Chapter 15

15.7K 697 58
                                    




Jade's POV

Malapit na mag-alas cuatro ng hapon at hinihintay ko na lang na dumating si Chelsea. Nag-text sya sakin kani-kanina lang na malapit na sya kaya any minute lang ay nandito na 'yon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Chelsea para yayain akong lumabas. Ni hindi man lang nya ako hinayaan magdesisyon kung sasama ba ako o hindi. Ewan ko sa taong 'yon, wag sana mahawa kanila Cess.

Nakarinig ako ng busina sa labas kaya kinuha ko na ang cellphone ko at wallet ko. Parehas ko iyon iniligay sa bulsa ko habang palakad palabas ng bahay. Napa-wow ako nung makita ang magadang kotse ni Chelsea. Lalo pa ako napahanga nung lumabas ito. Naka-sun glasses sya pero tinanggal nya ito at nginitian ako.

"Hello, gorgeous." bati nya. Napailing ako.

"Hey, handsome woman." bati ko rin. Ang cool kasi ngayon ni Chelsea. Hindi ko aakalain na sa labas ng school ay ganito ang pormahan nya. Naka-long sleeve polo na white na bukas pa ang dalawang butones nito sa itaas kaya medyo kita ang cleavage nya. Naka-black pants rin sya at vans shoes.

"Para makahanap ng chicks." sabi nya at naglakad sa kabilang side ng sasakyan.

"Hanep ka, dinamay mo pa ako sa paghahanap mo ng chicks." sabi ko at pumasok sa loob ng sasakyan nya. Sa kanya talaga ito dahil kaamoy nya.

"Wag nga ako, para ka nga rin maghahanap ng chicks eh." sabi nya nung makapasok. Iniharap nya pa ang katawan nya sakin at tinignan ang katawan ko.

"Huh? ang simple lang ng suot ko ah." naka-long sleeve rin ako pero shirt at light green ang kulay nito. Parehas kaming naka-pants pero naka-running shoes ako.

"But you look hot." sabi nya at kinindatan muna ako bago suotin ang sun glasses nya at humarap. "Let's go."

Pinaandar nya na ang sasakyan nya patungo sa amusement park.

"Bakit pala ako ang niyaya mong lumabas?" tanong ko rito.

"Hmm? nakakasawa na kasing yayain sila Ino kaya ikaw na lang tsaka dapat may iba akong ka-date kaso biglang umayaw...so 'yun." nakitbitbalikat na sabi nya.

"Akalain mo, may umaayaw rin pala sayo." pagbibiro ko na tinawanan nya naman.

"Okay lang, hindi ko rin naman trip ang babaeng 'yon. Masyadong maharot." sabi nya sabay tingin sakin pero saglit lang.

"Sayo ko pa narinig 'yan." sabi ko. Tumawa ulit sya. Masayahin talaga ang taong ito. Kung hindi nakangiti, nakatawa. Kailan ko kaya makikita itong galit o malungkot?

Nakarating kami sa amusement park at pagbaba pa lang nito ni Chelsea ay nakahatak agad ng atensyon ang taong 'to. Parang artista naman syang ngumiti sa mga kababaihan. Itong taong 'to.

Pumasok kami sa loob at naglibot-libot na muna. Mabuti na lang ay nadala ko ang camera ko kaya nakakuha ako ng picture kahit na ilang beses na ako nakapunta rito.

"Hey, kuhaan mo naman ako, wag puro sila." may himig na pagtatampo ni Chelsea. Nakangiting itinapat ko sa kanya ang camera at nag-pose naman ito.

"Nice pose, wag masyadong galingan baka isipin nila nagsho-shooting tayo." sabi ko pagkatapos ko syang kuhaan ng dalawang beses.

"Hayaan mo silang tignan ang kagandahan ko."

"Ang kapal ah." sabay kaming natawa at nag-try na kaming sumakay ng mga rides. Madalas ko syang kuhaan ng picture at todo pose naman ang isang 'to. May ilan-ilan kaming picture na magkasama tapos minsan ay kinukuhaan nya rin ako.

Mi Amore Series#2: My Hot PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon