Chapter 33

22.6K 865 138
                                    




Jade's POV

Pagkatapos ng shift ko ay pumunta ako kanila Fin para bisitahin si Michael doon. Lagi ko naman kinakamusta ito pero ilang araw ko na rin hindi sya na pupuntahan kaya titignan ko ito bago pa umuwi ang mga magulang namin bukas. Nagpaalam na muna ako kay Paris bago ako umalis. Sigurado kasing late na ako makakasundo sa kanya dahil kanila Tita. Mag-iinuman kami mamaya kaya babalik pa ako sa kanya. Pinahiram din ako ni Paris ng sasakyan dahil medyo malayo ang bahay nila Fin. Since malapit lang ang condo nya ay lalakarin na lang nya ito. Ayoko sanang pumayag dahil baka may mangyaring masama sa kanya pero sumingit si Carla na ihahatid nya si Paris para hindi ako mag-alala. Pinagkatiwala ko na lang si Carla sa kanya at ginamit ang sasakyan nya.

Papasok na ako ng subdivision kung saan nakatira sila Fin nung makita ko ang apat na naglalakad na mukhang kakauwi lang. Bumisa na ako sa kanila at tumigil sa gilid nila.

"Hop in. Malayo pa lalakarin ninyo." sabi ko.

"Kaninong sasakyan 'yan?" tanong ni Michael at tatlo silang pumasok sa backseat. Kung wala si Jellal ay siguradong ginawa nila akong driver.

"Kay Paris 'to. Bakit ngayon lang kayo umuwi?" tanong ko sa kanila. Saglit akong lumingon kay Jellal tapos sa rear mirror para sa tatlong lalaking nasa likuran.

"Kumain pa kami sa labas." sagot ni Fynch. "May tira kaming burger, gusto mo?" inabot nya sakin ang burger. Tinanggap ko 'yon at iniligay sa hita ko.

"Mag-oovernight ba kayo?" tanong ko pa. Nakakasura rin ang mga 'to. Pinakakawawa sa kanila si Fynch dahil tatlong kaibigan nya puro matitipid magsalita.

"Madalas tuwing Friday ay nag-oovernight kami." sagot ni Jellal.

"Oh? hindi ko napapansin na wala si Michael sa bahay." sabi ko sabay tingin kay Michael saglit.

"Lagi ka naman late umuuwi." sagot naman ng kapatid ko.

"Sabi ko nga." totoo naman, madalas diretso na agad ako ng bar.

Nakarating kami sa bahay nila Fin. Naunang bumaba yung apat na pinagbuksan ako ng gate. Mabuti na lang talaga mabait si Fynch kahit na minsan ay loko-loko at hinintay nyang makapasok ang gate bago nya isara. Yung tatlo kasi naunang pumasok sa loob.

"Si Fin po, Tita?" tanong ko kay Tita Fiona nung pumasok ako sa loob.

"Hindi pa umuuwi. Mamaya pa 'yon dahil susunduin pa si Rose." sagot naman nito. Hawak-hawak nito ang tiyan nya. Malapit na rin kasi ito manganak.

"Legend, pakuha ng juice ah!" sigaw ni Fynch. Nag-aayos na silang tatlo sa sala ng PS4 habang si Alamat ay tumungo sa kusina.

"Ako rin!" habol ko. Nagtungo ako sa tabi ni Jellal. "Hindi ka ba nalulungkot na puro lalaki kasama mo?" tanong ko. Alam ko wala syang ibang kaibigan bukod sa tatlo at kay Victor na minsan sumasama sa kanila. Mas matanda ng dalawang taon ang apat kay Victor at walang kasamang kaedaran si Victor sa pamilya namin kaya sumasama sya kanila Michael.

"Mas okay pa silang kasama kaysa sa mga gusto lang mapalapit sakin dahil sa tatlong 'yan." sabi nya. "Lalaki nga pero alam ko naman na hindi nila ako papabayaan."

"True." sabi ko. "Bakit pala hindi ninyo kasama si Victor?"

"May family dinner daw sila kaya hindi sya makakasama." sagot nya.

Wait, kung may family dinner sila paano kami mag-iinuman nito kung wala si Veron? Agad kong tinanong si Veron sa group chat namin. Hindi lang ako yung nabahala pati si Fin na hindi pwedeng hindi kami iinom ngayon. Hindi naman sya stress sa trabaho pero gusto nitong mag-unwind sa dami ng ginagawa nya. Maging CEO ka ba naman.

Mi Amore Series#2: My Hot PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon