Chapter 24

16.1K 754 158
                                    




Jade's POV

"Ang boring talaga." sabi ko habang nakatayo sa gilid. Iniwanan ko si Paris dahil puro business yung pinag-uusapan nila. Wala akong naiintindihan. Hindi ko pa nakikita sila Fin kaya wala rin akong kausap. Nakita ko sila Tito Cyrus pero si Kuya Kasaysayan lang ang kasama nila. Ayaw nila kaliwa ang ganitong klaseng party kaya hindi ko 'yon inaasahan na pupunta rito.

"Jade."

"Sawakas!" sabi ko nung makita si Nissan. "Teka, kung nandito ka, dapat nandito rin si kaliwa." nilingon ko ang paligid baka matanaw ko si kaliwa.

"Wala sya rito. Kahit kasama ako nila Tito, hindi sya sasama. May allergy raw sya sa ganito." nakangiting sagot ni Nissan.

"Loko 'yon, iniwanan ka talaga mag-isa rito." sabi ko. "Mabuti pinayagan kang pumunta rito."

"Ayaw nya pero kailangan kong pumunta rito dahil ka-business partner ko si Mr. Carver. Ayokong masira sa kanya." sagot nito at uminom ng wine. "Pero mahigpit ang bilin nya kay Kuya History na syang ka-date ko rito."

"Ano pa nga ba aasahan ko kay kaliwa." natatawang sabi ko.

"Ikaw? bakit mag-isa ka lang rito?" tanong nya. Kinuha ko na ang wine glass sa kanya dahil baka masobrahan sya.

"Sabi ni Papa na kailangan kasama kami ni Kuya kaya ako ang ka-date ni Paris." sagot ko. Nung may dumaan na waiter ay ibinigay ko sa kanya ang wine glass.

"Ni Paris? Bakit hindi mo sya kasama?"

"Ayoko ng pinag-uusapan nila." sabi ko. Natawa sya ng mahina. Kung lalaki lang ako, mahuhulog rin ako sa ka-cute tumawa ni Nissan. Swerte talaga ng lokong 'yon kay Nissan.

"Parehas kayo ni Left pero ikaw kaya mo pang dumalo." sabi nya.

"Lahat naman kami. Si kaliwa lang talaga yung sobrang hate na hate ang ganitong party. Speaking of, nakita mo ba sila Fin?" tanong ko.

"Nakita ko ang mga magulang nila pero wala sila."

"Nice, mukhang ako lang dumalo." bakit ba hindi ako nagtanong kung pupunta sila sa party na 'to?

Napansin namin ni Nissan na palapit samin si Paris. Mukhang tapos na itong makipag-usap sa ibang businessman at woman. Nag-beso yung dalawa nung makalapit si Paris.

"Iniiwanan mo ang ka-date mo." sermon ni Nissan. Napaiwas naman ako ng tingin kay Paris dahil nilingon nya ako. Ako yung nang-iwan sa taong 'to.

"Anyway, about sa..." oh my god, pati ba naman yung dalawang 'to business ang pag-uusapan? hindi ba sila nagsasawang pag-usapan 'yon?

Dahan-dahan akong lumayo sa kanila. Nabuburyo ako sa pinag-uusapan nila. Nagtungo ako sa mga pagkain. Kahit kumain naman ako bago umalis ay nagugutom ako dahil sa mga naririnig ko. Sa susunod nga kapag wala yung apat, hindi na ako sasama. Ang boring kapag wala akong kasama kahit isa sa kanila.

"Finally!" napatingin ako sa gilid ko nung may nagsalita. "May kaedaran ko rin ang nandito." sabi nya. Mukhang kaedaran ko nga sya.

"Bakit, puro matatanda ba ang nakikita mo." nakangiting pagsasakay ko. Gwapo eh.

"Halos." bulong nito kaya natawa kami.

"Pero may nakikita ako na kaedaran rin natin." sabi ko.

"Siguradong business rin ang pinunta nila rito." nagulat ako na umirap ito. May nase-sense akong iba sa lalaking 'to.

"Bakit? napilitan ka rin bang pumunta rito?" curious na tanong ko. Mukhang hindi na magiging boring ang gabi ko ah.

"Of course." napangiti ako dahil umarko ang isang kilay nya. Tama ang hula ko sa lalaking 'to. Aww sayang, gwapo sana.  "Anyway, I'm Kurt."

Mi Amore Series#2: My Hot PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon