dalawa lang?" ayoko sanang tumingin kay Paris pero nakakagulat na magsalita sya.

"Yes, kaming dalawa lang." ulit ni Chelsea na may diin sa salitang 'kaming dalawa lang'. "Mauuna na kami. See you guys later, eat well." hinila ako ni Chelsea palabas ng building.

"What was that?" tanong ko sa kanya. Inalis nya rin ang pagkahawak nya sa bewang ko kaya hindi nila makikita na ako mismo nag-alis non.

"Sorry pero alam ko naman na gusto mong maalis sa sitwasyon na 'yon." nakangiting sabi nya.

"Right, thanks dahil dumating ka pero ano pa lang ang ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Aayain ko sana si Paris kumain kasama sila Cess pero may iba na pala 'tong lakad." sabi nya at nahimigan ko ang mapaklang boses nya sa huli.

"Alam mo, kaonti na lang ay iisipin ko na may gusto ka kay Trixie." sa inaasta nya kasi para syang nagseselos.

"Meron talaga." napalingon ako sa kanya sa gulat.

"Wow ah, straight forward." nailing ako dahil wala man lang intro intro ang isang 'to. "So kaya ka nagseselos?"

"Bakit ikaw? hindi ka ba nagseselos?" balik na tanong nya. Patungo kami ngayon sa parking lot.

"At bakit naman ako magseselos, aber?"

"Well, nung Tuesday lang naman ay hindi mo naubos ang pagkain mo na which is hindi mo naman ginagawa." sabi nya sabay sandal sa sasakyan nyang nakaparada. "Nawalan ka ng gana nung nag-kiss yung dalawa." nakangising sabi nya.

Mi Amore Series#2: My Hot PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon