Chapter 19

17K 737 54
                                    




Jade's POV

"Ang sakit ng balikat ko." reklamo ko habang iniikot-ikot ang kanang balikat ko. 

"Ano bang ginawa mo at sumakit 'yan?" tanong ni Gia at pumunta sa likuran ko para masahiin ang balikat ko.

"Ahh~ thanks Gia. Hmm...naglaro kasi ako ng baseball kahapon." sabi ko.

"Wait, naglaro ka ng baseball?" gulat na tanong nya. Kaming dalawa pa lang ang nasa bar ni Veron ngayon habang nasa loob ng office nya si Veron at papunta pa lang sila kaliwa.

"Hmm..pinaglaro ako ni Mama kahapon." sagot ko.

"Wait, wala na ang trauma mo?" tanong nya at pumunta pa sa harapan ko.

"Yeah...pilitin ka ba naman ng Mama mo, pero hindi naman sapilitan talaga. Parang bang sinasabi nya lang na kailangan ko ng harapin ang takot ko. Nahirapan naman ako kahapon pero pinatatagan ko ang sarili ko hanggang sa bumalik yung saya na nararamdaman ko habang naglalaro ako." nakangiting sabi ko.

"Yung saya na hindi halata sa mukha." nakangiting sabi nya at bumalik uli sa likuran ko. "Mabuti naman at okay ka na. I'm so proud of you, sigurado pati sila kaliwa."

"Anong ikaka-proud namin sa panget na 'yan?" sya naman dating nila kaliwa kasama na rin nila si Veron.

"Lah, panget rin kayo." sabi ko.

"Naglaro na ulit si Jade ng baseball." pagbabalita ni Gia.

"Talaga?!" gulat pero masayang sabi nilang tatlo. Ikinukwento ko sa kanila ang nangyari kahapon kahit yung laro.

"Lakas, pinanis ang mga matagal na naglalaro." sabi ni Fin.

"Nakabawi ka na rin sa kanila lalo na kay Cess sa pagtri-trip nya sayo." sabi ni kaliwa na umiinom na. Hindi pa bukas ang bar ni Veron at nag-aayos pa lang sila. Nauna lang talaga kami.

"Kung hindi lang ako seryoso sa paglalaro kahapon, pinagtatawanan ko na 'yon sa mga sinasabi nya sakin." nakangiting sabi ko. Aware pa naman ako sa mga nangyayari sa paligid ko pero hindi ko lang ito pinapansin dahil baka masira ang concentration ko.

"Sana napanood namin, gustong gusto ko pa naman makita yung mga pag-steal mo ng base. Sarap panoorin yung pitcher kapag ganon eh." sabi ni Veron.

Nagkwentuhan kami ng mga puro kalokohan hanggang sa dumami na ang tao sa bar. May time na umaalis si Veron para puntahan ang mga ilan na sikat na tao na pumunta sa bar nya. Tuwang-tuwa syang bumabalik samin na nagugustuhan ng mga taong iyon ang bar nya.

Proud na proud kami sa kanya. Sa aming lima, sya ang mas umaangat na sya lang kumikilos para sa sarili nya. Sa tingin ko nga ay magfo-focus na lang sya sa bar nya at hindi na humanap ng iba pang trabaho.

"Veron, balak mo bang magtayo ng ibang branch?" tanong ko.

"Pinag-iisipan ko na 'yan, actually. Katulad ng nakikita ninyo, marami ng pumupuntang sikat na tao rito at mas lalo pang dumarami dahil sa kanila. Balak ko nga rin mas palawakin ang bar." sagot ni Veron.

"Magtayo ka muna ng isa pang branch. Malulungkot sila kapag nagsarado ka para ipa-renovate ito." sabi ni Gia.

"Lalo na dumarami ang mga nagsisipuntahang sikat na tao. Ayun nga oh, may artista akong nakita." sabay turo ni Fin sa isang direction. Tumingin naman kaming lahat sa tinuro nya.

"Hayop ka, Veron. Hindi lang isang artista ang nandito, lima." sabi ni kaliwa.

"Ma'am." tumingin kami sa tauhan ni Veron na lumapit samin. "Gusto po raw kayo makilala nila Miss Salvatore." nagugulat at natutuwa naman kami para kay Veron. Sila Miss Salvatore na sinasabi nya ay ang artista na tinitignan namin.

Mi Amore Series#2: My Hot PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon